CHAPTER 30: Helicopter

10.3K 281 5
                                    

Kinaumagahan ay napakapa ako sa aking mga matang mahapdi at namamaga dahil sa magdamag kong pag-iyak. Pinilit kong bumangon kahit hinang-hina ang aking pakiramdam.

Paglabas ko ng aking silid ay kaagad kong nabungaran si Ghian sa tapat ng aking pinto na bihis na bihis, prente siyang nakasandal sa gilid habang nakatitig sa akin ng taimtim.

Tumalim ang aking mga mata sa kaniya at nilampasan siya pero napahinto din nang magsalita siya.

"Magbihis ka na, pupunta tayo sa Isla. Pupuntahan natin ang family mo," kalmado niyang sabi sa akin.

Napanganga ako at dagling napaharap sa kaniya.

"Alam mo kung nasaan sila? Kilala mo ang pamilya ko? Sino ka ba talaga?! Bakit hindi ka pa magpakilala?!" sigaw ko na sa kaniya dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko!

"You'll know soon. So, you better prepare yourself," pagkasabi niya niyon ay nilampasan na niya ako pero muli siyang nagsalita.

"Hurry up if you still want to see them alive. I'll wait for you outside."

"Ano?!" Hindi ko kaagad naintindihan ang kanyang sinabi. Pero hindi na niya ako sinagot pa at tuluyan na siyang lumabas ng pinto.

Kaya naman nagmadali na ako sa panliligo at pagbibihis bago pa magbago ang isip niya! Hindi ko alam kung tama bang maniwala ako sa kaniya at magtiwala pero wala na akong ibang maisip na paraan para malaman kung nasaan ang pamilya ko. At si Andrei? Siguradong naroroon na si Andrei!

"Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Mia paglabas niya ng kaniyang silid. May pagtataka siyang nakatitig sa aking posturang bihis na bihis.

"Dito ka na muna, may pupuntahan lang akong importante. Tatawagan na lang kita."

"Ha? Eh, saan? Magbabakasyon ka? Hindi ba ako puwedeng sumama?"

"Saka ka na lang sumama, hindi p'wede ngayon. Sige na mauuna na ako."

"Eh, sinong kasama mo? Si A-Andrei ba?" Napakunot ang aking noo. Nagtataka na ako sa tono ng pananalita niya kapag si Andrei na ang nasa usapan eh.

"Hindi, si Ghian ang kasama ko," sagot ko habang narito na ako sa tapat ng screendoor.

"Ano?! Paano nangyaring si Ghian?!" sigaw pa rin niya pero hindi ko na siya sinagot. Lumabas na ako ng tuluyan ng screendoor at nakita ko nga si Ghian na nakaabang na sa labas.

Pinagmasdan niya ang aking suot mula ulo hanggang paa. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano pang tinitingin-tingin mo d'yan?! Tara na!" inis kong sigaw sa kaniya at saka inirapan siya. Nauna na akong maglakad sa hallway.

Malayo-layo na ang inilalakad ko nang mapahinto ako dahil wala akong maramdamang sumusunod sa akin!

Napalingon ako sa aking likuran at nakita kong naroroon pa rin sa tapat ng pinto ng aking unit at ganoon pa rin ang posisyon ni Ghian! Nakasandal at nakatanaw lang sa akin dito sa malayo!

"Ano?!" Halos maiyak at halos mapapadyak na naman ako! Ano ba itong lalaki na ito?! Nakakainis! Ang sarap niyang hambalusin!

"D'yan ba ang daan?!" sigaw niya dahil malayo-layo na nga ako.

"Eh, saan ba tayo dadaan?!" Pina-iinit talaga ng lalaking ito ang ulo ko! Bumalik na lang ako dahil mukhang hindi talaga dito ang daan.

Ngingisi-ngisi naman siya sa akin at hindi pa ako nakakalapit ay tumayo na siya ng tuwid at naglakad papasok ng kaniyang unit. Doon ba ang daan?! Haayst!

Pumasok na rin ako at paglayo ko sa pinto ay bigla na naman itong sumara ng malakas!

"Huh!" Muli na naman akong nagulat at napahawak sa aking dibdib!

"Nakakainis na itong pinto mo, ah! Manang-mana sa may-ari!" sigaw ko sa kaniya habang sinusundan ko na siya na naglalakad patungo sa hallway sa kaliwa na sa tingin ko ay likod ng aming unit at sa kanan naman nito ay glasswall na puno ng gamit sa gym.

"Soon, ikaw na rin ang may-ari n'yan," bubulong-bulong na naman niya.

"Ano?!"

"Sabi ko ang ganda mo sana, marumi lang ang tainga mo," sagot niya habang patuloy sa paglalakad patungo sa dulo ng hallway at hindi ako nililingon.

"Dinidilaan mo naman!"

"Masarap, eh." Napanganga ako sa kanyang sinabi. Kitam! Umamin din!

"B'wisit ka!"

"Mahal mo naman," bulong na naman niya.

Huminto na siya sa dulo at humarap sa kanan. May nakita akong pinindot niya doon. Ano kaya 'yon?

Binilisan ko na ng lapit sa kaniya. Baka iwanan pa ako ng kulugong ito!

Paglapit ko ay saka ko lang napagtantong elevator pala iyon?! Hanep! Eh, di siya na ang may elavator sa mansion!

Pagkabukas ay agad siyang pumasok sa loob at mabilis din akong sumunod. Pagkasara ng pinto ay natahimik na ako at nakaramdam ng pagka-ilang lalo na nang tumitig na siya sa akin. Nakasandal kasi siya sa pader habang nakaharap sa akin.

Tumungo ako at hindi ko kayang labanan ang mga titig niya. Umandar na pa-itaas ang elevator at tumunog ito sa number 5. Nasa fifth floor na kami!

Pagkabukas nito ay agad siyang lumabas. At bumungad sa akin ang malawak na animo ay gymnasium pero walang kahit anong bagay ang makikita dito kundi isang... Helicopter?!

What the f?! Gan'yan siya kayaman?!

Dumiretso siya doon at wala akong magawa kundi ang sumunod lang sa kaniya. May natanaw pa ako sa dulo na sliding na daanan ata iyon palabas nitong helicopter. Full cover kasi itong itaas ng bubong at mayroon lang sa dulo na open na maaaring labasan nga nitong helicopter.

"Sasama ka ba o hindi?" Bigla akong napalingon sa masungit na Ghian at nagulat ako nang makita ko siyang nasa loob na agad ng helicopter! B'wisit na ito! 'Di man lang ako hinintay!

Binuksan niya ang pinto nito at saka ako umakyat. Wait, sinong magda-drive nito? Siya? Marunong ba siya?! Malamang, siya ang may-ari, eh.

"Anong tini-tingin-tingin mo?" masungit niya pa ring tanong.

"Ikaw ang magda-drive nito?!"

"If you don't trust me, you better get off."

"Nagtatanong lang!" Sumimangot ako. Bakit ba napakasungit nito, eh siya nga itong may kasalanan sa akin, eh!

Hindi ko na siya tiningnan at dumiretso lang ang aking paningin sa unahan habang naka-upo na rin ako dito sa front. Kita ko naman sa gilid ng aking mga mata ang paglapit niya sa akin at may kung anu-anong seatbelt ang isinuot sa akin. May headset din siyang isinuot sa aking tainga.

Napakalapit ng mukha niya sa akin at ngali-ngali ko na siyang sunggaban at halikan! Pero mahigpit kong pinigilan ang sarili ko dahil baka mapahiya na naman ako!

Pagkatapos niyang ikabit ang headset sa aking tainga ay tumitig na siya sa akin. Halos ga-inches lang ang layo ng mukha niya sa akin.

Mas lumapit pa siya sa akin hanggang sa lumapat na ang labi niya sa akin. Napapikit na ako at gumanti ng halik sa kaniya. Matagal, masuyo... hanggang sa lumayo na siya ng bahagya.

"I love you." Napahikbi na ako nang marinig ko 'yon at makita mismong inilabas iyon ng kanyang labi sa maliwanag na paligid.

"I l-love you too," pabulong ko ring sagot sa kaniya habang umaagos ang aking mga luha sa pisngi.

"Shh, don't cry. Mayroon ka pang dapat malaman. So, be ready." Pinunasan niya ang aking mga luha at saka bumalik na sa kanyang upuan at sinimulan ng paandarin ang sasakyan.

Ano naman kaya iyon?

SHADOW 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon