CHAPTER 26 KUMOT

10.7K 253 17
                                    

"Kasi haharang-harang ka eh," sermon pa rin sa akin ni Mia.

"Ako pa ang may kasalanan?" nakasimangot kong sagot habang hawak ko pa rin ang ice bag at nakalapat sa aking noo. Si Ghian naman ay nakapamaywang lang sa aking harapan at pinapanood ang aking ginagawa.

"Malamang! Alangan namang ako eh ikaw 'yong lumabas? Eh kung hindi ka muna lumabas at hinintay mo muna akong kumatok eh 'di hindi ka sana nasuntok! Kasalanan mo 'yan, tanghali ka na naman bumangon. Ano? Pinuyat ka na naman ba ng bampira mo?! Sabi ko sa iyong papuntahin mo doon sa k'warto ko, eh 'di sana ay hindi ka napuyat at hindi ka tanghali nagising at hindi ka din sana nasuntok!" mahabang sermon na naman niya habang naglalakad na patungong kitchen at humarap sa gas stove.

"Hindi nga siya pumunta eh!" nakabusangot ko pa ring sabi at naglakad na ako patungong banyo.

"Ayon naman pala. Napuyat ka sa kahihintay sa kaniya. Sabi ko sa iyo eh, pinapaasa ka lang ng lalaking 'yan! Matapos niyang yurakan ang pagkababae mo! Matapos niyang lunurin ang sarili niya sa baha! Matapos niyang simutin ang lahat ng katas mo! At magpakasasa sa tawag ng laman! Ayon, basta ka na lang niyang iniwang tuyo't lanta kaya wala ng magkakagusto sa iyo. Sa akin naman siya lilipat, hmp!"

Nakangiwi akong lumingon kay Ghian at pareho lang pala kami ng reaction. Nakangiwi din siya at iiling-iling na lang kay Mia.

Pumasok muna ako sa banyo at sinipat ang noo kong may bukol pa rin.

Haayst! Paano na naman ako nito makakapasok?! Bakit nga ba hindi siya pumunta kagabi?

Pero sa mga sinabi ni Mia, bakit 'di ko siya magawang pagdudahan? Bakit malakas pa rin ang tiwala kong ako lang ang babae niya?

Pero lagi niya ring sinasabing mahal niya ako pero bakit ayaw niyang magpakita?

Lumabas na ako ng banyo at nakita ko si Ghian na nasa harap na naman ng mesa at nagkakape. May pandesal na naman siyang hawak at sinasawsaw sa kaniyang kape.

Pero bakit kaya ang lalaking ito ay feel at home na rin dito?

Ni wala ngang pumapansin sa kaniya eh. Pero diretso lang siya sa kaniyang ginagawa at saka fc din to eh. Feeling close. Hmp!

Umupo na rin ako sa kaniyang tabi at nakipag-agawan ng pandesal. Inagaw ko ang pandesal niyang hawak na kita kong may kagat na at ako ang kumain. Pati ang kaniyang kape ay ako na rin ang uminom. Napapanganga na lang siya sa akin pero wala akong pakialam!

"Magtimpla ka nga ng sa iyo," masungit niyang sabi sa akin.

"Bakit? Kanino bang kape 'yan? Kanino bang pandesal 'yan?" maangas ko namang tanong sa kaniya.

"Oi, ako ang bumibili ng pandesal."

"Oh, eh anong gusto mo? Iluwa ko ulit 'to?" taas-kilay kong tanong sa kanya at muling inagaw ang pandesal niyang hawak. Napangiwi na lang siya sa akin.

"Hoy Charisma! Hindi mo ba naisip na baka may asawa na 'yang bampira na 'yan? Kaya hindi siya nagpapakita sa'yo?! Oo, tama ako! Siguro ay hindi siya makatabi sa asawa niya kaya ikaw ang kinukutingting niya! Naku, Charisma Rhavalez! Sinasabi ko sa'yo, baka magugulat na lang tayo ay kumakatok na d'yan sa pinto ang asawa niyan at may dalang armalite at pasabugin na lang tayong lahat dito! Mabuti sana kung ikaw lang! Ayoko pang mamatay, no!" dakdak niya sa aming harapan ni Ghian habang nakalagay ang isa niyang kamay sa baywang at ang isa niyang kamay ay may hawak na sampi at kinukumpas-kumpas niya sa ere.

"May armalite din naman tayong panlaban sa kaniya eh," sabat ni Ghian habang nagtitimpla na naman ng kape dito sa mesa.

"Ha? May nakatago ba tayong armalite? Bakit hindi ko alam?" sagot naman ni Mia.

SHADOW 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon