CHAPTER 39 Mr. & Mrs. Heinrich

11.7K 243 2
                                    

ONE MONTH LATER

"I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride," pag-aanunsiyo ni Father sa aming harapan kaya nagharap na kami ni Ghian. Itinaas na niya ang suot kong belo at hinapit ako sa baywang palapit sa kaniya. Puno ng pagmamahal ang kaniyang mga mata. Dahan-dahan pa ang ginawa niyang paglapit sa akin.

"Ano ba iyan?! Pa-intense naman!" biglang may sumigaw na boses na malapit lang sa amin. Lintek ka Bryan! Maya ka lang sa akin.

"Whoa! Gutom na gutom na kami!" tinig naman ni Floyd.

"Oo nga, baka mapanis 'yong lechon!" Nash.

Nagtatawanan ang mga bisita sa mga kalokohan ng mga ito.

"Tagal naman." Bahagyang namilog ang aking mga mata ng tinig naman ni Andrei ang aking narinig.

Pero si Ghian ay parang walang naririnig sa paligid. Patuloy siya sa dahan-dahan niyang paglapit at ako naman ay naiinis na! Kaya naman ako na ang sumunggab sa labi niya. Sakto namang nagkislapan ang mga camera sa paligid. At ang hinayupak pa na Ghian ay natatawa pa sa akin habang nilalamukos na niya ako ng halik.

B'wisit na ito eh!

"Congratulations!"

"Mabuhay ang bagong kasal!"

Nagsabog ang mga confetti sa aming katawan ni Ghian nang matapos ang aming kasal dito sa gilid ng dagat. Dito na kasi ginanap sa Maian Island ang aming kasal at nagtungo na lang dito ang ilan sa aming mga kaibigan from Manila. Ang iba ay hindi nakarating gaya ni Nancy na maselan ang pagbubuntis at nagdadalamhati pa rin sa pagkawala ng mahal niya. Si Cail naman ay nasa honeymoon ngayon with Sir Rick sa ibang bansa.

"Kiss!"

"Kiss!"

"One more shot!"

Sigawan pa rin nila habang nakatutok sa amin ang mga camera kaya naman mabilis din akong kinabig ng asawa ko na ngayon na si Mr. Ghian Heinrich at binigyan ako ng kaniyang makabagbag damdaming halik sa labi.

"Kainan na aba! Kanina pa nagrereklamo mga bulate ko sa tiyan." Nangungunang umalis si Bryan. Iiling-iling na lang si Tiffany kay Bryan na ngayon ay boyfriend na niya. Naks.

Nagsilapitan naman ang iba sa amin at kaniya-kaniyang bati sa amin.

"Congrats! Damihan niyo, ha," nakangising sabi ni Erhwin sa amin ni Ghian. Ang sabi ni Ghian sa akin ay kailan lang daw sila naging magkaibigan ni Erhwin. At ang trabaho daw niya ay tagakabit ng mga cctv camera sa mga kalye at sa mga hotel, sa mga building. Kaya daw nakita daw niya 'yong babaeng nagligtas kay Sir Nick sa barko dahil sa cctv. At nagkabit din daw siya ng cctv sa Delavega hotel kaya sila nagkakilala ni Erhwin.

Tatanungin ko nga rin itong si Erhwin kung magtutugma ang sagot nila. Feeling ko kasi hindi nagsasabi ng totoo si Ghian eh. Hmp!

"Thanks, C," sagot naman ni Ghian at nag-fist bump pa sila. C?

"Babati na ba ako?" Napalingon naman ako kay Andrei. Nakangiti na siya sa akin ngayon though may nababanaag pa rin akong lungkot sa kaniyang mga mata. Nagkausap na kami first week pagbalik namin sa Manila at nagkaayos naman na kami.

Wala naman daw siyang magagawa lalo na at kuya niya ang makakalaban niya. Malaki daw kasi ang respeto niya sa kuya niya at palagi niya itong sinusunod.

Oo naman, alam ko iyon dahil nakikita ko rin siya noong mga bata pa kami. Hindi ko lang talaga siya napapansin noon dahil kay Ghian lang ang atensiyon ko. At saka mas bata siya sa akin ng isang taon. Magkasing-edad lang kasi kami ni Ghian at ngayon ay twenty-four na nga kaming pareho.

"Congrats," nakangiti niyang bati at lumapit pa sa akin.

"Thank you," nakangiti ko ring sagot sa kanya. Tangka siyang yayakap sa akin nang may biglang humapit sa aking baywang. Napalingon naman ako kay Ghian na may pilyong ngiti sa labi.

"Just one greeting is enough," may mapang-asar na mukha na sabi niya kay Andrei.

