Chapter Fourteen
First Wave
Tomorrow night is the night! Napangiti ako sa organized na mga papel na ngayo'y maayos nang nakasalansan sa mga cabinets na noo'y nakatambak lang sa loob ng opisina ni Zeto. Lumakad ang mga mata ko sa kabuuan ng espasyo ko noong walang kabuhay-buhay. It was decorated perfectly. May mga isinabit akong paintings na ako mismo ang bumili sa mumurahing antique shop. I just replaced the cheap frames with not so expensive ones. Sakto para lang magmukhang ipininta ng isang kilalang artist. I also bought some plants to make me feel comfortable. Para na rin mayroon ang malalanghap na sariwang oxygen kapag nag-alburoto na naman si Zeto.
Halos mapapikit ako ng isandal ko ang aking likod sa malambot at bagong upuang ibinigay ni Baynes sa akin. My computer and plain desk was replaced too. Kung gusto akong pahirapan ni Zeto, nagtagumpay na siya pero nasa akin pa rin ang alas.
Ang mga daliri ko ay hindi tumigil sa pagpilantik sa magkabilang arm rest ng aking inuupuan. Katatapos ko lang mag-ayos at hinihintay nalang ang pagdating niya para itanong sa kanya ang sunod kong trabaho. I'm sure he'll be so surprised.
Inayos ko ang mga paa ko't inilapat sa simento pagkatapos ay hinila ang upuan palapit sa telepono. I'm excited to talk to Baynes and other people who called me Miss Five days because obviously, they need to change it now.
"Hello?"
"Hi Baynes..."
"Oh, Kina?" napangiti ako ng mabanaag ang tuwa sa kanyang tinig lalo na't ito yata ang unang beses na natatandaan kong tinawag niya ang pangalan ko sa pormal na paraan.
"Right. That's right."
She chuckled on the other line. Mukhang alam na ang ibig kong sabihin.
"Fine. Mali na kaming lahat but we're still being optimistic," she paused when other people greeted me on her line. "No one can make our Boss change," dagdag niya matapos ang sandaling kumosyon. "Malupit siya kung malupit kaya hindi kami nawawalan ng pag-asang tama kami."
Ako naman ang natawa. Kung tutuusin, gusto ko ng maniwalang hindi totoo ang lahat ng sinasabi nila sa lalaki. I think they misjudge him. Siguro may ginawang malaking pamamahiya si Zeto at ang isang pangyayaring 'yon ang tumatak sa kanila kaya simula no'n ay naging masama na ito sa paningin nilang lahat. Ilang araw ko na ring kinumbinsi ang sarili kong baka mali lang rin si Ate Ysa dahil nakaharap ko na si Zeto. At sa halos isang linggong lumipas ay wala namang nangyaring masama sa akin.
Maliban sa matalas niyang dila na kayang humila sa namamayagpag kong confidence ay wala na akong nakitang kalupitan niya. Given na rin na ginagawa niya 'yon dahil talagang ayaw niya sa akin at may nagawan ko siya ng mali kaya hindi ko siya masisisi.
"Gusto niyo talaga akong mawalan ng trabaho 'no? Akala ko ba friend niyo na 'ko?" may pagtatampo kong sabi sa kanya.
"Grabe naman, Kina! Siyempre naman friends na tayo at mananatili tayong friends kapag natanggal ka."
Napangiwi ako. Hindi ko alam kung dapat kong ikatuwa o ikainis ang mga sinabi niya. Sa huli ay hindi ko nalang siya pinatulan dahil sigurado akong kung may pustahan man sila, hindi mananalo ang mga pumustang matatanggal ako. I will never give up and I'm damn ready to win this fight.
Ilang minuto pagkatapos ng tawag ay tumunog na ang elevator. Nagkukumahog na naman akong tumayo para batiin siya pero sanay yata talaga ang lalaki sa laro ng bulag bulagan.
"Smile! God loves you!" hiyaw kong itinuturo pa siya kasabay ng pagbagsak ng balikat ko nang walang pakialam niyang ibinagsak ang pintuan at wala man lang sulyap na iniwan ako.
BINABASA MO ANG
The Next Night (Masked Gentlemen Series 1)
RomanceKina believed that she's not pretty and will never be pretty. Marami siyang tigyawat, maitim at payat kung i-describe ng kanyang prangkang best friend na si Sol. Bukod sa pisikal na kakulangan ay literal rin silang hikahos sa buhay. Sa gitna ng hira...