CHAPTER 32 ALCOHOL

11.7K 263 2
                                    

Nakarating kami sa isang napakalaki at napakagandang cavin! Napapanganga ako sa paghanga. At ito ay matatagpuan sa itaas ng halos bangin pero nasa 20 ft lang naman ang taas mula sa tubig. At mga nasa trentang hakbang lang ang layo ng cavin sa bangin. Tapos sa ibaba nito ay mga yungib-yungib na parang kuweba at puting buhangin.

Sa likod naman ng cavin ay iba't ibang klase ng matataas na puno ng kahoy ang makikita. Ang ganda dito!

Umakyat na kami sa nasa limang baitang lang naman na hagdan patungo sa pinto ng cavin. Binuksan na niya ito at pumasok kami sa loob. Yari sa kahoy at clear glass wall kaya kahit nasa loob ka ay kita mo pa rin ang mga nasa labas pero sa bedroom ay tinted glass wall naman. Hindi naman siya delikado sa mga sasalakay kunyari dito dahil sa labas ng glass wall ay may rehas-rehas na bakal naman kaya incase na mabasag ang glass wall ay wala pa ring makakapasok.

Plain white lang ang mga curtain at cover dito kaya ang ganda tingnan at ang linis. Kumpleto rin sa mga gamit.

"May kuryente rin pala dito? Saan kumukuha ng supply?" tanong ko nang i-open niya ang aircon dito sa buong cavin.

"Generator," sagot niya at nagtungo na siya sa kitchen dahil tanaw dito sa cute na living room ang cute din na kitchen. May dalawang room at parehong maaayos. Saan kaya ako dito matutulog?

Pinuntahan ko siya sa kitchen at nakita kong naghahanda na siya ng lulutuin. May personal ref din siya dito. At may stocks ang mga cabinet! May alak din! Wow! May gripo din at may tubig. Eh ang inumin kaya? Wait. Eh asan na 'yong pakay namin dito?

"Ahm, G-ghian?"

"Hmn, hungry?" tanong niya habang naghihiwa na ng sibuyas at bawang. May nakita akong karneng baboy sa mangkok. Ano kayang iluluto niya? Adobo ulit?

"Ahm, s-sabi mo pupuntahan natin ang f-family ko?"

"Yeah, tomorrow," hindi tumitinging sagot niya sa akin.

"N-narito rin ba sila sa Isla na ito?"

"Yeah."

"Eh, h-hindi ba p'wedeng ngayon na natin sila puntahan? Gusto ko na kasi silang makita eh."  Lumingon muna siya sa akin bago nagsalita.

"Don't worry you'll see them all tomorrow. I just want to be with you for a moment....'coz.....it might be the last." Napanganga ako sa kanyang sinabi. Nakatitig lang siya sa akin ng taimtim.

"A-anong sinasabi mo? Anong m-might be the last? A-alis ka ba? Iiwan mo ba ako?" Tumambol ng malakas ang aking dibdib.

Ngayon pa lang ay nakakaramdam na ako ng takot. Kahit hindi pa kami gaanong nagkakaayos at nagkakalinawan sa mga trip niyang pagtatago noong mga nakaraan ay ayaw ko namang magkahiwalay kami. Ngayon pa ba kung kailan umamin na siya sa akin?!

Huminga siya ng malalim.
"No, I just want you to prepare yourself for what may happen tomorrow. But don't even think about it, forget what I said." Tapos ay bumalik na siya sa pagluluto.

"Ha? Eh sinabi mo na eh, paanong hindi pa ako mag-aalala?!" Parang maiiyak na ako dito kay Ghian! Ano ba naman itong lalaking ito! Hindi ko maintindihan ang utak at mga pinaggagagawa niya!

Hindi siya umimik at nagpatuloy lang sa pagluluto kahit halos maghisterya na ako dito sa kanyang tabi! Napalapit ako sa kaniya at niyakap siya mula sa likuran.

"Baby, ano ba kasing sinasabi mo? T-tinatakot mo naman ako eh." Hindi na ako mapakali. Kumakabog ng malakas ang aking dibdib! Ano bang mangyayari bukas?!

"Get some rest. I'll just call you when the food is ready." Patuloy lang siya sa pagluluto pero hindi pa rin ako umalis sa kaniyang likuran.

"Ayoko, dito lang ako. Hihintayin kitang matapos." Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim pero hinayaan din naman ako at nagpatuloy siya sa pagluluto habang nakayakap ako sa kanyang likuran.

"Maupo ka na roon Kisma, tapos na ako," turo niya doon sa table na may two seater. Nakakainis naman! Ang lamig-lamig niya sa akin!