"Tsk. Nasa iyo na nga, eh," kakamot-kamot sa ulong sagot naman ng kapatid at medyo umatras.

"Congrats, Beshy!" Biglang sumulpot si Mia at kita ko naman kaagad ang pagngiwi ng mukha ni Andrei. Sabay saksak ng earphone sa kaniyang tainga. Ngayon ko lang siya napansing gumamit ng earphone.

"Oh, hayan na ha, matatahimik na din ang araw mo dahil wala ng magbubunganga sa iyo. Pero siyempre kapag lumabas ka doon sa katabi kong pinto ay magkikita pa rin tayo kaya ang mabuting gawin mo ay magkulong na lang kayong dalawa ni Ghian sa k'warto para mabuo na inaanak ko. Hmp! Oo nga pala, ang regalo ko sa iyo ay t-back at alak." Agad nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang sinabi.

Naubo naman si Ghian sa aking tabi.

"Oh, anong problema niyo sa regalo ko? Isusuot mo 'yon sa honeymoon niyo para pampagana at shoot agad ang inaanak ko. Tapos maganda kung iinom muna kayo ng alak pampagana--" Naubo ng tuluyan si Ghian sa aking tabi. Ako naman ay hinagod ang kaniyang likuran kaya naputol ang sinasabi ni Mia.

"Bakit ang dami mong alam sa ganyan?" masungit na tanong ni Andrei kay Mia.

"Oh, ang akala ko ba ay hindi ka nakikinig?! Ba't sumasagot-sagot ka dyan?!" sigaw sa kaniya ni Mia.

"Tsk. Bahala ka nga." Naglakad ng palayo si Andrei.

"Hoy! Hindi pa ako tapos! Nagsasalita pa ako. Bastos ka ah, hintayin mo 'ko, Andrei! Malalagot ka talaga sa akin. Mamartilyohin kita!" Hinabol na niya si Andrei at hindi na nagawang magpaalam sa amin.

"I was wondering if we would still let Mia live in our mansion. Ang ingay talaga, eh," nakangiwing sabi ni Ghian sa akin.

"Bakit? Ako rin naman maingay, ah. Nasisigawan nga kita lagi, eh."

"Atleast, mahal ko ang pagiging maingay mo. Mahal ko ang lahat-lahat sa iyo," saad niya. Agad naman akong napangiti.

"Eiiihhh, kaenes ke nemen eh!" pakeme kong sagot at kinurot ko pa siya sa kaniyang tagiliran. Tatawa-tawa naman siya sa akin.

"Tara na, iwan na natin sila," sabi niya at agad niya akong binuhat at patakbo niyang tinungo ang motorboat namin na puno ng white balloons at mga kung anu-anong palamuti.

"Hoy! Hindi pa tapos ang reception!!!"

"Excited kayo!"

"Bumalik kayo dito!"

"Beshy! 'Yong t-back at alak naiwan dito!" sigawan nila sa amin pero nagpatuloy lang si Ghian at parang walang naririnig. Kumapit ako ng mabuti sa kaniyang leeg at kumaway sa mga taong naiwan sa resort.

Isinakay niya ako kaagad sa motor boat at agad din niyang pinaandar pagkaupo niya. Kinuha ko naman ang mga white dove balloons with banner na may nakasulat na HAPPY WEDDING DAY MR. AND MRS. HEINRICH at ipinalipad ko sa ere.

Kasabay niyon ay mga paputok at fireworks sa langit. Dahil sunset ginanap ang aming kasal ay inabutan ng nag-aagaw na dilim at liwanag ng paligid ang fireworks at napakaganda nilang tingnan sa kalangitan.

Hinubad ko na aking gown at inihagis sa dagat. Pagkatapos ay umupo ako ng pasaklang sa kandungan ng aking asawa habang siya ay nagmamaneho ng motorboat.

"Mapuputukan ka, Mrs. Heinrich," nakangisi niyang sabi habang sa dagat pa rin nakatingin.

"Tagal naman," sabi ko habang dahan-dahan ko ng tinatanggal ang pagkakabutones ng kaniyang white suit. Lalo siyang napangisi sa akin.

Sinimulan ko na siyang halikan sa leeg.

"I love you, hubby," bulong ko habang marahan ko ng kinakagat at sinisipsip ang kaniyang leeg kasabay ng marahan kong pag-rub ng aking balakang sa kaniyang nag-uumpisa ng manigas na lagari.

"Ahh... shit. Wala ka pang inom niyan." Napangisi na naman ako nang marinig ko ang nag-uumpisa na naman niyang pagmumura at mas binilisan pa ang pagpapatakbo ng motorboat.

SHADOW 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon