CHAPTER 13

35.9K 1.2K 104
                                    

Chapter Thirteen

Boyfriend


Maaga akong umalis sa bahay kinabukasan kaya madilim pa ng dumating ako sa opisina. I'm glad that the guard didn't ask that much. Nang sabihin kong marami akong trabahong kailangang tapusin ay hinayaan na niya akong makapasok. Siguro'y alam na rin kung ano ang hirap na pinagdaraanan ko ngayon.

Kahit na medyo napuyat kagabi ay desidido akong tapusin ang trabaho lalo na't ang sabi ni Soledad ay ililibre niya ako ng VIP ticket sa The Next Night concert ng Zerea sa isang linggo. Kapag hindi ko natapos ang lahat ng pag-aayos sa delubyong naiwan ng mga pinalayas ni Zeto sa loob ng limang araw ay tiyak na hindi na ako makakapunta, at iyon ang hindi pwedeng mangyari. I missed Uno... Pakiramdam ko, kahit na for a cause ang misyon ko ngayon ay may kulang sa puso ko. Mabuti na nga lang at kahit na naka-dalawang palit na ako ng telepono ay hindi pa rin nawawala ang na-record kong pagkanta nito ilang taon ang nakalipas.

Napabuga ako ng hangin habang hinihintay ang elevator na ihatid ako huling floor. Naiisip ko palang kasi ang dami ng kailangan kong i-organize ay parang sumasakit na ang ulo ko. May pagka-OCD pa naman ako kaya kailangan ay nasa ayos ang lahat dahil kung hindi ay hindi ako mapakali.

Nang makalabas sa elevator ay binuksan ko ang lahat ng mga ilaw para hindi ko maisip ang mga posibleng kaluluwa ng mga namatay na empleyado sa building na 'to. Though I don't believe in ghosts, natatakot pa rin ako dahil hindi naman ako sanay ng mag-isa at sa malaking palapag pang ito. Naupo ako sa monoblock chair at inilapag na ang mga gamit. Buong puso akong ngumiti ng maisip na hindi ako dapat matakot na mag-isa, ang mas dapat kong ikatakot ay ang mukha ni Zeto kapag nagalit na naman sa akin.

Nagsimula na akong magtrabaho matapos magdasal. Sa ngayon ay 'yon nalang rin ang kinakapitan ko bukod sa pag-iisip sa galit ni Zeto. Lumipas ang mga oras, lumiwanag ang paligid at naikabit ko na rin ang ilang palamuting dinala ko para maging komportable naman ako sa bago kong opisina pero kahit na nakarami na ako ng trabaho, marami pa ring kailangang gawin.

Saktong alas otso diyes ng umaga tumunog an elevator kaya nagmamadali akong tumayo para batiin ang bagong dating na tiyak kong si Zeto lang naman.

Awtomatikong lumawak ang ngisi ko ng makita siyang lumabas doon pero imbes na sulyapan ako ay nagpatuloy siya sa paglalakad kaya wala na akong nagawa kung hindi ang kunin ang kanyang atensiyon.

"Good morning, Mr. Venavidez!"

Nakita ko ang agaran niyang paghinto na parang hindi alam na nag-i-exist na ako sa mundong ginagalawan niya.

"Magandang umaga, Ginoo!" dagdag ko pa ng dahan dahan siyang pumihit paharap sa akin ngunit imbes na batiin ako pabalik ay mas lalo lang yatang nalukot ang mukha niya.

Tumuwid ako ng tayo ng sipatin niya ang kabuuan ko.

"You're still here?"

"Of course! And I will stay here!" maagap kong sagot.

Dismayado siyang umiling at tinalikuran na ako pero bago pa ito nakapasok sa loob ng kanyang opisina ay nakasigaw pa ako ng, "Smile! God loves you!" pagkatapos ay napangiwi ng marinig ang medyo padabog na pagsarado nito ng pinto.

"Joke lang... Hindi ka niya love..." nakasimangot kong bulong sa sarili.

Pumihit ako pabalik sa pwesto ko kanina at nagsimula ng magtrabaho ulit dahil ano pa nga bang aasahan ko sa lalaki? Wala. Kung sabagay, mahirap baguhin ang nakasanayan pero positibo akong maraming magbabago pagkatapos nito.

Sa gitna ng trabaho ay ilang beses akong tinawagan ni Baynes para tanungin kung anong oras ako kakain pero perahas lang ang mga naisagot ko. I don't know if I can eat. Bukod sa marami pang kailangang gawin, may goal ako at deadline kaya wala sa utak ko ang salitang pahinga.

The Next Night (Masked Gentlemen Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon