CHAPTER 3

55.1K 1.3K 84
                                    

Chapter Three

Sleep Tonight


Hindi natinag ang malawak kong ngiti kahit na ilang oras na yatang nakatitig sa akin si Sol, ang kaibigan kong gasul.

Simula nang marinig ko ang boses na 'yon kagabi ay hindi na nawala ang ngiti ko. Mabilis rin akong nakatulog dahil doon. Kaninang umaga, maganda ang gising ni Mama at may pa-hotdog sa hapag at gatas. Mas maayos na rin ang lagay ni Ken at mas magana nang kumain kumpara nitong mga nakaraan. Ang gwardiya pagpasok ko kanina ay unang beses rin akong binati na parang bagong estudyante ako't ngayon lang nakita! Muntik ko na siyang yakapin sa tuwa ko! Punong puno ng kasiyahan  ang puso ko at alam kong nag-ugat iyon sa tinig na walang kasing ganda. Pakiramdam ko, may swerteng dala 'yon. Ewan ko ba.

Nababaliw akong napahagikhik habang nag-i-imagine ang mga nakakabaliw na bagay pero napatikhim ako ng makita ang pag-nganga ni Sol kasabay ng panlalaki ng mga mata niya habang pinapanuod pa rin ako.

"Alam mo kinakabahan na ako sa'yo!" aniya matapos ang matagal na pananahimik at pagtitig lang sa akin.

Kinagat ko ang aking labi at inalis ang tingin sa malayong mga estudyanteng nagkakasiyahan sa field. Ngayong umaga ay nakatago kami sa isa sa malaking puno sa school grounds para umiwas sa mga bully pero kahit na yata babuyin nila ako ngayong araw ay hindi ako maaapektuhan. Pakiramdam ko, walang puwang ang lungkot sa puso ko dahil sa nangyari at narinig kagabi. Pakiramdam ko, kahit saktan nila ako ay mapapawi iyon marinig ko lang ang boses na 'yon at sisiguraduhin kong maririnig ko siya ulit. Alam kong simpleng bagay lang iyon at hindi ko na alam kung bakit ganito nalang ang epekto sa akin pero iyon ang nararamdaman ko. Saya.

"Bakit?" mas diniinan ko ang pagkagat sa aking labi para pigilan nang tuluyan ang pag-ngisi.

"Nakainom ka ba ng pagkaing may flavor na leptospirosis? Ang weird mo."

Napahagikhik ako kaya nalilito siyang napahawak sa dibdib na parang na-offend.

"Ang OA mo, Soledad," kinuha ko ang libro ko at binuklat 'yon kahit na wala naman akong kailangan at gustong basahin. "Maganda lang ang gising ko."

"Bakit?"

"Anong bakit? Bawal ba 'yon?"

Mas lalong nagsalubong ang mga sabog niyang kilay gaya nang sa akin.

"Eh simula nang ipanganak ka sa mundo, alam kong palaging masama na ang gising mo kaya nakakapagtaka. Anong nangyari? Alam kong meron." giit niya.

Umiling ako at nagpatuloy sa pagbabasa sa mga nakasulat sa librong hindi ko naman maintindihan.

"Wala nga."

"Hindi ako naniniwala kaya sabihin mo na."

Napapikit ako at parang nababaliw na namang napangisi.

"Oh ayan! Ayan na naman 'yang mala-leptos mong ngisi! Ano ba? Pinansin ka na ba ni Baldo sa limang taon mong pagpapa-cute at pagsubok na patirin siya para lang mapansin ka?"

Doon na lumabas ang tawa ko.

"Hindi! Tsaka simula ngayon, hindi ko na crush si Baldo."

Lumaki lalo ang pag-nganga niya na parang naghihintay nalang nang mansanas.

"Eh sino na?!"

Huminga ako ng malalim at tiniklop ang libro, sumusuko sa pagtatago ng sikreto kay Sol. Hindi ko pala kaya. Alam kong mawi-weirduhan siya sa sasabihin ko pero bahala na.

"May nangyari kasi kagabi."

"Ano, Kina?! Bata ka pa!" malakas at eksaherada niyang hiyaw na kung naiistorbo lang ang mga puno ay nasipa na siya!

The Next Night (Masked Gentlemen Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon