Malayo-malayo ang aming bin'yahe sa himpapawid at nag-enjoy ako ng sobra sa panonood ng mga tanawin sa ibaba. Buong oras tuloy akong nakangiti!
Nasa kalagitnaan kami ng karagatan at ilang sandali lang ay may natanaw na akong malaking isla sa gitna ng dagat at mukhang doon ang tungo namin.
Naroon kaya ang mga magulang ko?
At paano naman nalaman ni Ghian?
Kilala ba niya ang pamilya ko?Napalingon ako sa kaniya at gumugulo pa rin sa utak ko kung sino ba talaga siya? Bakit halos abutin ng isang taon na nagtago siya sa dilim at hindi nagpakilala sa akin? Ano bang trip niya?
Naalala ko rin iyong time na nagka-engkwentro kami sa boys restroom sa Hospital. Magkasama sila ni Erhwin. Magkakilala sila ni Erhwin?
At iyong pinag-uusapan nila na babaeng tumalon daw sa barko habang buhat-buhat si Sir Nick. Ano ba 'yon?! Haayst!
"Baka matunaw na ako n'yan," malakas niyang sabi na narinig ko sa headset pero hindi naman siya nakatingin sa akin. Inirapan ko siya pero di pa rin maalis ang paningin ko sa kaniya.
Busy siya sa pagmamaniobra ng manibela sa harapan at may mga kung anu-anong pinipindot sa harapan na hindi ko alam ang tawag sa mga 'yan.
Lumingon din naman siya sa akin at kumindat pa ang mokong na ito. Inirapan ko nga ulit. Hmp!
"Ganda mo," sabi niya at nanlaki naman ang aking mga mata. Bwisit!
Napabaling tuloy ako sa labas ng bintana. Bahagya akong tumalikod sa kanya upang maitago ang pamumula ng aking pisngi! Kainis!
Palapit na kami ng palapit sa isla hanggang sa nag-landing na nga kami sa malawak na field. Siya ulit ang nag-alis ng suot kong headset at seatbelt.
Nauna siyang bumaba at hinawakan ako sa magkabila kong baywang para makababa din ako.
Na-ilibot ko ang aking paningin sa kalawakan ng patag na isla na malapit lang naman sa dagat ang aming nilandingan pero sa kabilang side ay gubat na sa tingin ko ay dito kami papasok ngayon at parang wala man lang kabahayan dito!
Tumalikod siya sa akin at parang may kinukutingting siya sa suot niyang relo. Ano kaya iyon?
Lalapit na sana ako at makikisilip din nang bigla siyang magmura ng mahina, "F*ck!"
Medyo lumayo pa siya sa akin at parang may kinakausap habang nakatitig pa rin sa kaniyang relo. Ano bang nangyayari?! Kinakabahan tuloy ako!
Hinayaan ko na. Maya-maya lang ay lumapit na rin sa akin.
"C'mon, sumunod ka sa akin," sabi niya at nauna ng sumuong sa gubat.
Nakakatakot naman! Baka mamaya may mga dinosaurs pala dito! O kaya mga lion! O baboy ramo! Huhuhu!
"Ano? D'yan ka na lang ba?!" masungit niyang sigaw sa akin na hindi ko namalayan na malayo na pala siya dahil hindi pa rin ako umaalis sa aking kinatatayuan!
"D-d'yan ba talaga tayo pupunta?! Eh gubat 'yan eh! Baka may mga sawa d'yan!" sigaw ko rin.
Sobrang gubat naman talaga kasi at wala man lang kabahay-bahay! Nakakatakot! Samantalang doon sa probinsiya nila Caithy ay mapuno lang na puno ng mga prutas at mababa lang ang mga damo. Saka may ilang mga kabahayan. Dito ay wala ka talagang makikita! Sobrang tataas at mayayabong pa ang mga puno!
"Sige, maiwan ka na lang diyan!" sigaw niya rin at saka nagpatuloy sa paglalakad palayo. Huh! Iiwan niya talaga ako?! Akala ko ba mahal niya ako?! Bwisit siya!
"Ghian!!!" Tumakbo na ako patungo sa kaniya. Ayokong maiwan ditong mag-isa! Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at hindi man lang ako nililingon! "Hintayin mo 'ko! Hindi ka talaga makakahalik sa akin! Bwisit ka!"
Bigla naman siyang huminto at nakangising lumingon sa akin at hinintay din naman ako. Takot na hindi makahalik?!
"Bilisan mo kasi! Ang bagal-bagal." singhal pa niya sa akin. Gago talaga itong tukmol na ito eh!
"Anong tingin mo sa akin?! Si The Swiftwoman?!" sigaw ko rin sa kaniya nang makalapit na ako.
"Nag-imbento ka pa ng superhero," sagot niya at muli ng naglakad ng mabilis. Ang bilis talagang maglakad! Akala mo eh hinahabol ng sampong kabayo!
"Sige! Iwan mo na lang ako dito!" sigaw ko ulit at huminto na talaga ako sa paglalakad.
Ang hirap niyang sabayan. Pagod na pagod na ako! Bakit ba kasi ang layo-layo pa pala ng pupuntahan namin eh nag-landing na agad 'yang lintek na eroplano na 'yan! Sana ay doon na lang niya ibinaba sa mismong lugar! B'wisit!
Umupo na ako sa damuhan at napahiga pa ako dahil sa sobrang pagod! Habol-habol ko ang aking paghinga at pawis na pawis na rin ako! Parang gusto ko na lang matulog dito! Bahala na siya sa buhay niya! Magkaniya-kaniya na lang kami! Mabuti na lang at wala pa kaming anak! Ayst!
Pumikit na ako pero bigla ding napadilat nang maramdaman ko siyang nasa ibabaw ko na.
"Ghia-uhmmnn.." sisigaw sana ako nang mabilis niyang sinunggaban ng halik ang aking mga labi kaya ang ending ay napa-ungol na lang ako!
Siniil niya ako ng matagal na halik at halos ayaw na niyang bitawan. Ipinasok pa niya ang kanyang dila sa loob ng aking bibig at doon iginalugad. Inabot niya ang aking dila at iyon ang sinipsip niya ng marahan.
"Uhmmnn.." Napakapit na ako ng mahigpit sa kanyang batok at gumanti ng halik. Maya-maya ay bumitaw din pero halos magkadikit pa rin ang aming mga labi.
"Dito na lang tayo?" bulong niya sa akin. At nagulat pa ako nang ma-realize kong nakasakop na pala ang isa niyang palad sa aking kanang dibdib sa loob ng aking bra! At marahang humihimas doon ang walanghiya!
Bilis talaga ng kamay ng tukmol na ito eh! Hindi ko man lang namalayan! Nabaliw na naman ako sa halik niya!
"M-maliwanag pa," wala sa sarili ko ring bulong at kita ko naman ang kanyang pagngisi! Ano ba 'yong sinabi ko? Haayst!
"So, mamaya?" bulong niya ulit sa akin na para bang nang-aakit!
"S-saan?" Mas lalong lumawak ang kanyang pagkakangisi.
"Sa.....ilalim ng puting ilaw, sa dilaw na buwa-aray!" natatawa niyang bulong sa akin na bigla ring dumaing dahil kinagat ko ang ibaba niyang labi.
"Saan nga kasi tayo pupunta? Napapagod na ak-uhmnn." Muli na naman niyang sinakop ang aking labi!
"Halika na, sakay ka na sa akin." Hinila na niya ako patayo at umupo siya sa aking harapan. Sumakay naman ako kaagad dahil ayaw kong maiwan no!
Naglakad na siya sa kagubatan habang pangko na niya ako sa kanyang likuran. Mabuti na lang at umaga pa kaya naman kita pa namin ang buong paligid.
"Anong pangalan ng islang ito?" naisip kong itanong sa kaniya habang nakasiksik ang mukha ko sa kanyang leeg at sinisinghot-singhot ang kanyang mabangong amoy.
"Maian Island," sagot niya.
"Maian Island?" ulit ko. Parang ngayon lang kasi ako nakarinig ng ganoong name ng island eh.
"Aha, do you think that's a good name for our future baby?" tanong niya habang patuloy sa paglalakad at napangiti naman ako. Tumango naman ako sa kaniya.
"Hmn. Maian."
BINABASA MO ANG
SHADOW 1 [COMPLETED]
Roman d'amourWARNING!|R-18|Read at your own risk. All Rights Reserved (2020) His captivating but mysterious eyes. The elegance of his body. The agility of his every move. His mesmerizing and masculine scent. His lingering caresses on my body. His intoxicating...