Chapter Sixteen
Operation Fiancé
Hindi ako tumigil sa pagta-trabaho habang hinihintay ang delivery ni Sol upang suportahan ako sa lahat ng mga kalokohan ko. Dahil nakaidlip ako ay nakaipon ako ng energy na bilisan ang ng ginagawa pero kasabay no'n ang paulit-ulit ko ring sulyap sa kwarto ni Zeto. I wonder what he's doing inside. Oo nga't minsan ay tumatagal rin naman siya rito pero hindi ko alam ngayon kung anong oras ang uwi niya.
Nang sumapit ang alas onse ay sandali akong bumaba para kunin ang mga dumating na regalo para sa'kin. The guard was smirking and teasing me. Ako naman, dahil feel na feel ko ay inartehan ko nalang ring kinikilig ako para makatotohanan na talaga ang lahat at hindi gastos ang delivery na 'to.
Pagsakay ko ng elevator ay napawi ang lahat ng tuwa ko't ang mga balikat ay bumagsak. This thing looks expensive at alam kong malaki na naman ang magiging utang ko kay Sol. Ipinilig ko ang aking ulo at hinanda ang sarili sa paglabas ng mapalapit na ang elevator sa floor kung nasaan ang main stage ng acting career ko.
Tamad kong inayos ang sarili ngunit ang lahat ng pagkalugmok ko ay mabilis kong pinalitan ng walang humpay na kasiyahan ng makita ang sakto namang paglabas ni Zeto sa kanyang opisina kasabay ng pagbukas ng elevator.
"H-Hi." nahihiya kong bati habang inaayos ang pagkakayakap sa mga bulaklak at tsokolateng hawak ko.
See this, huh? Bigay 'to ng fiance ko! Gusto ko sanang sabihin pero alam ko namang wala siyang pakialam kaya taas noo ko nalang iyong ibinalandra sa kanyang harapan.
Awtomatikong tumaas ang isang kilay niya ng maglakad na ako palabas ng elevator at bumaba ang mga mata niya sa hawak ko.
Mas inayos ko 'yon. Sa pagbalik ng mga mata niya sa mukha ko ay proud akong ngumising parang nanalo ng Miss Universe, kulang nalang kumaway ako.
"Why are you still here?" iritado niyang tanong.
"I'm not finished yet... Kinuha ko lang 'tong padala ng fiance ko sa baba." pinilit kong isingit sa usapan ang bagay na 'yon kahit na wala siyang balak na pakinggan.
He tilted his head. Hinanda ko ang sarili ko sa mga sunod niyang sasabihin pero wala na akong narinig. Sandali niyang sinulyapan ang lamesa ko pabalik sa akin at umiling bago pumasok pabalik sa loob ng kanyang opisina.
Hindi nawala ang ngisi sa mga labi ko na kinagat ko nalang para matigil. Dahil do'n ay para akong tinurukan ng droga para mas ganahang tapusin ang trabaho. The chocolates pumped me too. Wala pang alas dose ay nakikita ko na ang liwanag. Isang oras pa ang lumipas ay tumigil na ako. Marahan kong hinilot ang sintido ko ng makita ang malinis at maayos na pagkakagawa ng lahat ng trabaho ko ngayong araw.
I texted Sol if she already booked my service tonight pero ilang minuto ang lumipas ay hindi ito sumagot. I tried calling her but she's not answering. Nasapo ko ang aking noo at muli siyang tinawagan pero gano'n pa rin. Inayos ko nalang ang mga gamit ko. Hindi naman siguro kailangang magpaalam ako 'di ba? Kung hindi ako na-book ni Sol ng grab, pwede na akong maunang umuwi kay Zeto at hindi niya malalaman na wala akong sundo.
Nang maayos ko ang mga gamit ko't handa na sanang umalis ay saka naman tumawag ni Mama.
"Kina, nasaan ka na? Late na anak."
"Pauwi na po ako, Ma."
"Sinong kasama mo? Delikado na. Mag-text ka kapag malapit ka na sa kanto para maabangan kita."
"Ma, hindi na po. Kaya ko na pong mag-isa at huwag kayong mag–"
Natigil ako sa pagsasalita at agad na napatuwid ng tayo ng marinig ang pagbukas ng pintuan ng opisina ni Zeto!
BINABASA MO ANG
The Next Night (Masked Gentlemen Series 1)
RomanceKina believed that she's not pretty and will never be pretty. Marami siyang tigyawat, maitim at payat kung i-describe ng kanyang prangkang best friend na si Sol. Bukod sa pisikal na kakulangan ay literal rin silang hikahos sa buhay. Sa gitna ng hira...