Chapter Five
Dear Diary
Hindi mapawi-pawi ang lahat ng ngiti sa mga labi ko habang naghahanda sa muling pagsusulat sa diary na regalo sa akin ni Sol noong nakaraang birthday ko. Sabi niya, dito ko raw ilagay ang lahat ng mga nasa isip ko o gustong i-share para hindi ko makalimutan ang lahat ng nangyayari sa buhay ko.
Nagsimula na akong magsulat, sinasariwa ang mga nangyari kahapong puro lamang saya.
Saturday
Dear Diary,
Being a grade nine student is harder than I thought. Bukod sa hirap sa pag-aaral, hindi pa rin nawala 'yung hirap sa pagharap sa mga bully. Akala ko kapag nagsawa na sila sa amin ni Sol ay titigil rin sila pero hindi na yata 'yon posible. Pero hindi bale, mayroon naman akong Uno na palagi akong pinapasaya. Alam mo Diary, kahit na hanggang ngayon ay boses at ilang detalye palang ang alam ko sa kanila, hindi 'yon naging hadlang para mas mahalin ko pa sila. It's been two years since the day Uno made me happy... At hanggang ngayon, siya pa rin ang nagbibigay ng saya sa akin. Paano kaya kapag nagtagpo na kami? Will he continue to make me happy o gaya rin siya ng iba na mandidiri at aayawan ako?
"Kina! Halika na muna rito at tulungan ako!" sigaw ni Mama na nagpahinto sa akin sa pagsusulat.
"Andiyan na po!"
Nagmamadali kong tiniklop at itinabi ang aking diary sa pinaka-tagong lugar na hindi kailanman madi-diskubre ng kahit na sino.
I love writing to it. Katunayan nga ay simula ng matanggap ko 'yon ay sa harapan ako ni Sol mismo nagsulat. I even asked her to sign the first page for me. Paalala ng araw, oras at alaalang pinasaya niya ako ng sobra.
"Tulungan mo muna akong kunin iyong mga sinampay at uulan na naman!"
Madali akong lumabas para gawin ang mga utos ni Mama. Hanggang ngayon ay hindi na siya natigil sa paglalaba dahil hanggang ngayon rin ay sakitin pa rin ang kapatid ko. Si Papa ay gano'n rin. Minsan ay tatlong araw bago ito umuwi dahil sa pagta-trabaho ngunit nagpapasalamat naman akong maayos pa rin ang pamilya namin kahit na mahirap. I always pray that God will give them good health and long life. Sa ngayon ay wala akong hinangad kung hindi ang kabutihan ng pamilya ko... At isang araw ay makita rin si Uno.
"Ako na rin po ang magtutupi, Ma." inilapag ko ang mga damit sa sofa at sinimulang tanggalin ang mga ito sa hanger.
"Salamat, Kina," bumagal ang galaw ko ng maramdaman ang pagtabi ni Mama sa akin. Tuluyan na akong natigil ng umangat ang kanyang kamay patungo sa aking mukha at marahang inalis roon ang mga nakaharang na hibla ng buhok. "Pasensiya ka na anak kung hindi kita masyadong naaasikaso, ha?"
"Ma..."
"Pasensiya kung palaging si Kenken ang napapansin namin ng Papa mo at hindi ko nasasabi sa'yo kung gaano ako ka-swerteng nagkaroon ako ng anak na gaya mo pero iyon ang totoo, Kina. Maswerte akong ako ang naging ina mo at habang buhay akong magiging proud sa'yo."
My tears almost fell because of that. Ito ang unang beses na ganito ka-emosyonal ang takbo ng usapan namin ni Mama pero isa na ito sa mga paborito kong pagkakataon na kasama siya. Tama mang hindi nila ako napapansin dahil kay Ken pero may dahilan naman ang lahat ng 'yon at naiintindihan ko naman kaya ayos lang sa akin.
"Ma, naiintindihan ko po. Hindi naman po ako nagtatampo sainyo dahil gusto ko rin naman pong gumaling si Ken. Mahal ko po kayong lahat at masaya naman po ako kahit na minsan ay hindi na tayo nakakapag-usap."
"Oh, Kina..." hinigit niya ako at niyakap.
"Pasensiya na kung mas mahirap ang buhay natin ngayon at hindi gaya noong nasa probinsiya pa tayo na pantay ko kayong naaalagaan ni Ken," lumayo siya. "Sana mas maintindihan mo pang kailangan natin ng pera para sa upa rito sa bahay at pambaon mo kaya kailangan ko ring magtrabaho kahit ganito lang. Gusto ko ring tulungan ang Papa mo kahit paunti-unti."
BINABASA MO ANG
The Next Night (Masked Gentlemen Series 1)
RomanceKina believed that she's not pretty and will never be pretty. Marami siyang tigyawat, maitim at payat kung i-describe ng kanyang prangkang best friend na si Sol. Bukod sa pisikal na kakulangan ay literal rin silang hikahos sa buhay. Sa gitna ng hira...