Umalis na ako ng tuluyan sa kanyang likuran at hindi ko sinunod ang sinabi niyang umupo. Nagdiretso ako sa isa sa mga silid at nagkulong. Ini-lock ko pa rin kahit alam ko namang kayang-kaya niya 'yang buksan!

Naghintay ako ng oras na bumukas ang pinto at papasok siya dito. Pero inabot na ata ng tatlong oras ang aking paghihintay ay walang Ghian ang pumasok hanggang sa nakatulog na ako.

***
Nagising akong madilim na ang paligid at may nakayakap ng mabigat sa aking katawan. Alam kong si Ghian dahil sa mabango niyang amoy pero bakit parang may halong amoy alak?

"Ghian," tawag ko sa kaniya at kinapa ko ang switch ng lampshade sa side table at binuhay.

"Hmnn," ungol niya lang at mukhang lasing na lasing. Nakita ko na ang kanyang mukha na lungayngay at pulang-pula dahil sa kalasingan.

"Ghian, bakit ka nag-inom? Sana niyaya mo ko! Para dalawa tayong lasing!" inis kong sigaw sa kanya.

"Hmnn," ungol lang ang tanging isinagot niya sa akin at muling nagpatuloy sa pagtulog.

Maingat kong tinanggal ang mga braso niyang nakayakap sa akin at marahan akong bumangon. Kumalam ang sikmura ko dahil umaga pa kami umalis sa Manila at ngayon ay gabi na at wala man lang kaming kain-kain!

Nagtungo ako sa kitchen at nagbungkal sa mesa ng kanyang mga niluto. Adobong piggy nga at ang bango-bango! Hmnn! Mas lalo akong nagutom!

Kumain na ako at pagkatapos ay nanood ng tv sa sala. Alas 7 pa lang naman ng gabi at nawala na rin ang aking antok. Nakita ko pa ang hard drinks at shot glass na naiwan niya sa center table at may kalahati pang laman.

Naalala ko na naman tuloy ang mga sinabi niya kanina. Ano bang mangyayari bukas? Iyon ba ang dahilan ng pag-inom niya? At saka ang sabi niya ay gusto niya akong makasama ngayon dahil baka ito na ang huli! Eh bakit siya nag-inom, tapos ngayon ay tulog na tulog na! Kainis siya!

Wala sa sariling binuksan ko ang hard drinks at nilaklak.

"Amp! Ang pait naman." Napangiwi ako ng todo. Ang tapang pala nito! Nangangagat! Pero ininom ko pa rin hanggang sa halos maubos ko na ang laman ng bote. Hilong-hilo akong bumalik ng silid.

"Ang init." Halos madapa-dapa pa ako dahil dim lang ang ilaw na nagmumula sa lampshade ng room at nahilo ako ng sobra sa lintik na alak na iyon. Ang tapang! Nalasing ako kaagad!

Ang init ng aking pakiramdam at parang gusto kong magbabad sa tubig. Hinubad ko na ang lahat ng saplot ko sa katawan pero ang init pa rin! Nakatodo na ang aircon pero walang kuwenta!

Dumamba ako sa kama at di ko napansin na tao pala ang narito sa gilid.
Kinapa ko ang kanyang katawan at sumakay ako sa kanyang ibabaw para makalipat ako sa kabila. Mali kasi ata ang dinaanan ko. Dapat doon sa kabilang side ng kama eh.

Pagkasakay ko ay pahiga akong lilipat sana sa kabila nang bigla akong yakapin ng taong sinasakyan ko ngayon. Sino ba ito?

"Uhm, teka lang," palag ko nang paghahalikan niya ako sa leeg.

"Why you smell alcohol? Are you drunk?"

"Hindi, mainit kaya iniligo ko 'yong alak. Uhmn." Ako na ang mapusok na humalik sa kanyang mga labi habang siya ay nasa ilalim ko. Kung saan-saang parte ng kanyang katawan ako humawak. Parang kakaibang init ang nararamdaman ko ngayon. Iba ang aking hinahanap.

"Baby, ang wild mo. Next time huwag mo ng ililigo ang alak," bulong niya sa akin habang hinahalikan ko na siya sa leeg at ang dalawa naman niyang kamay ay naramdaman kong pumipisil sa magkabilang pisngi ng aking pang-upo.

"Gusto mo ba o hindi?" bulong ko sa kaniya habang sinisipsip ko ang kanyang magkabilang nipples.

"G-gusto, aahh f*ck! Baby, I wish you had been bathing alcohol before.. aahh sh*t." mura niya habang ako ay gumagapang na paibaba.

SHADOW 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon