CHAPTER 35 PAMILYA

13.3K 249 3
                                    

KINAUMAGAHAN, nagising akong wala na siya sa aking tabi. Napabalikwas ako ng bangon dahil naalala kong ngayon na nga pala ang araw na pupuntahan namin ang aking pamilya pero...

"Ah! Awww," daing ko at napasapo pa ako sa aking kaselanan nang makaramdam ako ng hapdi. Napatingin ako sa aking katawan na mayroon na palang suot na t-shirt at boxer naman ang suot ko sa ibaba!

Paano niya ba ako nasusuotan ng damit na hindi ko man lang namamalayan?

Dahan-dahan na akong bumangon kahit mahapdi pa rin at hinang-hina ang aking pakiramdam. Nakita ko pa ang ilang bahid ng dugo sa cover ng kama. Haayst! Mamaya ko na lang 'yan lilinisin!

Lumabas ako ng silid at hinanap siya sa buong cavin pero hindi ko siya nakita kaya naisipan ko ng lumabas. Saan naman kaya pumunta 'yon?

Nagpamasid-masid ako sa paligid hanggang sa matanaw ko siya sa may bangin. Nakatayo lang siya at nakaharap sa karagatan.

Iika-ika akong naglakad palapit sa kanya at nang makalapit ako ay napahinto ako sa kanyang likuran. Naalala kong bigla 'yong huling sinabi niya kagabi.

"G-Ghian," tawag ko sa kanya kaya naman dahan-dahan din siyang humarap sa akin. Napatitig ako sa kanyang mukha at para ba akong may hinahanap na maaaring pagkakakilanlan sa kaniya.

Seryoso lang siyang nakatitig sa akin at saka lumapit. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. Para bang ang bigat-bigat ng kanyang dinadala at hindi ko maiwasang kabahan at matakot sa nakikita kong hitsura niya.

"Handa ka na ba?" walang emosyon niyang tanong sa akin. Tumango na lang ako kahit sa loob-loob ko ay nagsisimula ng lumaki ang nararamdaman kong takot. Ano ba ang maaari kong malaman?

Lumapit pa siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Ini-angat niya ang aking mukha para magtagpo ang aming paningin.

"Whatever else you may know, never blame yourself... What happened in the past was just an accident and nobody wanted that to happen... At lagi mong tatandaan... na MAHAL na MAHAL na MAHAL KITA," puno ng emosyon at sensiridad niyang sabi sa akin. Hinalikan niya ako ng mabilis sa labi at muling niyakap ng mahigpit.

Hindi na ako nakaimik dahil parang sasabog na ang utak ko sa kaiisip at naghalo-halo na ang emosyong nararamdaman ko sa ngayon. Sa mga salita niya ay malinaw na may kasalanan ako at nagkakaroon na ako ng hinala kay Ghian.

Yumakap din ako sa kaniya ng mahigpit at ngayon pa lang ay napahagulgol na ako. Parang hindi ko kakayanin ang mga malalaman ko! At sa muli niyang pagbabalik sa akin. Dumaan ang napakahabang panahon.

"Ssshh... I'm here, baby. Hindi kita iiwan. I made a promise that we would be together until the end of my life. No matter how many times you throw me away, I'll still come back to you over and over again."

"G-Ghian... Ian." Lumakas ang paghagulgol ko nang tumama na nga ang hinala ko. Siya nga si Ghian! Ang kababata ko! Na maraming beses kong pinagtabuyan noon! Pinandirihan ko ang panlabas niyang kaanyuan kahit ako naman ang may kasalanan ng lahat!

"Ever since we were kids, I've always given you everything you want. Lahat nang inuutos mo sa akin ay sinusunod ko. Everything you ask for; I fulfill it without hesitation. You wish, you would never see me again... I did. K-Kahit masakit sa akin but I never left you. I was secretly watching over you because I couldn't leave you. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Kahit maging anino ako sa paningin mo, ayos lang." Narinig ko ang kanyang pagsinghot kaya lumuwag ang pagkakayakap ko at tumingala sa kaniya. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.

"I'm s-sorry. I'm so sorry Ian, hindi ko sinasadya. B-Bata pa tayo noon at hindi ko pa nai-isip ang tama. Pero alam ko, mali ako at habambuhay ko ng pinagsisihan ang lahat ng iyon. Lahat ng mga nagawa ko sa iyo, patawarin mo na ako."

"I did, baby. I can't bear to be mad with you forever. Gano'n kita kamahal, kahit saktan mo pa ako ng paulit-ulit, i'll still love you. Kahit ipagpalit mo pa ako sa iba, ikaw pa rin." Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko.

"I'm so sorry, Ian. Mahal kita, mahal na mahal din kita." Muli akong yumakap ng mahigpit sa kaniya.

Hindi ko alam na ganito kalaki ang pagmamahal niya sa akin. Tapos anong ginawa ko? Sa buong panahon na pagsunod-sunod niya sa akin. Iyong magkasama kami ni Andrei. Si Andrei!

Bigla akong napakalas.

"Ghian, si A-Andrei? A-Alam ba niya?"

Napanganga ako ng umiling siya sa akin.

"Wala siyang alam."

"K-Kailangan na nating pumunta doon! Baka kung ano ng nangyayari doon!" Halos maghisterya na ako sa takot! Dapat ay kahapon pa kami pumunta doon!

Nagmadali na kami. Hinila niya ako pababa sa gilid ng bangin at sa ibaba nito ay may motorboat. Agad niya akong binuhat at isinakay doon at mabilis niyang pinatakbo sa gitna ng dagat! Ninenerbiyos na ako.

Sana naman ay walang masamang nangyayari sa kanila! Sana ay maayos lang sila!

Ilang minuto lang ay may natanaw na akong isa pang Isla.

"Magkaiba bang isla ito?!" malakas kong tanong kay Ghian dahil maingay ang motorboat pero nakita ko namang mahaba ang isla at parang nakadugtong sa inalisan namin.

"Iisa lang 'yan," malakas niya ring sagot habang nagmamaniobra ng manibela.

Maian Island, di ba?

"Maian island talaga ang pangalan nito?!" sigaw ko ulit habang tinatanaw ang kalawakan ng island. Nakita ko naman sa gilid ng aking mga mata ang pagtango ni Ghian.

Sa patutunguhan namin ay may natanaw na akong mga tao at mga kabahayan. Nanlaki ang aking mga mata.

"Marami palang tao dito?!" hindi makapaniwalang sigaw ko ulit. Doon kasi sa pinanggalingan namin ay parang kami lang dalawa ang tao doon.

At mas napanganga ako nang makalapit na kami. Isa pala itong resort! May mga cottage na ang gaganda ng pagkakagawa. Marami rin ang mga naliligo lalo na at sobrang linaw ng tubig. Tanaw dito sa ibabaw ng tubig ang kailaliman ng dagat! At puting-puti at pinong-pino ang mga buhangin!

May nakita rin akong ilang turista na mga naka-two piece lang sa gilid ng dagat. Mayroon ding lugar ang daungan ng mga sasakyang pandagat. Oh my God! Ang ganda dito!

Dumaong na kami at muli akong inalalayan ni Ghian na makababa ng boat. Hinawakan niya ang aking kamay at nauna na siyang naglakad habang nasa likuran niya ako.

"Good morning, Sir! Ako na pong bahala." Sinalubong kami ng isang di-katandaang lalaki.

"Thank you," sagot naman ni Ghian at humabol ako ng tingin doon sa lalaking nilampasan namin. Lumapit siya sa sinakyan naming boat at inayos ang pagkakatali sa gilid.

Maraming bute na pamilihan kaming nadaanan. Mga prutas at isda ang mga tinda nila. Naglakad pa kami kung saan-saang pasikot-sikot. Okay lang naman dahil pathway na ang nilalakaran namin.

Hindi ako magkamayaw sa paglinga sa paligid nang biglang huminto si Ghian sa paglalakad. Napahinto din ako at nilingon siya. Nakatutok lang ang kaniyang paningin sa isang lugar.

Sinundan ko naman ng tingin ang lugar na iyon at natanaw ko ang isang pamilyang masayang kumakain ng almusal sa isang mahabang lamesa habang may nakalatag na malalapad na dahon ng saging at punong-puno ng pagkain.

Masaya silang nagtatawanan, nagkukwentuhan, naghaharutan habang kumakain. Naroon din si Andrie at sa tingin ko ay ayos na ayos lang sila ng...

... pamilya ko, kahit wala ako.

SHADOW 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon