CHAPTER 9 ANINO

14.7K 318 12
                                    

"Ay! Dahan-dahan lang kasi. Sige, subukan mo ulit!"

Napamulat ang aking mga mata nang marinig ko ang malakas na pagtili ni Mia mula sa labas.

"Ayan, parang lumuluwag na. Sige pa, basang-basa ka na ng pawis oh." Sino bang kausap niya at anong ginagawa nila?

Madali akong bumangon ng kama at maghahagilap sana ng damit nang mapansin kong nakadamit na ako.

Huh?

Ilang beses kong sinipat ang aking sarili at tiningnan ko pa ang aking loob. Naka-panty na rin ako pero wala pa rin akong bra. Naka-cotton short at sandong puti na panlalaki ako. Medyo maluwag sa akin pero okay na rin kasi maaliwalas.

Wait, kanino 'to? Hindi naman akin 'to ah.

"'Yan, sa wakas natapos din. Ang galing mo talaga."

Narinig ko na naman ang boses ni Mia kaya nagmadali na akong lumabas ng aking silid. Sala ang bubungaran ko paglabas ng aking k'warto, luminga ako sa kaliwa at naroroon nga siya sa kitchen at may kasamang nakahubad na lalaki?! Sino naman 'to?

Nakatalikod siya sa gawi ko, nakaupo at parang may inaayos sa ilalim ng lababo.
Lumapit ako sa kanila. Napansin naman agad ako ni Mia na abala sa pagpupunas sa likod ng lalaki.
Aba't ang kiri din nito ah. Kilala ba niya 'yan?

"Beshy! Gising ka na pala," sigaw sa akin ni Mia pero ang aking mga mata ay nakatuon sa lalaki na bahagyang natigilan dahil sa pagsigaw ni Mia pero nagpatuloy ulit sa kanyang ginagawa.

"Ano 'yan?" tanong ko nang makalapit na ako.

"Kasi 'yong gas tank natin sobrang higpit. Hindi ko mabuksan eh wala na palang laman. Pero umorder na ako at parating na 'yon. Pinapakalas ko kay Pogi kasi nakita ko siya d'yan sa labas at inistorbo ko muna sa kanyang paglalaba. Ang bait nga niya eh."

Paglalaba? P'wede palang maglaba sa hallway?

Napasilip naman tuloy ako sa labas ng pinto. At nakita ko ngang may mga planggana at timba nga sa labas ng kanyang apartment. Naka-open ang aming pinto dahil may doublescreen naman itong sara.

Tumango na lang ako. Pero pansin kong napatitig sa akin si Mia.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya.

"Ano 'yang nasa leeg mo? Hickeys ba 'yan? Ang dami ah, pinapunta mo ba dito si Andrei kagabi?!"

"H-ha? H-hindi ah. A-anong hickeys ka d'yan. K-kinamot ko lang 'yan." Pansin ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtayo ng lalaki at pagharap sa gawi ko.

Kumabog ang dibdib ko nang makilala kong si Ghian pala ito! Ang antipatiko naming kapitbahay! At naka-boxer lang ang damuho!

Agad akong humarap sa salamin na nasa pinto ng banyo at sinilip ang aking leeg. Napamulagat nga ako sa dami pero hindi ako nagpahalata kay Mia at kunyari ay makati at kinamot-kamot ko pa.

Nakakainis naman! Bakit niya ako nilagyan nito?! Paano ako nito papasok sa trabaho?!

"At saka kaninong sando 'yan? Parang wala ka namang sandong ganyan ah. Parang panlalaki 'yan eh."

"H-ha? A-akin 'to. B-binili ko kahapon." Napasulyap ako kay Ghian at naloka ako nang makita kong amused siyang nakatitig sa akin! Para siyang nangingiti! Bwisit! Lalo siyang pumopogi!

"Kahapon?! Hoy Charisma nagsisinungaling ka na naman sa akin! Busy tayo kahapon sa paglilinis nitong bahay! Paano ka nakabili ng sando? Wala namang tindahan ng damit d'yan sa labas ah. At saka ang ganda ng tela oh, mukhang mamahalin!" Lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang laylayan ng sando para inspeksiyunin ang tela nito.
"Nagtatrabaho ako sa mall kaya alam ko ang mga tela ng branded at local! At saka bakit wala ka pang bra? 'Yong nipples mo oh, tayong-tayo!" Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi.

Oh my God!

Siguro ay para na namang kamatis ang aking mukha nito! Agad kong naitakip ang aking mga braso sa aking dibdib at bago ako tuluyang tumalikod sa kanila ay di ko maiwasang sumulyap muli kay Ghian at nakita kong ngingisi-ngisi siya habang nakatitig pa rin sa akin.

"Bastos!" sigaw ko sa kaniya bago ako tumalikod at tumakbo papasok sa aking k'warto.

"Hoy Charisma! Ikaw ang bastos, lumabas ka dito ng walang bra! Tapos nagpalagay ka pa ng mga chikinini sa leeg! Humanda talaga sa akin 'yang Andrei na 'yan!" pagsisigaw pa rin ni Mia bago ako tuluyang nakapasok ng aking room at isinara ito ng malakas.

Oh my God! Nakakainis! Nakakainis talaga!

Tumakbo ako sa aking kama at dumapa doon at pinagsusuntok ko ang kama ko at ini-umpog-umpog ko pa ang aking ulo dito!

Nakakainis talaga! Pangalawa na 'to! Una 'yong sa c.r sa hospital na nakabukas ang zipper ng pants ko! Nakakainis talaga! Nakakainis!

Hindi na lang ako lumabas ng aking k'warto. Gusto ko na lang magkulong dito habambuhay!

Pinili ko na lang na ayusin ang aking mga damit sa cabinet para naman maayos na itong aking k'warto.

***
"Beshy! Papasok na ako. Kumain ka na lang dito, nagluto na ako!" sigaw ni Mia sa labas kasabay ng kanyang malalakas na pagkatok sa pinto.

Oo nga pala, may pasok na siya at ako ay maiiwang mag-isa dito. Hindi ako makakapasok dahil sa chikinini nga sa aking leeg!

Nakakainis naman kasi! Bakit niya ako nilagyan nito? Alam naman 'ata niyang may trabaho ako. Masisita ako nito eh. Nalipat pa naman ako sa ibang branch at saka sayang 'yong isang araw ko! Nakakainis naman siya!

Hindi ko naman kasi namalayan kagabi na pinagsisipsip niya ang leeg ko! Siguro sa sobrang sabik ko rin sa kaniya kaya hindi ko na namalayan ang mga pinaggagawa niya sa akin. Naalala kong nag I love you pa siya at hanggang sa makatulog ako ay hindi siya agad umalis at nakayakap lang sa akin. Pero paggising ko naman kanina eh wala na siya.

"Beshy, patay ka na ba?! Bakit hindi ka sumasagot?!"

Huh! Patay agad?

"Oo, narinig ko!" sigaw ko rin. Naka-upo kasi ako dito sa marmol at nagtutupi pa rin ng mga damit. Tinatamad akong tumayo. Hindi naman niya mabubuksan ang pinto dahil naka-lock 'yan.

"Sige, alis na ko!"

"Oo, ingat." Naramdaman ko ang kaniyang mga yabag na papalayo.

***
Nang matapos ako sa mga damit ay ang mga abubot ko naman ang aking inayos. Pati ang mga slumnotes ko noong elementary and highschool na puno ng mga sagot ng aking mga friends and classmates. Nakakatuwa lang balik-balikan ito at basa-basahin. May mga pictures din silang inilagay dito.

May ilang books din ako ng diary ko noon na pinakaiingat-ingatan ko. Naisipan kong buksan at di sinasadya ay nalaglag mula sa loob ang ilang pictures na isiningit ko lang dito dahil naging parte at mahalagang tao siya sa akin noong kabataan ko.

Tinitigan kong mabuti ang mga larawan naming dalawa ni Ghian. Mayroong 1 year old, 2 years old, 3, 4, 5, 6,hanggang 12. Natigil sa 12 dahil after noong masunog ang halos kabuuan ng kanyang mukha ay hindi na ako lumapit sa kaniya. Pinandirihan ko siya. Hindi na ako nakipag-usap. Itinaboy ko na siya at sinabi kong kahit kailan ay huwag na siyang magpapakita sa akin.

Mas mabuting maging anino na lang siya dahil ayokong makita ang hitsura niya.

What the? Anino?!

SHADOW 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon