Chapter Nine
Basta Driver, Sweet Lover
"I've been spending some time
Thinking I'd be alright
Don't know if I could
Really make it tonight..."Nanatili akong nakatulala kay Uno habang kinakanta nito ang malungkot na kantang iyon. Hinayaan ko ang sarili kong pakinggan siya dahil hindi ko alam kung kailan ko ulit sila mapapanuod. Kung kailan ko ulit siya makikita.
Inikot ko ang aking daliri sa rim ng basong may lamang alak na nasa sa aking harapan. I don't usually drink but when I do, tama na sa akin ang isang baso lang sa kada party na napupuntahan ko. Just enough to calm me pero ngayon, parang kailangan ko pa ng marami. I don't know what to expect tomorrow. Ang instructions lang sa akin ni Ate Ysa ay kailangan kong galingan ang interview bukas at kailangang makuha ko kaagad ang loob ng anak ni Mr. Venavidez... Pero higit at una sa lahat, kailangang matanggap ako.
"You're turning me on
You turn me around
You turn my whole world
Upside down..."Marahan kong inangat ang hawak kong inumin at sumimsim doon. Bumaba ang mga mata ko sa nakalatag na flyers sa aking harapan ng ibalik ko sa lamesa ang baso.
The Next Night featuring Zerea... Basa ko.
I sighed when I remember that this night will be my last night with them. Alam kong hindi biro ang papasukin ko bukas at magiging abala na ako kaya baka magtagal bago ako makabalik. Ang sabi ni Ate Ysa, I need to prepare for the worst case scenario and I shouldn't underestimate Zeto. Kahit na wala akong narinig na maganda tungkol rito ay hindi ko nagawang tumanggi. Ang iniisip ko nalang ay ang ama niya. Alam kong hindi madali ang pinagdaanan nito para itayo ang kompanyang ngayon ay namamayagpag at may posibilidad na bumagsak kaya gagawin ko ang lahat matulungan lang ito... Sana nga makatulong ako.
"Every time I hurt you
Well it's hurting me too
Don't know if
I could really stay here tonight..."Bumalik ang mga mata ko sa bokalistang buong puso pa ring kumakanta sa harapan.
"Huwag kang malulungkot kapag hindi ako makanuod sa susunod, huh? Magiging busy lang ako pero hinding hindi kita makakalimutan, Uno," ipinatong ko ang aking mga kamay sa lamesa bago muling nagpangalumbaba. "I will miss you... Kung sana naririnig mo lahat ng mga bulong ko... Kung sana alam mong palagi akong nag-aabang sa'yo, eh 'di sana mami-miss mo ako kapag nawala ako." malungkot akong napangiti.
"Baby you don't understand
Our love lies lost
But you're still
Holding my hand..."Muli akong napabuntong hinga ng marinig ang sunod na lyrics na kanyang kinanta.
"Gaano ba kasakit at kabigat 'yang nararamdaman mo? Masakit na masakit ba talaga? Uno, nandito lang ako... Nandito lang palagi para sa'yo." nababaliw kong bulong.
Sa lahat ng live show nilang napuntahan ko ay wala itong kinantang masaya. Minsan nakakapag-selos na pero dahil ni hindi ko siya malapitan, wala akong magawa. If I can only be near him... Touch him... Baka maibsan ang nararamdaman niya. Siguro kapag nalaman niyang hindi niya kailangang malungkot sa sawing pagmamahal dahil narito ako at handa siyang saluhin ay hindi na siya malulungkot.
"Mami-miss kita, Uno. Sana sa pagbalik ko masaya ka na. Kapag hindi, hanapin mo lang ako at ako na ang bahalang magpasaya sa'yo..." dagdag ko habang muling inaangat ang aking baso at muling umiinom doon.
My night ended after their performance. Marami pang sumunod na tumugtog pero hindi na ako nagtagal.
Kinabukasan ay muli kong kinwestiyon ang sarili kong mga desisyon. I don't know how the odds convinced me to do this Save-Archelaus-And-Zeto thing but I'm doing it anyway!
BINABASA MO ANG
The Next Night (Masked Gentlemen Series 1)
RomanceKina believed that she's not pretty and will never be pretty. Marami siyang tigyawat, maitim at payat kung i-describe ng kanyang prangkang best friend na si Sol. Bukod sa pisikal na kakulangan ay literal rin silang hikahos sa buhay. Sa gitna ng hira...