GHIAN's POV
"You're so cruel," sabi ni Andrei habang nakatanaw lang sa karagatan. Narito kami ngayon sa motorboat at pansamantala ko munang iniwan si Kisma sa tabing dagat.
"All my life, pinaniwala mo akong nag-iisa na lang ako." I could feel his resentment toward me.
"How can I ever show you if you're always with Kisma? You know what Kisma and I have been through. You know what Kisma and I both have. You know I love her. Pero hinayaan ko lang siya sa iyo, di ba?"
"Dahil ang alam ko ay patay ka na!" sigaw niya at halata ang galit sa kanyang mga mata.
"Kasalanan mo 'yan. But you're still lucky, the whole time we were together, I didn't even feel she loved me as much as I loved her." Biglang huminahon ang kanyang tinig. Napahinga naman ako ng malalim.
"Can I still take her away from you? Can you please bring her back to me?" pakiusap ko sa kaniya. Gusto kong mabawing muli si Kisma. Gusto kong maging akin siya muli ng buo. Pero gusto ko ring magkaayos kaming magkapatid.
"What else can I do? Alangan namang ikadena ko siya sa akin kung pilit din siyang kakawala to run towards you. Pero kung ibang lalaki ang kausap ko ngayon, siyempre hindi ako papayag." Napangiti na ako at sobrang saya ng nararamdaman ko sa ngayon.
"Thank you. Hopefully, we'll also have bonding moments at some other time."
"Tsk."
"Oh, c'mon." Umakbay na ako sa kaniya at hinayaan niya naman ako. Na-miss ko ang kapatid kong ito.
"Sige lang," sagot niya naman.
"Anyway, you'll be the bestman for our wedding." Hinaluan ko ng pang-aasar ang aking tinig. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Ako pa talaga?" inis niyang tanong at ako naman ay natatawa sa loob-loob ko.
"Don't worry you'll have a beautiful partner when the time comes. The bridesmaid," nakangisi ko ng sabi sa kaniya.
"Sino?" kunot-noong tanong niya sa akin. Napahimas naman ako ng aking baba.
"Sino pa ba? Eh, di si Mia," nakangisi kong sagot sa kaniya at napanganga naman siya.
"What?!" sigaw niya at akmang mananapak pero tumakbo na ako palabas ng boat.
"Never! Sasabog ang eardrum ko do'n!" sigaw niya pa rin sa malayo.
Tsk. We'll see.
Napakasaya kong bumalik sa babaeng ngayon ay nakatanaw sa lawak ng karagatan. Ang lalim naman ng iniisip nito.
I sat behind her and hugged her tightly. I breathed a sigh of relief dahil sa wakas ay matatapos na rin ang problemang dapat ay matagal ng ibinaon sa limot. Dahil mga bata pa lang kami noon nang mangyari ang mga masasalimuot at masasamang pangyayari sa buhay namin and now we'll start a new memories with my future wife and our future babies.
Pero marami pa rin naman kaming magagandang ala-ala ni Kisma noon na hinding-hindi ko makakalimutan at dadalhin namin hanggang sa aming pagtanda.
***
So, how did I get into Alpha Organizations?
I met Cedric Parker at a Zoo Park, where I ran when a factory fire broke out. The Factory is just near the Zoo Park.
Thirteen years old pa lang kami noon nang kami ay magkakilala sa loob ng Zoo kung saan siya ikinukulong lagi ng kaniyang lolo para lapain ng mga hayop doon, ayon sa kanya.
Kasalukuyan ng sira ang aking facial figure noon. Mayroon din sa leeg, dibdib at braso. 'Yong mga talsik-talsik ng likido sa aking katawan.
And every time Kisma pushes me away from her ay tanging sa Zoo Park lang ang aking pinupuntahan noon because I used to think I was just like the animals that live in the zoo. Iyon na rin ang naging tambayan ko noon.
Minsan ay naabutan ko doon si Cedric na muntik ng lapain ng crocodile na wala man lang siyang kamalay-malay dahil masarap siyang natutulog sa puno ng malaking puno. I can't remember what tree it was.
Hinampas ko ng malaking kahoy ang crocodile na iyon kaya tumakbong palayo. Mabilis namang nagising si Cedric at natakot pa nga sa akin dahil sa hitsura ko. Tsk. Nilait-lait pa nga ako eh. Pero kalaunan ay naging kaibigan ko na rin.
And that's when I found out that Mister Parker, his grandfather, was a Police Lieutenant General. I asked them for help to find Kisma's family at kapalit naman ng gagawin niyang pagtulong sa akin ay ang pagsapi ko sa kaniyang Organisasyon na ngayon nga ay akin ng kinabibilangan. Ang Alpha na dating pinamumunuan ni Cedric pero lihim niyang ipinasa kay Ehrwin ang pamumuno dito na hindi alam ng kaniyang lolo.
Nakita niya raw kasi kung gaano ako katapang na kinalaban iyong crocodile...eh hinampas ko lang naman iyon ng kahoy, tumakbo na kaagad! Oh baka naman natakot din 'yong crocodile sa hitsura ko noon kaya tumakbo. Tsk!
After a factory fire, it took several months before Kisma's parents left. And they left Kisma in a cellar under the mansion.
Sobrang galit ang naramdaman ko para sa mga magulang ni Kisma noon. Bakit nila iniwang mag-isa ang wala pang kamuwang-muwang na bata sa ilalim ng bodega ng kanilang mansion na kasalukuyan din naman nilang ibinenta at ipinambayad sa mga pamilya ng nasunugan. Though, kasalanan din ng parents ko kung bakit nagkaganoon dahil parents ko ang nagpasunog dahil din sa galit nila sa nangyari naman sa akin.
Actually, lahat siguro ay may kasalanan dahil hindi nagkaintindihan at hindi nagkasundo noon pero 'di dapat nila inabandona si Kisma. 12 years old kami ni Kisma noong mangyari ang accident sa akin at 13 years old noong kanilang iniwan. Sobrang bata pa at hindi naman talaga sinasadya ang accidenteng nangyari. Walang may kagustuhan niyon.
Kisma was taken care of by those who bought the Mansion pero noong nagkaisip na, she voluntarily moved away and chose to live alone. Samantalang ako naman ay kinuha ni Mister Parker, ang lolo ni Cedric noon at isinama na sa mga trainings sa camp at a young age. So, I learned a lot of tricks that I used to use with Kisma as Shadow.
Ipinagamot ko ang sarili ko sa magagaling na Doctor gamit ang sarili kong pera mula sa pagtatrabaho ko.
Ni minsan ay hindi nawala sa landas ko ang babaeng pinakamamahal ko since birth kahit nasa piling siya ni Andrei noon. At ngayon ay sa akin pa rin siya babagsak.
Because no one else can own her... but ME. Only ME.
![](https://img.wattpad.com/cover/197601192-288-k902523.jpg)
BINABASA MO ANG
SHADOW 1 [COMPLETED]
RomanceWARNING!|R-18|Read at your own risk. All Rights Reserved (2020) His captivating but mysterious eyes. The elegance of his body. The agility of his every move. His mesmerizing and masculine scent. His lingering caresses on my body. His intoxicating...