Chapter Thirteen

2.7K 64 2
                                    

SPADE'S POV

"GOOD MORNING!" I greeted Renz, bahagyang kumunot naman ang noo nito ng mapansin ang mood ko. "Cheer up, mawawala ang gandang lalaki mo nyan." Pagbibiro ko.

Hindi naman ito sumagot, instead ay binuksan niya ang pinto ng kotse. I chuckled at saka sumakay duon.

"So, anong schedule ko ngayon?" I asked habang nagta-type ng good morning message para kay Amy miloves.

"Paperworks and new patients, pero pwede namang i-bigay natin yung mga yun sa available na doctor." He said.

"Gaano na karami ang paperworks ko?" I asked at saka itinago ang phone sa bulsa ko ng ma-send na ang message.

"Tambak na po Sir." He answered and I snickered.

Dami ko pa rin palang trabaho kahit na tinapos ko na yung iba bago ako umalis.

"How's the hospital?" I asked.

"Maayos naman Sir, ganun pa rin. I think Mr. Scorpio managed it well." He commented at tumango-tango naman ako.

"Diretso tayo sa kumpanya ko, mamaya na ako dadaan sa hospital." Utos ko.

"Of course." He said.

Itinaas ko naman ang partition at saka kinuha ulit ang cellphone ko at tinawagan si Amy.

In just five rings ay sinagot niya iyon. Siguro ganito talaga kapag inlove, nagagawa mo yung mga bagay na di mo alam ay kaya mo pala.

"Bakit?" She asked, napa-taas naman ang kilay ko ng marinig na hinihingal siya.

"Bakit ka hinihingal? anong ginagawa mo?" I asked.

"I'm taking a jog, you dumb." She answered, I can imagine that she is rolling her eyes right now.

"Nasaan ka ngayon?" Tanong ko ulit.

"Somewhere." She muttered.

"Amy.." I warned.

"Spade, di ako nanlalalaki. Tigilan mo ko, di pa tayo." She said at bahagyang natawa naman ako duon.

"Alam kong di pa tayo, pero soon I think." I said and she scoffed.

"You wish." Pambabara nito sakin

"Seriously, nasaan ka? nasa kampo ka ba?" I asked.

"Yep, maaga akong nagising kaya nag-jogging muna ako." She said.

"Great, kasama mo na naman matulog yung mga lalaking yon." I muttered.

Nalaman ko kasi na ang mga ka-room mate niya ay mga lalaki, named Chris, Erick and Zabdiel.

Si Zaim mismo ang nagbigay sa akin ng mga details and information about sa kanila.

Para daw alam ko kung sino ang tatambangan kung sakaling may gawin silang masama kay Amy.

Such a weird brother he is.

Anyways, ayun na nga. I asked Zaim kung bakit ganun ang room distribution. Ang sagot naman niya ay:

"Kasama yun sa mga gusto kong matutunan nila, ang makisama sa ibang tao kahit na iba ang kasarian."

Such a poet.

I requested kung pwedeng ilipat ng room si Amy pero si Amy mismo ang tumanggi. She said na okay naman siya sa mga kasama niya.

"Spade, napag-usapan na natin to diba?" She said, narinig ko naman ang pagbagal ng lakad nito.

"Oo, pero lalaki ako Amy. Alam ko ang mga karakas ng mga kapwa kong lalako, just...be careful okay? di ko alam kung anong magagawa ko kung sakaling galawin ka nila." I said.

"They are harmless, I can assure you that. Teka nga, bakit ba ako nage-explain sayo di naman tayo." She said and I chuckled.

"Gusto mo maging tayo na?" I offered.

And again, I can imagine her rolling her eyes.

"Bahala ka." She answered.

"What do you mean by that?" I asked in confusion.

"Bahala ka kung anong label ang gusto mong ilagay. Sige na" She said at saka ibinaba na ang tawag.

Nakatulalang ibinaba ko ang cellphone ko habang iniisip ang sinabi niya.

Wait, does it mean na pumapayag na siyang maging kami?

.

.

AMETHYST'S POV

"Ang blooming mo ngayon." Ace commented, tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"What?" I asked.

"Maganda ka pero medyo bingi." He said at hinampas ko naman siya dahil sa sinabi niya.

"Tigilan mo ko Ace." I said.

"So ano ng balita sa inyong dalawa?" He asked.

"Sa aming dalawa nino?" I asked in confusion.

"Ni Spade, duh." He answered.

"Okay lang naman kami." Sagot ko sa tanong niya kanina.

"What do you mean okay?" Tanong ulit nito.

"Okay! as in, no hard feelings between us." I said and he stare at me like: hindi-ako-naniniwala-sayo-
look. "Fine, nililigawan niya ulit ako." Pag-amin ko.

"I figured, I figured..." He said at saka sumubo sa pagkain niya. "That man has a balls to ask you a second chance after what happened." He commented.

"Yes he has." Sagot ko.

"Wala eh, marupok ka." Dagdag nito.

"Excuse me?" I asked.

"You are excused." He simply answered.

"Di ako marupok." I argued.

"Kwento mo sa pagong" Sagot niya.

"Kinu-kwento ko na." I said and his eyes widened.

"Hey! di ako pagong!" He said and I chuckled.

"Yeah and the pigs can fly." Pambabara ko ulit.

Nakarinig naman ako ng pagbagsak kaya tumingin ako kung saan galing iyon, kumunot naman ang noo ko ng makita si Erick at Chris na nakatayo sa may diving board ng walang laman na swimming pool.

Tumayo naman kami at mabilis na lumapit sa kanila.

"Don't you dare to come at us, you will just fail." They both said in unison.

Nagkatinginan naman kami ni Ace at kaagad na tumakbo paakyat sa diving board.

This is bad.


Xxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Double update, wala eh sinipag hehez.

~Rep.

His Series #8: Spade MiddletonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon