Chapter Two
Fix You
"Dut dut dut, dut dut dut!" paulit-ulit na kanta sa tonong budots ng mga bully naming schoolmate habang sinusundan kami ni Sol papunta sa aming classroom.
Katatapos pa lang ng flag ceremony sa unang araw nang klase ngayong taon pero maaga ring bumungad sa amin ang mga asaran nila. Hindi na ako magtataka. Habang magkahawak kamay naming binabaybay ang daan patungo sa aming silid ay wala akong inisip kung hindi ang mga positibo sa buhay ko't hindi ang mga nang-aasar. Kung gaano ako ka-swerteng nakapag-aral ako ngayong taon at mayroong kaibigan sa kabila nang kalupitan nang lahat sa akin.
Nagpapasalamat akong sinwerte si Papa at tumama sa jueteng na minsan lang kung tayaan. Dahil doon ay nakabili ako ng mga gamit at nagkaroon ng budget sa ilang linggong pambaon. Hindi ko naman na kailangan magbaon pa ng pera dahil si Sol ay sagana sa pagkain at lagi akong dinadamay pero gusto ni Papa na may extra ako para kapag may emergency o kailangang bilhin ay hindi na ako manghihingi pa. Madalas namang wala kaya naitatabi ko ang lahat ng baon ko.
"Hayaan mo na." pinisil ko ang matabang kamay ni Sol nang maramdaman kong papatol na naman siya sa mga undin at kulang sa ugoy ng duyan ng mga magulang.
"Naiinis na ako. Ang pangit ng boses nila at nakakainis na pero gusto kong sumayaw."
Pinigilan kong mapahagikhik sa ibinulong niya. Alam kong inis na inis na siya pero nagagawa pa ring gawing magaan ang sitwasyon.
"Sasayaw nalang tayo mamaya ng budots kapag wala nang epal."
Lumawak ang ngiti niya at tinanguan ako sabay hila sa akin para mas mabilis na kaming makarating sa aming silid.
Kung akala namin ay nakawala na kami sa mga masasamang iniluwal sa mundo, nagkakamali kami. Pagpasok palang kasi namin ay sabay sabay na silang nagtawanan. Nanguna doon ang reyna ng kulto ng kasamaan na si Eunice.
"Nandito na pala ang Dut!" malakas niyang hiyaw sabay turo sa amin dahilan para mas matawa ng malakas ang lahat. "Akala ko hindi na sila tinanggap rito sa school. Sila lang 'yung nakakasira ng image rito! Ang papangit!"
"Akala mo naman maganda." bulong ni Sol sa mahinang boses dahil sa maagap kong pagpindot sa palad niyang hawak ko pa rin.
Ipinilig ko ang aking ulo at hindi sila pinansin. Hinila ko si Sol sa dalawang bakanteng upuan pero bago pa kami makaupo ay nagmamadaling kinuha 'yon ng dalawang lalaking kampon ng kadiliman.
"Oops! This is occupied! Doon kayo." ngising demonyong sabi nang lalaki sabay turo sa kabilang upuang binakante nila para lang asarin pa kami lalo.
Hindi ko sila pinatulan kahit na napipikon na rin ako. Pumasok ako rito para matuto at hindi malait pero anong magagawa ko kung may mga tao talagang pinaglihi kay Satanas?
"Halika, Kina."
Si Sol naman ang humila sa akin papunta doon pero gaya kanina, bago pa kami makaupo ay nauna na doon si Eunice at ang tatlong alagad niya para upuan ang mga bakanteng silya na akala yata'y naglalaro kami ng trip to Jerusalem. Ang kaibahan lang, trip to hell ito dahil masasama silang tao.
"This is our seat, uglies!" ipinilantik niya ang mga daliri sa ere na parang pati kaluluwa namin ay itinataboy. "Alam niyo kung saan kayo bagay?" napaatras kami ni Sol nang humakbang siya palapit sa amin habang iritado kaming tinititigan. "Near the trash bin! Masyado kayong pangit para rito at doon lang kayo bagay!"
Ilang beses akong napalunok. Hindi dahil natatakot ako kung hindi para pigilan ang sarili. Oo nga at kahit kailan hindi naman kami gumaganti sa kanila pero sa totoo lang masakit rin. Nakakalungkot isipin na ang tanging pinunta ko lang rito ay matuto pero may mga taong maraming galit sa puso na nagagawang sa iba ibaling. Sa mga inosente at mahina na gaya namin ni Sol.
BINABASA MO ANG
The Next Night (Masked Gentlemen Series 1)
RomanceKina believed that she's not pretty and will never be pretty. Marami siyang tigyawat, maitim at payat kung i-describe ng kanyang prangkang best friend na si Sol. Bukod sa pisikal na kakulangan ay literal rin silang hikahos sa buhay. Sa gitna ng hira...