CHAPTER 4

47.5K 1.2K 85
                                    

Chapter Four

Leaves


Nagpatuloy ako sa pag-aabang sa boses na iyon na tumatak na sa utak kong dahilan ng lahat ng swerte sa buhay ko. Hindi ko inintindi ang hitsura kong mas lalong pumangit sa paningin ng lahat mapakinggan lang ang boses na 'yon.

Sa araw-araw na ginawa nang Diyos, simula ng naging tampulan ako ng pambu-bully ay ngayon ko lang lubusang natanggap na hindi ko na mababago ang tingin ng mga tao sa akin. Na kailangan ko nang tanggapin kung ano ang gusto nilang paniwalaan at ang mahalaga ay mag-focus ako sa mga kasiyahan ko. Ang mga taong nakakapagpataba ng puso ko... Ang pamilya ko, sila Sol at ang Zerea...

"Zerea?"

Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagtango-tango ko kay Sol. Ilang linggo ko ring sinarili at itinago sa kanya ang lahat dahil ayaw kong mabatukan niya ulit pero ngayong halata na niyang mas lalong umitim at lumaki ang mga eye begs ko dahil sa kahihintay sa banda tuwing alas tres ng madaling araw ay wala na akong naitago.

"Bakit gano'n? Pambabae?"

Nagkibit ako ng balikat. Hindi ko siya tinitignan dahil baka mapangisi na naman ako't mapagalitan niya.

"Hindi na 'yon importante. Ang mahalaga, mahal ko sila at masaya akong napapakinggan sila."

"Mahal kaagad?!"

Nababaliw akong napahinto sa pagsusulat at natulala na naman.

"Idol na idol ko sila, Sol..."

"Kina, alam mo baliw ka na."

Awtomatiko akong napabaling sa kanya dala ang lukot na mukha.

"Tignan mo... Sabi mo tuwing alas tres lang sila ng madaling araw tumutugtog at isang kanta lang, 'di ba?"

Tumango ako.

"Walang gano'n, Kina! Kung talagang magaling sila, bakit sa panahong tulog na ang mga tao sila kumakanta?"

Napaisip rin ako pero hindi ko nadepensahan ang grupo dahil sa muli niyang pagpapatuloy.

"Hindi kaya kulto 'yang mga 'yan? Masyadong pa-mysterious! Paano kung gumagana na pala sa'yo 'yung spell nila at kaya ganyan ka nalang ngayon kabaliw ay dahil 'yun talaga ang purpose ng banda. Kumakanta para sa mga mahihinang babae na madaling ma-in love! Banda sila pero kulto talaga na nangunguha ng mga babaeng kahit hindi kagandahan ay okay lang basta virgin!"

Sa pagkakataong 'yon ay hinayaan ko na ang kamay kong lumipad patungo sa tuktok ng bunbunan niya para kaltukan siya ng malakas at gisingin!

"Sol, ano ba 'yang mga pinagsasasabi mo? Hindi sila gano'n at totoong na-in love na ako sa kanila hindi dahil sa spell kung hindi dahil sa galing nila lalo na iyong bokalista."

"Oh anong pangalan?"

Naitikom ko ang aking bibig.

"Tignan mo! Ni hindi mo nga alam ang pangalan ng mga tao sa bandang Zerea na 'yon! Paano ka mai-in love sa taong hindi mo kilala maski pangalan? Imposible 'yon! May spell sila at kulto 'yan!"

"Grabe ka! Hindi ba pwedeng magaling lang talaga sila?"

"Magaling pero hindi sikat? Kapag magaling dapat sikat sila o maski man lang ipinapakilala nila ang mga sarili nila hindi lang ang banda. If they want people to listen to them, mag-i-invest sila nang oras para may ma-engganyo sa kanila–"

"Kaya nga sila kumakanta–"

"Pero hindi madaling araw at alas tres pa! Kina, Diyos ko! Labasan ng mga multo 'yon!"

The Next Night (Masked Gentlemen Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon