CHAPTER 5 Zipper

15.6K 317 26
                                    

Umaakyat pa lang kami sa hagdan patungo sa third floor nang masalubong namin si Bryan na sambakol ang mukha. Ano naman kayang nangyari dito? Kanina lang ay ang sarap pa ng kulitan nila.

"Saan ka pupunta? Nakita niyo ba 'yong room?" tanong ni Nash sa kaniya.

"C.r. lang, sama ka?" nakangising tanong niya kay Nash.

"Gago, sama nga ako," sagot naman ni Nash.

"Oi, sama din ako," sabi ko rin dahil kanina pa ako naiihi.

"Lang'ya, ngayon ko lang nalaman na threesome pala ang gusto mo kisma," pang-aasar na naman ni Bryan. Bipolar din eh, kanina lang eh sambakol ang mukha. Ngayon naman ay ngiting aso na.

"Eh kung pagpuputulin ko 'yang mga 'yan?!" Itinuro ko ang kanilang harapan.

Para naman silang natakot at nagtakbuhan paalis habang nakadakot ang kanilang mga kamay sa kanilang mga et*ts. Napangiwi na lang ako. Iniwan na naman nila ako!

"Mga kalokohan talaga nila. Mauuna na kami Kisma," sabat ni Caithy at tumango na lang ako.

"Sunod ka na lang," nakangiti ding sabi ni Rhaine. Si Rhaine naman ay masugid na manliligaw ni Caithy.

"Oo, sige," sagot ko at kaagad ko ng tinungo ang lugar na tinakbuhan ng dalawang kulugo kanina.

Palinga-linga ako at di nagtagal ay may natanaw din akong signage. Sa baba nito ay may hallway. Tumungo ako doon at pumasok sa hallway. Natanaw ko sa dulo ang dalawang signage ulit, tapos ay may ilang taong nakatambay sa labas ng mga pinto.

Nang medyo makalapit na ako ay nakilala ko 'yong isang babaeng nakatayo doon at parang may hinihintay. Pasulyap-sulyap siya sa restroom ng mga boys.

"Ma'am Nikay?" bati ko sa kaniya at napalingon naman siya sa akin. Tumaas lang ang kilay niya at parang pilit akong kinikilala. Siyempre, 'di naman talaga kami pagtutuunang kilalanin ng mga 'yan lalo na at boss namin sila.

"Sorry, sino ka nga ulit?" medyo alanganin niyang tanong.

"Ahm..empleyado po sa isa sa mga restaurant niyo," magalang kong sagot sa kanya.

"Ah, gano'n ba. Helow." Napangiti naman ako nang ngumiti siya sa akin.

"Helow po. Ano pong ginagawa niyo dito?" Bata pa naman siya. Ang alam ko ay nasa highschool pa lang pero bilang paggalang ay kailangan kong magpo.

"Ah, hinihintay ko kasi si boyfie eh. Ang bagal-bagal kumilos. Parang gusto ko na ngang pasukin 'yong restroom ng boys. Ano nga pa lang ginagawa mo dito? Dinadalaw mo rin ba ang mga kuya ko?"

"Ah, opo ma'am at saka si Cail. Kapatid din siya ng kaibigan namin."

"Ah ganoon ba?" Bahagya namang nanlaki ang kanyang mga mata.

"Let's go." Napatingin naman ako sa matangkad na lalaking lumapit sa kanya at humawak sa kanyang baywang.

"Ang tagal mo naman boyfie eh. Marami ka bang inihi?!" pasigaw niyang tanong sa kanyang boyfriend.

Ako tuloy ang nahiya kaya naisipan ko ng mag-excuse sa kanila. Medyo natameme pa ako sa pagkakangiti ng kanyang boyfriend sa kanya, 'ni hindi nga sumulyap sa akin.

"Ah, s-sige po Ma'am. N-naiihi na rin ako eh." Tumango lang si ma'am Nikay sa akin kaya kaagad ko na silang nilampasan.

"Tara na boyfie, kanina pa nga ako nagugutom eh!" Napangiwi na lang ako dahil hanggang dito sa loob ng restroom ay naririnig ko pa rin ang malakas na boses ni Ma'am Nikay. Pero parang wala lang naman sa kanyang boyfriend na sinisigawan siya ng kanyang girlfriend?

SHADOW 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon