DISCLAIMER:This is a work of fiction. Names, characters, businesses and places are purely coincidental. Some events and incidents are purely products of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living or dead or actual events, are purely coincidental.
No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means without the author's permission.
Plagiarism is a crime.
This story is unedited and there is purely grammaticaly errors and some typo so please bare with the author.
PROLOGUE:
Mas binilisan ko pa ang aking paglalakad. Halos matisod-tisod na ako dahil sa aking pagmamadali. Nangangatog na ng sobra ang aking mga tuhod. Bakit ba ayaw niya akong tigilan?!
Heto na naman siya sa tuwing sumasapit ang gabi at oras na ng aking pag-uwi mula sa trabaho.
Nararamdaman ko siya sa paligid at naa-aninag ko ang kaniyang anino sa mga skinita o minsan sa mga posteng nadadaanan ko. Nakasunod palagi siya sa akin.
"Sino ka ba?! Tigilan mo na 'ko!" sigaw ko sa kaniya. Nangangatog na ang aking mga tuhod pero pinipilit ko pa ring lumakad ng mabilis. Tinatakot niya ako ng sobra!
Madilim ang paligid lalo na dito sa parteng loob ng street na medyo malayo-layo pa sa aming bahay dahil ang ibang ilaw ng poste ay sira. Wala ng pampasaherong sasakyan ang pumapasok dito kaya naman wala akong iba pang pagpipilian kundi ang maglakad.
Maraming mga kanto at skinita akong nadadaanan. May ilan-ilan lang na taong tumatambay dahil na rin sa maghahating-gabi na. Naisipan pa kasi akong yayain ni Andrei mag-bar pero hanggang sa kanto niya lang naman ako inihatid dahil tinatamad na daw siya maglakad ng malayo! Hayop siya!
Dahil sa aking pagmamadali ay hindi ko napansin ang isang humahagibis na sasakyan. Nagulat at halos mabingi ako dahil sa lakas ng busina nito!
Huli na para maka-iwas ako. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hinintay ang sasakyang sasalpok sa akin. Tatanggapin at hihintayin ko na lang ang pagpasok ko sa kabilang buhay!
Pero bago ko pa maramdaman ang aking masakit na kapalaran ay isang malakas na paghatak ang aking naramdaman sa aking katawan. Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap sa akin.
"Break him.....or I'll kill him," bulong ng isang baritonong tinig sa aking tainga.
Nanindig ang aking mga balahibo sa katawan. Kakaibang kuryente ang dumaloy sa aking ugat nang tumama ang mainit niyang hininga sa aking punong tainga. Fuck!
Naimulat kong bigla ang aking mga mata nang maramdaman ko ang paglapat ng kaniyang labi sa aking kaliwang panga, pababa sa aking leeg. Lumakas ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko siya makita dahil sa sobrang dilim ng aming kinaroroonan. Nasa loob kami ng madilim na skinita.
Hindi ako nakapalag nang maramdaman ko ang marahan niyang pagsipsip sa aking balat. May kaunting kirot akong naramdaman pero kakaiba ang sensasyong hatid sa aking kaibuturan.
Nag-init ang aking pakiramdam. Nanghihina ang aking mga tuhod, ganoon din ang aking kalamnan. Kakaibang kiliti sa aking puson pababa sa pinakamaselang parte ng aking katawan.
Pamilyar sa akin ang ganitong uri ng pakiramdam sa tuwing ako'y nasa mahimbing na pagtulog. Palagi akong dinadalaw ng kaniyang presensya sa aking panaginip. Pero magigising akong mag-isa at wala naman siya sa aking tabi.
Patuloy niya rin akong binabantayan at minamasdan sa kalye, pero tanging anino niya lang ang aking nakikita at nakakasama.
BINABASA MO ANG
SHADOW 1 [COMPLETED]
RomanceWARNING!|R-18|Read at your own risk. All Rights Reserved (2020) His captivating but mysterious eyes. The elegance of his body. The agility of his every move. His mesmerizing and masculine scent. His lingering caresses on my body. His intoxicating...