SPADE'S POV
"Can you please elaborate me? Sinong kapatid mo Zaim?" I asked ng maka-upo ako sa sofa ng office ni Scorpio.
"Si Amy." Sagot niya and my eyes widened.
What the fuck?
"Are you serious?" I asked.
"Mukha ba akong nagjo-joke?" Naiinis na sagot ni Zaim sa akin.
"Wait, paano..." I trailed off not able to find a right word.
"Lately ko lang din nalaman, my mom told me about it habang namimili kami ng susuotin ko for my upcoming wedding." Ani ni Zaim. "She said that I have a lost sister at hanggang ngayon ay hinahanap pa rin nila siya." Dagdag nito.
"Ako naman, aksidenteng natuklasan ko na nag-match ang dugo ni Zaim at Amy noong sinugod nila--I mean, noong may ginawa silang misyon at pareho silang napuruhan." Pagpapaliwanag naman ni Scorpio.
"And you fucker! Anong ginawa mo sa kapatid ko ha?" Galit na tanong sa akin ni Zaim.
"Chill...it's a...misunderstanding..." I said not sure about my choice of words.
"Nalaman lang naman niya na may anak na si Amy." Sagot naman ni Scorpio and I glared at him, bakit nangla-laglag ang isang to?
"Fuck you." Zaim muttered at saka tumayo mula sa pagkaka-upo. "Hindi ka tunay na lalaki at hindi totoo yang nararamdaman mo kay Amy kung hindi mo matatanggap yung anak niya. Wag ka nang lalapit sa kapatid ko you d*ick" Galit na sabi nito bago lumabas ng opisina ni Scorpio.
Nag-echo naman sa isip ko ang mga sinabi niyang iyon.
"Oooohhh...for the first time, natalo ni Zaim si Spade sa isang argumento." Nang-aasar na komento ng magaling ko na kapatid?
"Bakit ka nangla-laglag?" Naiinis na tanong ko dito.
"Bakit ka duwag?" He asked back at natahimik naman ako duon.
He's right, I'm a coward.
A fucking coward.
"Sabihin mo nga sa akin Alexander, mahal mo ba si Amy?" He asked.
"I do...so much.." I muttered
"Kaya mo bang mawala siya?" He asked again.
"No, of course not!" I answered.
"What if nanliligaw na si Ace sa kanya?" He said at napahinto naman ako duon.
No fucking way.
"See, ikaw rin. Ayaw mo siyang mawala sayo at ayaw mo siyang mapunta sa ibang lalaki, so ano pa ang kinakatakot mo? Yung bata ba? He is a nice kid anyway." He commented at saka umupo sa swivel chair niya.
"I'm afraid na hindi ako magugustuhan ng anak niya." I said.
"Edi ligawan mo, gaya ng panliligaw mo sa nanay." He said at napahilot naman ito sa sentido niya. "Bakit ba ako ang namomroblema sa relasyon niyo? Umalis ka na nga at ligawan mo na ulit yon." Naiinis na sabi nito sa akin and I gave him a grin.
"You love me bro." I said at saka tumayo at lumabas na ng opisina niya.
Nang makabalik ako sa kwarto kung nasaan si Amy ay naabutan ko naman na nag-uusap si Zaim at ang adoptive mother ni Amy.
"Sige po Nay Cecil, ako na ang magsasabi sa kanya." Ani ni Zaim.
"Sige hijo." Ani ng Nay Cecil at saka tumingin sa akin bago pumasok sa loob ng kwarto ni Amy.
"Diba sabi ko sayo wag ka ng lalapit sa kanya?" Ani ni Zaim.
"You can't stop me Zaim, saka ka na umakto na protective brother kapag alam na niya ang lahat." Sagot ko.
"Atleast ako tanggap ko ang anak niya, eh ikaw?" Pambabara nito.
"Fine, you win this time. But still, you can't stop me." I said and he rolled his eyes at saka nilagpasan ako, bago siya makalayo ay narinig ko na may sinabi siya, I'm not sure kung tama ang dinig ko.
"Pag-ibig nga naman..." Zaim muttered.
AMETHYST'S POV
Dahan-dahan naman na nagmulat ako ng mata, bahagyang kumunot naman ang noo ko ng makita ang isang putting kisame.
Tumingin naman ako sa paligid at kaagad ko namang nakita si Nay Cecil na nagbabalat ng orange, napatingin naman ito sa akin and her eyes widened at kaagad na lumapit.
"Anak! Kamusta ka na? may masakit ba? Tatawagin ko na ba si Doctor Scorpio?" Sunod-sunod na tanong nito sa akin.
"A-ayos lang ho ako Nay." Sagot ko, inalalayan naman niya ako sa pagbangon at nagtaka naman ako ng matagpuan ang sarili ko sa isang kwarto ng hospital. "N-nasaan ako?" I asked.
"Nakalimutan mo na ba? Nahimatay ka..." Ani ni Nay Celia at paunti-unti namang bumalik sa isip ko ang mga nangyari.
"Nay, dalhin niyo po ako sa anak ko." I said in a worried tone. Sinubukan ko namang umalis ng kama pero pinigilan niya lang ako.
"Anak, okay na si Stavros. Magpahinga ka muna." Aniya pero umiling lang ako at nagpumilit na tumayo. "Amethyst.." She trailed off.
"Nay, namatay ang anak ko sa mismong harapan ko. Paano ako magpapahinga!?" I said in frustration.
"Pero sabi ni Doctor Scorpio---" ani ni Nay Celia pero pinutol ko lang ang sasabihin niya.
"I don't care, ang importante ay ang anak ko." I said at nagtagumpay na rin naman akong tumayo. Lumabas naman ako ng kwarto ko at kaagad na tinungo ang kwarto ni Stavros.
Napahawak naman ako sa pader ng makaramdam ng pagkahilo.
"Amy, ayos ka lang ba? Bakit lumabas ka na ng kwarto?" Ani ng isang boses, nakaramdam naman ako ng pares ng kamay na humawak sa magkabilang braso ko.
Tumingin naman ako kung sino iyon and I saw the person who is in the last list of person I want to see right now.
Spade.
"Get your hands off on me." Utos ko at kaagad naman na sinunod niya iyon.
Hindi ko na siya pinansin at tuluyan ng pumasok sa kwarto ng anak ko.
Nang makapasok ako ay duon na nagsimulang tumulo ang mga luha ko, kaagad naman na niyakap ko siya at duon ay humagulhol.
"Wag mo ng iiwan ulit si Mommy ha?" I asked in between of my sobs.
Habang umiiyak ay naramdaman ko na may kamay na pumatong sa ulo ko. Tinignan ko naman kung kanino iyon and my eyes widened because of what I saw.
"M-mommy..." Stavros whispered.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
BINABASA MO ANG
His Series #8: Spade Middleton
RomanceHe is Spade Middleton, a well known business man, an OB-Gyne and a Pediatrician at the same time. Every woman swoon when he is around. But a certain woman caught his attention. She is Amethyst Rayne Davis, Zaim's Army's Captain and the Leader of Alp...