CHAPTER 17

36.7K 1.1K 67
                                    

Chapter Seventeen

Broken Pieces


Malakas ang pagwawala ng dibdib ko habang iniikot ang seradura ng pinto ni Zeto at yakap ang tablet na laman ang mga schedule niya. Noong unang beses na pinadalhan niya ako ng email na may mga salitang 'come inside' ay may delubyong dumating at alam kong delubyong muli ang haharapin ko hindi pa man ako nakakalapit sa kanya.

Kinain ko ang lahat ng takot ng matanaw siya. He stopped doing everything when I stood in front of him pero ang lahat ng tapang na inipon ko ay parang agad na pinilas ng titigan niya ang aking mga mata kasabay ng muling pagsilay ng kanyang nakakalokong ngisi.

"How's your night, Miss Zuniga?" He asked sarcastically.

Pinilit kong maging matatag. Para sa pamilya at sa misyon ko. Iyon nalang ang ipinasok ko sa utak ko.

"Good. I got home safely–"

"Of course..." he interjects playfully. "Your fiance can be a bouncer and I bet he'll make you safe no matter what, right?"

"I told you, he's not my fiance. He's just the driver–"

"No wonder he's a good vocalist like what you're bragging. Malaki ang tambakan niya ng hangin."

Nagpintig na ang tenga ko sa pang-iinsulto niya't pagputol sa mga sinasabi ko!

"Excuse me?!"

Mas lalo namang naglaro ang kapilyuhan sa mga labi niya.

"Why do you look so mad? I'm complimenting your fiance. You should be happy."

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga siya ang fiance ko? He's his driver. Malaking tao at sikat ang mapapangasawa ko kaya hindi siya basta-bastang lumalabas ng sasakyan dahil dudumugin siya."

"Oh, really?"

"Yes, really!" giit ko.

Muli siyang natawa ng malakas pero agad ring nagseryoso matapos ang pagbaon sa akin sa kahihiyan. This is what I get for lying. Ito na ang karma ko pero bakit naman ang aga, Lord? Bakit ako kaagad ang inuna mo at hindi 'yung mga may malalaking kasalanan? Paano po bang maging favorite niyo? Hello?

Umayos ako ng tindig ng muling magsalita si Zeto.

"You're done with everything, right?" sinulyapan niya ang hawak ko kaya kahit paano ay natanggal ang ilang hibla ng iritasyon ko sa kanya.

"Yes."

"What's for today?" seryoso na niyang tanong bago balikan ang kanyang laptop.

"You're free until twelve..." nagpatuloy ako sa pagsambit sa ilang mga meeting na kailangan niyang daluhan ngayong araw.

Dahil direkta na rin sa telepono ko ang mga malalaking taong may kailangan kay Zeto ay sinabi ko sa kanya ang pakay ng mga ito. Sinabi niya ang mga sagot niya sa ilan pero nagpa-alalang kapag hindi urgent ang tawag ay huwag ko na raw i-entertain.

"You're coming with me today."

"W-What?"

Tamad niyang ibinalik sa akin ang nagsusungit na namang titig.

"Your my what again, Miss Zuniga?"

"S-Secretary."

"Or personal assistant. Isn't it your job to keep minutes of my meetings?"

"I-It is."

"Good. I'll tell you what time we'll leave."

Ilang segundo akong nanatiling nakatayo pero ng maisip kong hindi na siya magsasalita ay lumabas na rin ako. Sa paglabas ay napalitan ang inis ko ng tuwa. Kahapon kasi ay puro tungkol sa akin ang nangyari at hindi ko na naisip na nagagawa ko na ang mga plano ko! I'm now officially his secretary! Parang gusto kong magtatatalon dahil alam kong ilang linggo pa ay makakausap ko na siya kahit pahapyaw tungkol sa kanyang ama. Excited na akong maging intrimitida!

The Next Night (Masked Gentlemen Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon