Hinabol ko ng mabilis na takbo ang dalawang magkapatid na papalayo na dahil hindi ata ako narinig!
"Ghian!" Lumingon naman si Ghian at huminto. Halos madapa-dapa na ako at wala na ring sapin ang aking mga paa!
"Baby," tawag niya nang makalapit ako. Narito na kami sa gilid ng dagat at nababasa na ng tubig ang aming mga paa. Natanaw ko naman si Andrei na dire-diretso lang sa paglalakad patungo sa mga nakadaong na boat. Gusto ko sana siyang makausap!
"Saan ka ba pupunta?! Iiwan mo ba talaga ako? Paano na kami ni Maian?!" naiiyak kong sigaw sa kaniya at halos magpapadyak pa ako ng aking mga paa sa buhangin!
"Who told you that I would leave you?" Kinabig niya ako at hinalikan sa labi. Niyakap niya ako at ini-angat.
Agad naman akong kumapit sa kanyang batok at ikinalang sa kanyang baywang ang aking mga hita habang patuloy niya akong hinahalikan. Gumanti na rin ako ng halik at halos mapugto na ang aming mga hininga bago naghiwalay ang aming mga labi.
"Eh, saan ka ba pupunta?" nakanguso kong tanong sa kaniya habang nasa ganoon pa rin kaming posisyon.
"We'll just talk. Babalik din ako."
"G-Gusto ko rin siyang makausap."
"Pagbalik na lang natin sa Manila. Hayaan mo na lang muna siya. Ako na lang muna ang kakausap sa kaniya."
"Oh, sige. Basta bilisan mo lang, ha." Bumaba na ako mula sa pagkakasakay sa kaniya.
"Of course, hahanapin ako ng pinto ni Maian, eh," pakindat-kindat niyang sabi sa akin kaya hinampas ko naman siya sa braso.
"B'wisit ka! Bilisan mo na! Bibilangan kita, five minutes at wala ka pa dito, lalagariin kita!" Tumakbo na siya ng mabilis palayo pero noong marinig ang huli kong sinabi ay biglang bumalik.
"Kailangan ko 'yatang mas tagalan pa," sabi niya at muli siyang humalik sa aking labi habang kunyari ay tumatakbo siya na hindi naman umaalis sa aking harapan.
"Sige na kasi!" sigaw ko ulit nang bumitaw na siya sa akin.
"Oo na nga. 'Eto na nga, eh." Pagkasabi niyon ay tumakbo na siya ng tuluyan palayo.
Napahinga na lang ako ng malalim. Sana maging maayos din ang lahat. Sana magkaayos ang magkapatid at sana ay maayos din kaming makapaghiwalay ni Andrei. Minahal ko rin naman siya pero bilang kaibigan lang at nakababatang kapatid ni Ghian.
Si Ghian ang totoo kong mahal simula pagkabata pa at gusto kong makasama habambuhay. Nagkamali lang talaga ako sa mga nagawa ko noon. At lahat ng iyon ay pinagsisisihan ko pa rin hanggang sa ngayon.
Napatanaw ako sa kagandahan ng karagatan. Banayad ang hampas ng alon. Gusto ko muna sanang mag-stay dito pansamantala. Gusto ko munang i-relax ang aking isipan at makasama ang aking pamilya. Sa tagal ng panahong nagkawalay kami, gusto kong bumawi sa kanila.
Umupo ako sa buhangin at hinayaan ko lang ang sarili kong mabasa. Tinanaw ko lang ang ganda ng karagatan. Nakaka-relax ng isipan.
Hindi ko namalayan ang oras na aking itinagal sa pagtanaw nang maramdaman ko na ang maiinit na brasong yumakap sa aking katawan at umupo rin sa aking likuran. Lumingon ako sa kaniya at sinalubong naman niya ako ng halik sa aking kaliwang pisngi.
"Okay na kayo?" tanong ko sa kaniya.
"Ahaa," nakangiti niyang sagot sa akin. Inayos-ayos pa niya ang aking buhok na tinatangay ng malakas na hangin.
"Totoo?" tanong ko pa rin at patagilid akong sumandal sa kanyang dibdib. Kumapit ako sa kaniyang batok at inabot ang kanyang labi. Hinalik-halikan ko siya ng mabilis lang.
"Don't you trust me?" nakasimangot niyang tanong sa akin. Pinisil ko naman ang kanyang ilong.
"Lagi akong may tiwala sa iyo, kaya nga ikaw lang naman ang nag-iisang nauutusan ko simula pa noon dahil may tiwala ako sa iyo."
"Aw, is that so?" nakangiti niyang tanong sa akin habang titig na titig sa aking mga mata.
"Hmn," nakangiti akong tumango sa kanya.
"Do you know where I brought the money? 'Yong check na ibinigay sa akin ni Papa before the fire happened?"
Tumingin lang ako sa kaniya at hinintay ang susunod niyang sasabihin. Ang tinutukoy niya ba ay ang pera na galing sa company?
"'Yong malaking apartment natin sa Manila, the helicopter, the Maian Island, the Cavin, the boat, resort at kung anu-ano pa na hindi mo pa nakikita. Naroon lahat. At ang lahat ng iyan ay nakapangalan sa iyo." Napanganga naman ako doon.
"S-Sa akin?" nanlalaki ang mga mata kong tanong sa kaniya at tumango naman siya.
"When your family left, agad akong humingi ng tulong at ipinahanap sila. At nang matagpuan ko sila dito, doon ko ginamit ang pera. I bought this whole island so they couldn't be taken out from here. Ibinenta kasi ang mansion niyo noon para maipambayad sa pamilya ng mga napasama sa nangyaring sunog so, wala talagang natira sa parents mo. At saka pera niyo naman 'yon, hindi naman iyon sa akin." Halos malusaw ang puso ko habang naririnig ko ang mga ginawa niya para sa akin at sa pamilya ko. Hindi ko na naman maiwasang mapaluha.
"A-Alam ba ng pamilya ko iyon. Iyong tungkol dito sa Island?"
"I don't know. Feeling ko, alam ng kuya mo. Mautak iyon, eh," nakangiwi niyang sagot.
"P-Paano ako makakabayad sa iyo? Paano ako makakabawi?" tanong ko at niyakap ko pa siya ng mahigpit. Isiniksik ko ang aking mukha sa kanyang leeg.
"Paano?" ulit niya at tumango naman ako. Hindi ko makita ang kanyang mukha.
"Marry me." natigilan ako at napaharap sa kanyang muli. Puno ng pagmamahal siyang nakatitig din sa akin.
"Wear this." Napatungo naman ako sa kanyang kamay na nasa aking harapan na ngayon ay may hawak ng small box na naglalaman ng isang kumikinang na singsing.
Napangiti ako at agad tumango-tango sa kaniya. "Yes, i do baby. Ikaw lang ang gusto kong pakasalan at wala ng iba pa," naiiyak kong sagot sa kaniya.
"Why are you crying? Masama 'ata ang loob mo eh, parang ayaw mo naman," sabi niya habang may sinusupil na ngiti sa kanyang mga labi at pinupunasan ang aking luha sa pisngi.
"Iiih, gusto ko! Akin na 'yan! Isuot mo sa akin 'yan! Akin yan eh," naiinis kong sigaw sa kaniya at tinawanan lang ako ng tukmol na ito pero kinuha din sa box ang singsing at isinuot sa aking daliri.
Pagkatapos ay hinalikan ako ng mariin sa labi. Kinabig niya akong pahiga sa buhangin na nadadampian ng hampas ng alon.
"Are you sure you're going to marry me? Makulit ako, alam mo 'yan?" tanong niya habang nasa ibabaw ko siya at titig na titig sa aking mga mata at bababa din sa aking labi.
"Are you sure you're going to marry me? Naninigaw ako at pala-utos, alam mo 'yan? Araw-araw tayong magbabangayan," balik kong tanong sa kaniya at nangiti naman siya sa akin.
"Okay lang, just always prepare yourself before nightfall," maangas niyang sagot sa akin. Tinatakot pa ako nito ah!
"At bakit naman?"
"Dahil gabi-gabi kang malalagari," nakangisi niyang sagot at saka pinupog niya ng mga halik ang aking leeg.
"Ghian!"
BINABASA MO ANG
SHADOW 1 [COMPLETED]
RomanceWARNING!|R-18|Read at your own risk. All Rights Reserved (2020) His captivating but mysterious eyes. The elegance of his body. The agility of his every move. His mesmerizing and masculine scent. His lingering caresses on my body. His intoxicating...