CHAPTER 11

37.1K 1.2K 149
                                    

Chapter Eleven

Best Actress


Napangiti ako ng makita ang lalaking pakay ko ngayong araw na kasalukuyang nakatitig na naman ng matalim sa screen ng kanyang laptop habang umiinom ng kape. Actually, kanina pa ako narito. Isang oras bago siya dumating ay nandito na ako at nakaharap sa dyaryong binili ko pa kanina sa bangketa. Sinadya ko talagang maaga pumunta rito dahil unang una, hindi na rin ako nakatulog kagabi at pangalawa, gusto ko na rin talagang gumanti!

Marahan kong ibinaba ang hawak ko para muli siyang sulyapan. Nagpapasalamat akong busy siya dahil kung hindi ay baka kanina niya pa ako napansin. Sino ba naman kasing magandang babae ang may tyagang magbasa ng dyaryo sa lugar na 'to? I mean, come on! Hindi na 'to uso.

Maingat kong ibinaba ang dyaryo at madaliang inayos ang sarili. Nang makita kong sandali siyang huminto sa pagta-type sa keyboard at muling uminom sa kanyang kape ay wala na akong inaksayang panahon. Bitbit ang parehong folder na dala ko kahapon ay halos inisang hakbang ko lang ang distansiyang namamagitan sa amin. Madali kong kinuha ang upuan sa kanyang harapan ay walang ano anong umupo doon.

"Good morning, Mr. Venavidez!" abot langit ang tuwa kong bati sa kanya kahit na mukhang hindi pa nakakahango ang mood niya sa impyerno.

Sandali siyang natigil sa pag-inom habang nalilitong sinisipat ang kabuuan ko na parang nag-iisip kung saan banda ng purgatoryo niya ako nakilala.

"What are you–"

"It's good to see you too!" pagpuputol ko sa kanya nang matantong nakilala na niya ako.

Inilapag ko sa lamesa ang yakap kong folder at muling ngumiti.

"I'm sorry kung nakatulog ako kahapon at hindi na kita naabutan but I'm here now and I'm so ready for this interview!" masigla kong litanya at pagkatapos ay inilagay ang mga kamay sa ibabaw ng gamit ko.

Itinuloy niya ang pag-inom ng kape. Nang ibaba niya 'yon ay pinigilan kong mapalunok ng makita ang pag-igting ng kanyang panga kasabay ng pagbaon na naman ng mga madidilim na matang iyon sa akin.

Shit!

"What the fuck are you doing here?"

Hindi ako nagpaapekto sa matalas niyang dila. Siguro nga ang swerte kong si Sol ang naging kaibigan ko dahil nasanay ako sa pagiging prangka nito kaya wala ng dating ang mga pagsusungit ni Zeto sa akin ngayon.

"Well, as far as I can remember Mr. Venavidez, hindi niyo pa ako nai-interview kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan para hindi niyo na ako kailangang sunduin para lang do'n. I'm here and I'm ready for this!"

Sarkastiko siyang natawa.

"Sa tingin mo may tyansa ka pa sa trabahong 'yon? You already lost your chance–"

"Hep! Sandali! Sa pagkakatanda ko ikaw ang nagka-problema kahapon at nang-iwan kaya dapat ay may chance pa ako!" giit ko.

"No. I don't want you to be–"

"But why? Pangit ba talaga ako? Hindi ba talaga ako sexy? 'Yon ba talaga ang basehan mo sa pagtanggap ng bagong empleyado? That's lookism!"

Nauubusan ng pasensiya niyang isinara ang kanyang laptop at tamad akong tinignan. Mas pinalungkot ko pa ang mukha kong umaarteng masama ang loob dahil sa mataas niyang standards.

"I just don't like you to be my personal assistant, isn't that clear enough? Akala ko ba matalino ka? Simpleng bagay hindi mo maintindihan."

Madiin kong kinagat ang aking pisngi dahilan para mangilid ang aking mga luha.

The Next Night (Masked Gentlemen Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon