CHAPTER 7 HE'S BACK

13.8K 337 6
                                    

"Who are you?" tanong niya habang nakataas ang isa niyang kilay sa akin.

Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa kabiglaanan, kaya ang walang-hiya! Pinagsarhan ako ng pinto! Muntik ng tumama sa aking nguso ang kanyang pintuan!

Bwisit na lalaki! Antipatiko! Kung 'di lang maraming pandesal ang kaniyang tiya-wag na nga!

Inis na lang akong tumungo sa aming unit at halos lumuwa ang aking mga mata at halos malaglag ang aking panga sa aking nabungaran.

"Oh my God," naibulong ko sa aking sarili.

Para kaming nasa condo!

Pagpasok sa pinto ay kusina sa kanan ang bubungaran, tapos sa kaliwa ay sala. Sa kanan ng sala naman ay isang pinto na sa tingin ko ay kuwarto. Sa katabing pinto ay banyo, tapos sa katabi ng banyo ay isa pang ulit kwarto.
At ang kulay ng pintura ay white na may combination na light cream.

"Ang ganda 'di ba? Sana naman ay mura lang din ang sisingilin nila sa atin dito dahil kung hindi! Ipapa-salvage ko si Aling Petra! Huwag niya tayong pinaglololoko! Sa ganda nito tapos ay sisingilin lang tayo ng mura?! Napakaimposible ng matandang iyon. Akala ko pa naman ay halos katulad lang din noong inalisan natin o baka mas pangit pa doon, eh ano 'to?! Mumurahin ko talaga siya! Huwag na huwag niya tayong sisingilin talaga ng mahal kung mahal pa niya ang buhay niya!"

Umandar na naman ang mala-armalite na bunganga ni Mia habang nag-aayos ng aming mga gamit na binuhat ng mga kargador na tumulong sa amin kanina.

Hindi ko na lang siya sinagot at tinulungan ko na siyang magligpit.

Haays! Kainis naman, may pasok pa ako mamayang gabi eh. Paano pa ako makakatulog nito?

At saka paano naman ako makakatulog nito kung 'yong kapit-bahay namin ay hanggang ngayon ay hindi nabibingi sa lakas ng kanyang sound system?! Mabasag sana ang eardrum niya!

***
Inabot kami ng gabi sa pag-aayos.

"Langya! Kakapagod talaga! Dapat si Aling Petra ang naghakot at nag-ayos ng mga ito eh!" gigil na sabi ni Mia habang lupaypay na sa tiles.

"Bibili na lang ako ng ready to eat na pagkain natin. D'yan ka na muna at maghahanap ako ng tindahan sa labas." Kinuha ko na ang aking wallet at phone sa aking bag. Magpapa-load na rin ako dahil tatawag ako sa branch ngayon para sabihin na hindi na talaga ako nito makakapasok ngayong gabi. Napapagod na rin ako at gusto ko na lang magpahinga.

Pagbukas ko ng pinto ng aming unit ay nagulat ako dahil sa napakadilim na paligid sa labas.

Eh? Wala man lang ilaw sa hallway?!

Binuksan kong muli ang aming pintuan at naghanap ng switch sa may gilid ng pinto. Mayroon naman at ilang beses ko pa itong pinindot-pindot pero ayaw bumuhay ng ilaw sa labas! At saka bakit naman pati ilaw ng iba ay nakapatay din? Nagtitipid ba sila sa kuryente?

Haayst naman oh. Hayaan na nga!

Binuhay ko na lang ang flashlight ng aking phone at siyang ginawang ilaw. Nag-umpisa na akong maglakad. Itinapat ko ang ilaw sa pinto ng antipatiko naming kapit-bahay.

Mabuti naman at nanahimik na rin siya. Nabingi rin siguro sa wakas. Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang nakatutok sa daanan ang flashlight ng aking phone. Nagtataka lang ako kung bakit kahit ang mga bintana ng bawat unit na madaanan ko ay nakapatay din ang mga ilaw. Wala bang mga tao d'yan?

"Ha!" Nagulat ako at napahawak sa aking dibdib nang biglang umalingawngaw ang ringtone ng aking phone. "B'wisit, tinatakot mo 'ko."

Ngali-ngali ko ng ibato ang aking phone pero nakita ko ang pag-flash ng name ni Kenneth sa screen na siyang tumatawag.

Agad ko namang sinagot dahil siguradong nasa restaurant na siya sa mga oras na ito.

"Khen, bakit?" tanong ko kaagad sa kaniya habang patuloy akong naglalakad at malapit na ata ako sa hagdan pababa.

"Kisma, tumawag ang manager natin at lilipat ka daw ng branch. Doon ka na daw kila Caithy," sabi ni Kenneth mula sa kabilang linya at parang naririnig ko rin sa background ang nangingibabaw na boses ni Andrei na tila galit na galit.

"Ha? Eh bakit daw?"

"Kailangan daw ng tao doon 'yong mabilis kumilos kaya ikaw daw ang ililipat doon."

"Ang dami namang tao dito ah! And'yan si Bryan, si Tiffany, si Floyd, Zyra at marami pa. Bakit si Kisma pa?! Oh, isama na lang din nila ako. Kaming dalawa na lang ang lilipat doon!" Halos naghihisterya na si Andrei sa kabilang line.

"Andrei manahimik ka nga. Wala tayong magagawa, manager na ang nag-utos," sagot naman ni Kenneth.

Sasagot na rin sana ako nang bigla akong matigilan. May naramdaman akong tila hanging mabilis na dumaan sa aking tabi.

Napahinto ako mula sa paglalakad at napalingon sa madilim na hallway na aking pinanggalingan.

"S-sino 'yan?" lakas-loob ko pa ring tanong kahit nag-uumpisa na akong kilabutan.

Itinaas ko ang hawak kong phone at inilawan ang paligid. Pero wala naman akong nakita.

Humarap akong muli sa daanan at humakbang ng isa pero wala akong naapakang matigas na sahig kun'di hangin. Fuck!

Nanlaki ang aking mga mata at pakiramdam ko ay susubsob ako! Pero nanigas ang aking katawan nang may biglang humatak sa aking braso at kinulong ang aking katawan sa isang mahigpit na yakap!

"S-sino ka?" Nangatal ang aking katawan.

Sisigaw na sana ako nang makilala ko ang kanyang presensiya at ang kanyang pamilyar na amoy. Kumalabog ng husto ang aking dibdib at hindi makapaniwalang narito siya!

Paano niya ako nahanap? Nasundan niya ako!

Hindi ko alam kung matatakot ako o matutuwa pero alam kong sa loob ko ay masaya ako. Nagbalik siya!
Ilang gabi siyang nawala! Ilang gabi niya akong tiniis!

Nanginginig ang aking katawan sa hindi ko malamang dahilan. Kung dahil ba sa muntik na akong malaglag sa hagdan o dahil yakap na naman niya ako sa mga oras na ito. Pero kumalma lang ako nang maramdaman ko ang labi niyang lumapat sa aking mga labi.

Hinawakan niya ang aking batok at mas idiniin sa kanya.

"Uhmmmn.." hindi ko napigilan ang aking pag-ungol nang maramdaman ko ang lamig ng pader sa aking likuran na aking sinandalan.

Ang isa niyang kamay ay nakapalibot sa aking katawan at niyayakap ako ng mahigpit.

Ramdam ko ang matindi niyang pagkasabik sa akin. Wala na akong nagawa kun'di ang pumikit at yumakap rin sa kanya ng mahigpit.

Tinanggap ko at sinuklian ang mainit niyang halik. Naglaban ang aming mga dila dahil doon ay mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin na tila ba nasiyahan siya sa aking ginawa.

Nang pakiramdam ko ay pareho na kaming mauubusan ng hangin ay sabay na kaming bumitaw pero nanatili siyang nakayakap at magkadikit ang aming mga noo.

"Damn! I miss you so much sweetheart," bulong niya sa akin bago muling inangkin ang aking mga labi.

Sa aking pagpikit ay kasabay ng pagbitaw niya sa akin. Naibukas ko ang aking mga mata at nakakasilaw na liwanag ng mga ilaw ang bumulaga sa akin.

Napalingap ako sa buong paligid at hinanap siya pero wala na.

Fuck! Ganoon kabilis?!

Nanghina ang aking mga tuhod at napa-upo na lang ako sa sahig. Para akong maiiyak! Bakit niya ba ginagawa sa akin 'to? Bakit hindi na lang siya magpakita?!

SHADOW 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon