Chapter Six
Everglow
"Two thousand pesos?!" bulalas ni Sol habang titig na titig rin sa flyers na hinaklit ko sa isang babae noong isang linggo.
"At may isang linggo nalang ako para pag-ipunan 'yon." nakapangalumbaba kong sabi.
Inilapag niya sa harapan ko ang papel.
"Kina, hindi mo pa nga sigurado kung sila nga 'to. Malay mo ibang banda pala 'to."
"I can feel that it's them, Sol."
"Hindi na pwede 'yang mga hula at assumptions mo Z lalo na kung may involved na pera. Paano nga kung iba? Masasayang ang pera mo at hindi basta-bastang kitain ang dalawang libong piso 'no!"
"Paano kung sila?"
"Paano kung hindi?" inilagay niya ang mga kamay sa kanyang malapad na bewang pero hindi ako nagpatalo.
"Sol, paano kung sila? Paano kung ito na ang pagkakataon kong makita sila ng live at masilayan si Uno?"
"How can you be so sure? Eh ang tagal na nga nilang wala, 'di ba?"
"Pero sabi mo babalik sila, 'di ba? Paano kung ito na ang come back nila?"
Marahas siyang napabuntong-hinga. Sa pagkakataong 'yon ay alam na niyang hindi niya mapipigilan ang nasa utak ko. Hinayaan ko siyang hilahin pa ako palayo sa aking desisyon pero ang utak ko ay nasa punto na ng pagdedesisyon kung paano makakaipon ng dalawang libong extra para sa gig na 'yon. A-attend ako at bahala na kung sila o hindi ang maabutan ko!
"Five hundred 'to." malakas ang loob ko't hindi na nahiyang iangat ang presyo ng serbisyo ko.
"Ano? Bakit five hundred?! 'Di ba last time two hundred lang?"
Humigpit ang kamay ko sa mga hawak na detalye para sa project na gagawin ko sa kanya at maya maya'y inangat 'yon pabalik sa kanya.
"Lahat kailangang magmahal, Gino. Kung ayaw mo ikaw nalang ang gumawa ng project mo tutal marami na rin naman akong gagawing–"
"No. Sige na, sige na. Five hundred and you'll give me high score for it."
Hindi ako nagpakita ng kagalakan dahil sa pagpayag niya kahit na gustong gusto ko nang magtatatalon sa saya!
"Okay. Perfect ka rito, Gino. Akong bahala sa'yo."
"Kaliwaan pa rin ba?"
"No. Give me the money now."
Naiiling siyang natawa habang dinudukot akong kanyang wallet.
"Do you accept credit card?" pagbibiro niya.
"Credit is good but I need cash."
He sighed and then gave me the yellow bill.
"Fine. Ibang iba ka na talaga Kina. Kung wala lang akong girlfriend ngayon baka niligawan na kita."
Ako naman ang natawa.
"Pwes ngayon palang bina-basted na kita."
Madrama niyang sinapo ang kanyang dibdib.
"You're too cruel! Bakit? Porket ba gumaganda ka na namimili ka na?"
Mabilis akong umiling para alugin ang pagkiliti sa aking utak ng mga salitang binitiwan niya.
"Hindi ako naniniwala sa'yo pero hindi 'yon ang dahilan. Kapag naging girlfriend mo ako, ibig sabihin magiging labor of love na ang lahat ng paggawa ko ng projects mo kaya malulugi ang negosyo ko. Kung ako sa'yo, mahalin mo nalang 'yang girlfriend mo at ipagawa pa rin sa akin lahat ng kailangan mo, deal?"
BINABASA MO ANG
The Next Night (Masked Gentlemen Series 1)
RomanceKina believed that she's not pretty and will never be pretty. Marami siyang tigyawat, maitim at payat kung i-describe ng kanyang prangkang best friend na si Sol. Bukod sa pisikal na kakulangan ay literal rin silang hikahos sa buhay. Sa gitna ng hira...