Chapter Seven
Real Beauty
Lumulutang sa alapaap ang puso ko habang patuloy na humahakbang palapit doon. Hindi ako tumigil kahit na para na akong mababaliw sa nararamdaman ko. I just want to be near him. Alam kong malalapitan ko rin siya. Malalapitan ko rin...
"Miss, can I see your ticket?" anang may ari ng baritonong boses at malapad na katawang humarang sa akin at pumawi ng lahat ng mahikang kasalukuyang umuukopa sa pagkatao ko.
"P-Po?"
"Ticket?" humakbang siya palapit kaya napaatras ako.
Kahit na ayaw ng mga mata kong tanggalin ang titig sa apat na kalalakihang nasa stage ay ginawa ko upang makausap ang kaharap.
"Show me."
"Oh!" nagmamadali kong hinalungkat ang bag ko para ibigay sa kanya ang hinihingi.
Nang makita kong kumunot ang kanyang noo matapos titigan ang ticket ko ay nagsalita akong muli.
"I just need to talk to–"
"You are not supposed to be in this area Ma'am. You have to go back to your seat." maawtoridad niyang sabi.
"Kuya, sandali lang ako–"
"I'll escort you back there." aniya at hindi na ako nakapagsalita nang maglakad siya't manduhan akong sumunod.
Habang kinakanta ni Uno ang huling parte ng kanta ay bumabalik ang panlulumo sa aking puso. Gusto ko pa sanang makiusap sa lalaki pero natatakot akong malaman nitong hindi talaga ako pwede sa lugar na ito dahil peke ang ID ko.
Isang malalim na buntong hinga ang lumabas sa aking mga labi ng muli akong makabalik sa aking upuan.
Dahil tahimik ang lahat ay hindi na rin ako nag-eskandalo. Imbes na ang sariling kagustuhan ang isipin ay minabuti ko nalang makinig... Besides, ito lang rin naman talaga ang pinunta ko rito hindi ba?
Tulala akong nagpangalumbaba habang nakatuon sa malayong stage at sa mga lalaking ilang taon ko ng sinusubaybayan at minahal...
"Ang layo mo, Uno... Ang layo layo mo." malungkot kong bulong.
Ilang beses pa akong nagpakawala ng malalalim na buntong hinga habang patuloy na kinukumbinsi ang sarili na ayos lang at maswerte pa rin akong nakita ko na sila. Tumuwid ako ng upo ng magbago ang tugtog. I sighed again when I see him move a bit before singing a new song. Napangiti ako.
"Baby, It's been a long time coming
Such a long, long time..."I swallowed hard again when the soul of his voice touches mine. Para akong idinuduyan ng malamig na hangin at idinadala sa isang payapang lugar... Tinutupad ang mga pangakong iingatan ako at hindi kailanman sasaktan. Mamahalin at sasambahin habang buhay...
Parang doon palang nag-sink in sa utak kong narito na ang mga taong noon ay pinapakinggan ko lang sa maalikabok kong radyo. Nasa harapan ko na ang taong nagmamay-ari ng boses na mahal na mahal ko... Lumakad ang mga mata ko sa kabuuan nila. They are wearing casual clothes at wala namang kakaiba sa kanilang mga suot maliban sa maskarang nakaharang sa kalahati ng kanilang mga mukha.
Ang isang guitaristang nasa kanyang kanan ay mayroong tattoo sa brasong nakalabas sa kanyang polo shirt. Mayroong hikaw na kumikinang sa magkabilang tenga at relo sa kanang kamay. Maliban doon ay wala na akong napansin. The rest didn't have ear piercing, tattoos or even watch. Maging si Uno... He didn't have anything in him aside from a mask that's covering half of his face.
BINABASA MO ANG
The Next Night (Masked Gentlemen Series 1)
RomantiekKina believed that she's not pretty and will never be pretty. Marami siyang tigyawat, maitim at payat kung i-describe ng kanyang prangkang best friend na si Sol. Bukod sa pisikal na kakulangan ay literal rin silang hikahos sa buhay. Sa gitna ng hira...