CHAPTER 6 KAPIT-BAHAY

14.7K 316 11
                                    

Tumuloy pa rin ako sa kuwartong kinaroroonan ng aking mga kasama. Mabuti na lang at natandaan ko ang room. Third floor, room 326. Pagbukas ko ng pinto ay sigawan ang aking nabungaran.

"Natatandaan mo siya?! Eh ako?! Ano ako?! Ano ako para sa iyo?! Lagi na lang ganito?! Lagi na lang ako, ako na lang palagi ang nagbibiga-aray!" Natigil mula sa pagdadrama si Nash nang sapakin ito ni Tiffany.

Nakisiksik na rin ako sa kanila at sinilip si Cail na nakangiti naman habang nakahiga sa hospital bed.

"Anong pinagdadadrama mo?!" sigaw ni Tiffany kay Nash.

"Nagpa-practice lang, kasi sasali ako sa big brother," nakasimangot namang sagot ni Nash na nasa aking unahan. Napangiwi naman ako sa kanyang sinabi.

"Maglalandi ka lang do'n!" sigaw ko sa kanya.

"Huwaw! Nagsalita," balik niya rin sa akin.

"Tse!"

"'And'yan na si Doctor, tumabi nga muna kayo. Ang gugulo niyo," sabat ni Caithy.

Sabay-sabay kaming napalingon sa aming likuran at sumalubong sa amin ang hindi pa naman katandaang Doctor at bakas ang kakisigan.

Kaagad din akong napalingon kay Zyra. Alam ko kasing patay na patay siya sa mga Doctor eh. At hindi nga ako nagkamali, nangungutitap ang kanyang mga mata habang nakatitig sa Doctor na kapapasok lang.

Humawi kaming lahat at binigyang daan ang Doctor. Lumapit siya kay Cail at maraming tinanong at ni-check ang mga vital signs niya. Binuksan niya ang malaking band aid sa tiyan ni Cail at sinilip ang kanyang sugat. Nakisilip din kami at sabay-sabay kaming napangiwi dahil sa mahaba niyang sugat.

"Ang sakit naman," di ko mapigilang saad.

"Talaga ba? Mas masakit pa sa break-up?" sagot naman ni Zyra sa akin.

Parang may laman ang kanyang pagkakasabi ah. Ako ba ang pinatatamaan nito? Anong ibig niyang sabihin? 'Di pa naman kami break ni Andrei ah.

"Mas masakit 'yong ipinamukha mismo sa iyong hindi ka mahal!" ngingisi-ngising sagot naman ni Floyd habang kay Tiffany nakatutok ang kanyang paningin.

Wait, parang wala dito si Bryan ah. Kasama iyon ni Nash kanina sa restroom 'di ba? Oh my God! Naalala ko na naman 'yong nangyari kanina ! Ayoko na!

"Eh kung paduguin ko ang nguso mo?! Tingnan natin kung alin ang mas masakit!" sigaw pabalik sa kaniya ni Tiffany.

"Eh kung tahiin ko ang mga bunganga n'yong lahat para manahimik kayo? Hindi naman 'yon masakit," sagot ng Doctor kaya bigla kaming nanahimik pero ang iba ay pigil na pigil ang pagtawa.

Hanggang sa hindi na kinayanan ang pagpipigil kaya mabilis na naglabasan ang ilan ng silid at rinig dito mula sa loob ang mga paghagalpak ng tawa nila sa labas.

Mga baliw talaga.

***
Pagdating ko sa apartment ay nilukuban ako ng matinding takot nang maabutan kong nakakalat ang lahat ng gamit namin sa loob!

Anong nangyari dito?! Nilooban ba kami?! May nakapasok bang magnanakaw?!

"Mia!" Baka na-rape ang gagang 'yon! O baka naman ay pinatay na ni Shadow Man! Oh my God! Ako na lang! Ako na lang ang patayin niya sa sarap!

Eh?

"Oh anong problema mo?! Nagsisisigaw ka d'yan! Nakakahiya sa kapitbahay! Baka isipin, nire-rape na kita dito! Hoy, parehas tayong babae! Lalaki ang gusto ko at si Mr. Kulot ko 'yon! Kaso hindi naman ako ang gusto niya kundi 'yong haliparot na Michelle na 'yon! Buti nga sa kaniya, nawalan na siya ng bestfriend! Sana hindi na bumalik si Alliyah! Magtago na lang siya kung saan mang sulok ng bansa! Mula Batanes hanggang Mindanao! EAT BULAGA! Hmp!" Umirap at tinalikuran niya akong muli. Pumasok siya sa kusina na may bitbit na mga kaldero.

SHADOW 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon