CHAPTER 8

38.4K 1.3K 67
                                    

Chapter Eight

No One Can Tame


"It's nice to meet you too, Bailey." masaya kong sabi sa lalaking posturing postura sa aking harapan.

Sa pagkakatanda ko, Ate Ysa told me that the guy is a son of one of her business partner kaya kahit na labag sa loob kong makipag-kilala ay ginawa ko pa rin para sa kanya.

Hindi niya binitiwan ang kamay ko nang subukan kong higitin iyon palayo.

"Do you want to continue this party to my place?" kampante niyang tanong na parang gano'n nalang ako kadaling utuin.

Oo nga at wala pa naman akong karanasan sa pagmamahal pero tama si Ate Ysa. Alam ko ang tama at mali at ang lalaking ito ay isa sa mga maling dapat kong iwasan.

"I have a lot to do here. Thanks for the invite though." matamis akong ngumiti at agad na hinila ang kamay bago siya tinalikuran ngunit hindi pa ako nakakahakbang palayo ay muli na akong natigil ng mahawakan niya ang aking kamay.

Napapikit ako ng mariin at dahan dahang humarap pabalik sa kanya habang tinatanggal ang mga kamay na 'yon.

"Yes?" pormal kong tanong kahit na naiirita na ako.

"Don't hesitate to call me if you change your mind. I'll be waiting for you."

Tumango ako at tinanggap ang calling card na ibinigay niya bago mabilis na naglakad palayo. Nang makita ko ang isang basurahan ay madali ko iyong tinapon. This is what I don't like about guys. Ang ilan, porket mayaman at gwapo ay akala nila mga bagay nalang ang babae na madaling kunin kapag ginusto. Ang totoo, kahit na natutuwa ako sa positibong atensiyon na nakukuha ko ngayon sa lahat ay hindi pa rin ako komportable. Kung si Ken pa nga, hindi raw ako marupok. I disagree. Minsan madali ay rin naman akong madala at maniwala sa mga salita pero may isang tao pa ring hinihintay ang puso ko na gagawa ng lahat ng iyon sa'kin. Kapag nagkataon, hindi ako magdadalawang-isip na maging marupok ng tuluyan sa kanya.

Tahimik akong naupo pabalik sa upuan namin ni Ate Ysa. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Sol para malibang at mawala ang inis.

Ako:

How to avoid flirty guys?

Sandali lang akong natulala doon dahil sa madali niyang pag-reply.

Sol:

You can't, Kina. Sa panahong ngayon dapat masanay ka na lalo na't malaki na ang pagbabago sa'yo. Tanggapin mong baliktad na ang mundo ay ikaw na ang tinitingala ng lahat kaya seize the moment. Eh bakit ba kasi ayaw mong mag-try kahit isang lalaki lang? Kahit fling fling lang?

Ako:

Paano si Uno? Paano kung pumayag ako tapos saka kami magkaharap?

Sol:

Oh God! Hanggang ngayon talaga si Uno pa rin?

Ako:

Noon, ngayon at bukas.

Sol:

Fine! Sa ngayon ipagpatuloy mo nalang 'yang ginagawa mong pagtataboy sa mga lalaki. One day, kapag nakaharap mo na ang lalaking para sa'yo at magiging malaking parte ng buhay mo, hindi ka na makakatanggi.

Ako:

Si Uno nga.

Sol:

Uno na kung Uno! Sige na siya na para sumaya ka na! I gotta go! I have a date tonight. I miss you and see you soon, okay?

Napangiti ako.

Ako:

See you and I miss you too! Ingat.

The Next Night (Masked Gentlemen Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon