CHAPTER 1

112K 2K 466
                                    

Chapter One

Kinslett Eleana Zuniga 


"Paano kasi ang pangit mo!" pinigilan kong masampal ang kaibigan kong si Sol dahil sa opinyon nito matapos kong ikwento na nagpa-cute ako kanina sa crush kong si Baldo pero hindi naman ako pinansin.

Oo nga at sanay naman akong matabil talaga ang tabas ng pasmado niyang dila pero hindi ko naman in-expect na mas personal at nakakadurog ang mga komento niya ngayon.

"Tignan mo 'yang mga tigyawat mo, kung hindi pula, kulay dilaw naman tapos minsan green pa! Malayo pa 'yung pasko pero naririnig ko na 'yung boses ni Jose Marie Chan sa mukha mo! Ang itim mo pa, Kina! Hindi uso ang black Christmas!" eksaherada niyang dagdag.

Umalis ang mga mata niya at naglakad pababa sa kabuuan kong parang gugustohin ko nalang na bumalik sa sinapupunan ni Mama kaysa ang marinig pa siya.

"May boobs ka nga at may kurba naman pero ang payat pa rin! Buto buto ka pero hindi ka naman bulalo!"

Magsasalita na sana ako para ako naman ang lumait sa buong pagkatao niya dahil talagang nanggigigil na ako sa kanya pero natigil ako nang makita ang paglapit niya sa akin pagkatapos ay hinawakan ang aking kulot at sabog na buhok.

"Tapos ito pa, ha!" gigil niyang kuyumos sa hawak na kulang nalang sabunutan ako! "Itong buhok na 'to magulo pa sa buhay mo! Ano ka ba, Kina? Wala ka ba talagang balak mag ayos nang sarili mo? Ni pulbos yata hindi kilala nang mukha mo eh!"

Mabigat akong napabuntong-hininga. Sa isip-isip ko, tama na kaya ang anim na taon na pinagsamahan namin at pwede nang tapusin ngayon? Baka pwede naman 'no? Matagal tagal na rin naman 'yon tsaka feeling ko sapat na rin ang lahat ng sinabi niya para putulin ang pagkakaibigang ito. It's a mistake.

Napaismid ako nang makita ang pagtaas ng isang kilay niya na sinabayan pa nang paghalukipkip. Nakipagtitigan ako sa kanya, binabalanse pa rin ang pagkakaibigan namin kung matatapos na ba ngayon o pwede pang isalba.

Kung sabagay, kapag pinutol ko ang pagkakaibigan namin, sino nalang ang matitira sa akin? Eh simula noon, siya, ang kanyang Mama Salina at ang salon na ito nalang ang takbuhan ko sa tuwing magulo sa bahay at gusto kong huminga muna.

"Ano?!" singhal niya kaya kumawala na ang ganti ko.

"Grabe ka sa'kin Soledad ha! Para sabihin ko sa'yo, hindi ka perfect!" tumayo ako at pinantayan ang nanliliit niyang titig sa akin. "Ang taba mo nga eh tapos pandak ka!" ganti ko. "Para ka kayang gasul tapos hindi ka rin naman gano'n kaputi! Lamang ka lang ng isang tabong ligo sa akin dahil maraming tubig sainyo! Tapos ito!" ako naman ang humawak sa buhok niya at ginantihan ito nang kuyumos na mas ramdam niya. Nanggigigil talaga ako!

"Itong buhok mo! Hindi rin naman tuwid! Sabog rin naman, ah!" binitiwan ko. "Nakakasakit ka! Saktan na kita eh! Naku! Nanggigigil talaga ako sa'yo! Hmp!"

Umamba akong susuntukin siya sa mukha pero natatawa siyang umiwas.

"Kainis ka! Hindi ka na mabiro!" humahalakhak niyang tinampal ang kamay ko.

"Pangit ka?"

"Tayo!" giit ko.

"Pangit tayo?"

"Lalo ka na!"

Muling humagalpak ang malakas niyang tawa at pagkatapos ay ipinulupot na ang kamay sa aking braso.

"Ang pangit pala natin 'no? Halika na nga! Magpaayos nalang tayo nang buhok para mabawas-bawasan naman ang sumpa ng kapangitan!" humahagikhik niyang dagdag habang kinakaladkad ako sa isang upuan sa kanilang salon na may walong salamin at upuan para sa mga customer.

The Next Night (Masked Gentlemen Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon