9 Months Later
"Baby, enough na. Ang laki-laki na ng tiyan mo. Ang sikip-sikip na diyan sa loob, kawawa naman ang mga anak ko," saway sa akin ng mahal kong asawa habang hinihimas niya ang aking tiyan ba animo'y napakalaking pakwan dahil sa sobrang laki.
Kanina pa nga naman ako kain ng kain. Narito kami ngayon sa living room habang nakaupo sa sofa at naka-open ang napakalaking tv na si spongebob lang naman ang palabas.
"Eh, sa nagugutom pa ako, eh," nakasimangot kong sabi sa kaniya pero inagaw pa rin niya ang fried chicken na hawak ko.
"Fruits na lang baby, baka sumakit na ang tiyan mo," sabi niya at siya naman ang kumain ng fried chicken ko.
"Hubby! Akin 'yan!" sigaw ko sa kaniya dahil iisa na nga lang 'yong chicken pero halos lunukin na niya lahat sa pagmamadali niyang maubos!
"Hubby..." tuluyan na niyang naubos ang fried chicken at ako ay tuluyan na ring umiyak sa sama ng loob.
"Baby, you've eaten a lot of fried chicken since morning at ako ay ito pa lang isa at may bawas pa. Baka makasama iyon sa baby natin at sa iyo din. It's best to eat only fruit for our children's health and also for you." Hindi ako umimik. Tumayo na lang ako at hirap na hirap na naglakad patungo sa aming silid. Sobrang laki na ng aking tiyan dahil kabuwanan ko na rin ngayon.
Ang sama-sama ng loob ko. Gusto kong maubos yong 20 pieces na chicken eh.
Umakyat na ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Narinig ko namang bumukas-sara ang pinto pero hindi ko pinansin.
"Baby, drink water," sabi niya at naramdaman ko ang pag-upo niya sa aking gilid. Lumundo ng marahan ang kama. Pilit niyang tinanggal ang pagkakakumot ko pero mahigpit ko rin itong hinawakan.
"Ayoko!" sigaw ko sa loob ng kumot.
"Kisma naman eh." Kisma ang tawag niya sa akin kapag matigas ang ulo ko. Mas lalo namang sumama ang loob ko.
"I'm just worried about you because I love you. I won't let anything bad happen to you. Baby, please drink this," malambing na niyang sabi at hindi naman ako umimik.
Muli niyang tinanggal ang aking kumot at hinayaan ko na siya pero tinalikuran ko pa rin siya.
"Baby, c'mon. Huwag ka ng magalit, sorry na. Tomorrow, I'll buy you 50 pieces of fried chicken," sabi niya at niyakap-yakap pa ako mula sa aking likuran. Muli niyang hinimas ang aking tiyan pero maya-maya lang.
"Ah," bigla akong napa-igtad nang may gumuhit na sakit sa aking tiyan at may naramdaman akong tubig na lumabas mula sa aking pagkababae.
"Baby, why?" Nakaramdam naman kaagad si hubby sa naging reaction ko.
"Hubby, p-parang may lumabas sa akin... p-pero hindi naman ako nai-ihi eh," sabi ko sa kaniya. Kinapa naman niya ang kaselanan ko. May suot pa naman akong panty at ramdam kong basa nga. Lumamig kaagad ito dahil naka-open ang aming aircon.
"You're wet, baby."
"Ah!" Muli akong napa-igtad nang maramdaman ko ulit ang pagguhit ng sakit. "Hubby, s-sumasakit ang tiyan ko, m-manganganak na 'ata ako ng chicken!"
"That's what I'm telling you. You don't listen to what I tell you 'coz you're so stubborn," sinesermunan pa niya ako nang muling gumuhit ang sakit at this time ay tumitindi na!
"Baby, masakit na talaga! Aah... m-manganganak na nga ata talaga ako!"
"What?!"
"Huwag ka ng mag-what-what dyan! Bilisan mo na! Dalhin mo na ako sa hospital!"
BINABASA MO ANG
SHADOW 1 [COMPLETED]
RomanceWARNING!|R-18|Read at your own risk. All Rights Reserved (2020) His captivating but mysterious eyes. The elegance of his body. The agility of his every move. His mesmerizing and masculine scent. His lingering caresses on my body. His intoxicating...