CHAPTER 12

39.2K 1.2K 85
                                    

Chapter Twelve

Miss Five Days


"Oh my God, Kina! I knew you'll get the job! Congratulations!" masayang bati ni Ate Ysa sa akin matapos kong ibalitang bukas ay umpisa na ng trabaho ko kay Zeto.

Maging ako ay hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon. Kahit na alam kong may pagbabanta siya at dapat akong matakot ay tanging tuwa lang ang nararamdaman ko.

"Thank you Ate!" masaya kong sagot.

Natapos ang usapan namin ng hindi ko na ikini-kwento ang mga napagdaanan ko bago makuha ang trabahong iyon. Nang gumabi ay sinabi ko na rin kay Mama na bukas ay simula na ng trabaho ko pero gaya ni Ate Ysa ay kampante itong makukuha ako kaya hindi na rin masyadong nabigla.

"Salamat anak, ha? Salamat sa lahat ng sakripisyo mo para sa amin ni Ken." emosyonal niyang sabi ng mapag-isa kami sa sala matapos ang hapunan.

"Ma, mahal ko po kayo at gagawin ko ang lahat para sa inyo." niyakap ko siya.

Tinapik-tapik niya ang kamay ko at bahagyang hinaplos.

"Kung sana hindi tayo iniwan ng Papa mo..."

"Ma..." putol ko ng marinig na naman ang matinding kalungkutan sa kanyang boses. "Tapos na po 'yon at dapat pa rin tayong magpasalamat dahil kung hindi umalis si Papa ay hindi naman ako magpupursigi ng ganito. Kung nandito si Papa, hindi niya ako hahayaang tumulong kahit na hirap na hirap na tayo."

"Pero kung nandito ang Papa mo, hindi ka mahihirapan–"

"Mama, hindi naman po ako nahihirapan dahil para sa atin ang lahat ng 'to. Masaya akong buhay tayo at magkakasama kahit na dumanas tayo ng hirap... Kahit na wala si Papa," hindi ko hinayaang matabunan ng lungkot ang puso ko.

Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at muli siyang nginitian ng buong puso.

"Alam ko pong may dahilan si Papa kaya niya tayo nagawang iwan. Ang ipagdasal nalang po natin ay nasa maayos siya at balang araw ay babalik rin para makasama tayo. Let's stay positive, Ma..."

Kahit mahirap tanggapin ay sumang-ayon nalang siya sa lahat ng mga sinabi ko. Hanggang ngayon ay pinaninindigan ko pa rin ang sinabi kong tatanggapin si Papa kung sakaling bumalik ito. Kahit kailan kasi ay wala talaga akong naramdamang galit sa ginawa niya. Siguro nga nakatulong na marami akong napagdaanan sa school noon at naging matatag ako. Marami akong natutunan at isa na doon ang intindihin ang lahat maging ang mga bagay na napakahirap intindihin. There's always a reason, at kahit na siguro mahirap tanggapin ang magiging rason niya ay matatanggap ko pa rin. I will still accept him because he is my father and I will not be here without him.

"May kailangan ka pa, Ate?" magiliw na tanong ni Ken habang sinisipat ang kabuuan kong posturang postura para sa unang araw ng trabaho ko.

Napangiti ako ng makita ang suot kong louboutin na bigay ni Ate Ysa noong nakaraang birthday ko na hindi ko akalaing magagamit ko na. I'm saving this for something special pero kahit na hindi espesyal ang araw na 'to ay iyon ang gagamitin ko. I still need to impress Zeto. Kailangan kong kunin ang loob niya para maisagawa ko ang mga plano ko.

"Okay na ako. Ikaw? Do you need something?"

Mabilis siyang umiling.

"Thank you Ate sa lahat. Wala na akong gusto. I wish you good luck on your first day of work."

I smiled and held her hand. Iginiya ko siya sa gilid ng aking kama.

"Thank you, Ken."

She nodded.

The Next Night (Masked Gentlemen Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon