Pagkatapos kong maglinis at mag-ayos ng aking silid ay lumabas na muna ako dahil nakaramdam na ako ng gutom.
Anong oras na ba?
Tumingin ako sa relo na nasa aking bedside table at nagulat akong eleven na pala! Magtatanghali na at hindi pa ako kumakain!
Madali akong nagtungo sa kitchen at nagbungkal sa mga kaserola. Mas lalo akong nagutom nang adobong piggy ang aking nakita with full of patatas. Hmnn, bango!
Nilanghap-langhap ko muna ito bago ako sumandok ng marami at inilagay sa plato. Tapos ay kaning marami din.
Pumunta na ako sa mesa at nag-sign of the cross muna bago sinimulang kumain. Ang sarap!!!
Bakit parang ang perfect naman 'atang magluto ngayon ni Mia ah? Hindi naman siya ganito kasarap magluto ah, kalimitan pa nga ay palpak.Habang kumakain ako ay may naririnig akong nagwi-wistle mula sa labas. Sa tonong kumakanta ang kanyang pag-wistle. Naka-open kasi ang pinto namin at screendoor lang ang nakasara kaya naman rinig na rinig ko ang ingay sa labas. Sumilip naman ako sa labas dahil malapit sa pinto ang table namin.
Napanganga naman ako kay Ghian na busy sa pagsasampay ng kanyang mga nilabhan. Nakahubad-baro pa at mabuti naman dahil naka-cotton short na siya! Ang akala ko eh naka-boxer pa rin siya d'yan sa labas!
Naka-upo pa rin ako dito sa mesa habang sumusubo ng kanin at nakatitig naman sa labas. Sarap talaga ng ulam, hmnn..
Namumutok sa masel ang kanyang mga braso, balikat, dibdib at, oh my God! Ang adobong pandesal! Parang ang sarap naman niyan lamutakin.
Patuloy siya sa pag-wistle habang nagsasampay ng kanyang mga damit.
Ngayon ko lang din napansin na may tattoo pala siya sa kaliwang parte ng kaniyang likod. Ganoon din sa kaliwang bisig. Di ko alam kung anong tawag sa gan'yang style ng tattoo. Pakurba-kurba siya.Natapos ako sa aking pagkain na tanging kanin lang ang aking nakain. Hindi ko nakain ang masarap na adobo! Mas masarap kasi 'yong nasa labas!
Huh?
Napamulagat ako nang may biglang kumatok sa screendoor. 'Yong ulam ko!
"B-bakit?" nautal kong tanong sa kaniya na hindi ko namalayang nasa labas na pala siya ng screendoor. Nakatitig pa rin kasi ako sa kanyang katawan.
"Kukunin ko 'yong ulam ko," seryoso niyang sabi. Seryoso? Anong ulam?
"H-ha? A-anong ulam?" Natutulala pa rin ako sa kaniya hanggang sa binuksan na niya ang screendoor at pumasok siya dito sa loob.
Lumapit siya sa gastove at kinuha ang kaserola. Binuksan niya ito at saka lumapit sa akin. Hindi maalis ang aking paningin sa kanyang bato-batong tiyan lalo na noong makalapit siya sa akin at nasa harapan ko na ang aking mga ulam. Tumutulo ang pawis sa kanyang katawan.
"Nasaan na?" rinig kong tanong niya. Biglang nawala sa aking paningin ang mga pandesal at humarang ang kaserolang wala ng laman. Napatingala na tuloy ako sa kaniya. Nakataas ang sulok ng kanyang labi at makakapal niyang kilay.
"Ahh, u-ulam? I-ito ba?" turo ko sa mga ulam na nasa aking plato na hindi ko nga nakain.
"Tss. Huwag mo ngang kinakain 'yong hindi sa'yo," sabi niya sabay kuha ng aking plato.
"Ha? Eh hindi ko naman nakain ah! At saka paano naging sa'yo 'yan eh narito sa bahay namin?" Bigla na naman akong nainis. Yabang ng kumag na ito ah.
"Si Mia ang kumuha nito sa room ko at dinala dito." Huh? Nagulat naman ako doon. Ibig sabihin ay nakapasok na si Mia sa kanyang apartment?!
BINABASA MO ANG
SHADOW 1 [COMPLETED]
Любовные романыWARNING!|R-18|Read at your own risk. All Rights Reserved (2020) His captivating but mysterious eyes. The elegance of his body. The agility of his every move. His mesmerizing and masculine scent. His lingering caresses on my body. His intoxicating...