CHAPTER 15

35.5K 1.2K 197
                                    

Chapter Fifteen

Marriage Proposal


"Uno..." ilang beses akong suminghap habang patuloy na pinupunasan ang mga luha sa mata ko.

Matapos ibigay ni Zeto ang sunod kong gagawin ay wala na akong ginawa kung hindi ang umiyak. Pero syempre, ginawa ko 'yon ng makalabas ako sa loob ng opisina niya. I can't let him see how weak and fragile I am right now. Kailangan kong ipakita na kahit nanalo siya ngayon ay hindi ko susukuan ang pinasok ko.

"Uno, Sorry..." nanginig ang boses ko sa muling pagsambit ng pangalan niya habang pinapakinggan ang boses niya galing sa earphones na suot ko.

Nanlulumo man ako't bagsak ang damdamin pero nagpapatuloy ako sa trabaho. 'Yon nga lang, hindi ko mapigilang huminto dahil dumarating sa punto na napapahagulgol ako sa sobrang kalungkutan. Nang hindi ko na mapatahan ang sarili ko ay tinawagan ko nalang si Sol. Sinabi kong hindi na ako matutuloy dahil hindi ko pwedeng iwan ang trabaho ko. I know Zeto would fire me if I do that. Isa pa, alam kong isa 'to sa mga challenge niya sa'kin... Or pagmamalupit. It's the same thing.

"What?!"

"I'm sorry..." mabilis kong nakagat ang labi ko.

Nagpatuloy ang mga paa ko sa paglalakad. Pabalik-balik dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag napirmi ako sa isang pwesto. Tingin ko ay maiiyak na naman ako ng sobra.

"Pero bakit? Akala ko ba ayos na? Akala ko ba nagpaalam ka na sa boss mo?"

"I did..."

"Oh tapos? Kina, this is your only chance to see Uno. Mas malapit na at tiyak na kapag tumakbo ka mamaya para lapitan siya't yakapin ay hindi ka mahaharang ng mga bouncer!"

Napapikit ako ng maalala ang plano namin. Pagkatapos ng huli nilang kanta, tatakbo ako sa gawi ni Uno at wala ng sasayanging oras. Yayakapin ko siya ng pagkahigpit-higpit at sasabihing ako ang nawawala niyang soul mate. Hindi ko siya bibitiwan hangga't hindi siya naniniwala. Pero paano ko na 'yon gagawin kung ganitong ni hindi ko alam kung anong oras ako makakalabas sa building na 'to?

"I know but something came up.

"What? Ano ba kasing nangyari?"

"The first wave is here."

Sandaling natahimik ang linya niya. Tila natanto na ang ibig kong sabihin.

"Sa dami ng pagkakataon, ngayon talaga?"

"It's my fault. Kung siguro hindi ko sinabi sa kanya ay baka pinayagan niya ako. Kung sana nagsinungaling nalang ako't si Ken nalang ang idinahilan ko ay baka pumayag siya. Madali lang namang magkumpisal. A little lie won't hurt and God will still forgive me with that but I'm stupid enough to tell him the truth... And now, wala na akong magagawa."

"Paano na 'yan, Kina?" malungkot niyang tanong.

Binilisan ko ang paglalakad ko ng paulit-ulit para ma-distract at hindi muling bumuhos ang mga luha.

"I don't know. I can't finish everything in two hours at baka kahit matapos ang araw na 'to ay hindi ko pa 'to matatapos. I'm sorry, Sol..."

"Kina... I'm sorry."

"It's okay. It's okay. Ikaway mo nalang ako kay Uno," hindi ko mapigilang mahinto sa ginagawa matapos banggitin ang pangalan niya. Nanginig na naman ang mga labi ko. "Sol, isigaw mo nalang kay Uno na kilala mo ang soul mate niya. Sabihin mo busy lang ako but I will see him soon! In God's time." marami pa sana akong gustong idagdag na mga habilin pero dahil sa pag-alpas ng emosyon ko at muling pagtulo ng mas masasaganang luha ay nanghihina akong nahinto.

The Next Night (Masked Gentlemen Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon