CHAPTER 10

40.5K 1.2K 121
                                    

Chapter Ten

What He's Looking For


Hindi maarok ng utak ko ang mga sigaw nitong hindi lang basta driver ng lalaking nilait-lait ko ang kaharap ko kung hindi ito mismo! He's a good actor! Parang gusto ko siyang bigyan ng malaking trophy sa galing niyang magpanggap!

Hindi ko sinubukang lumingon o titigan maski ang anino niya kung mayroon man. Nanatili ang mga mata ko sa daan habang nakatuwid ng upo at ni hindi magawang huminga ng maayos. Pakiramdam ko, kahit na tahimik siyang nagmamaneho ay gusto na niya akong patayin ngayon. Napangiwi ako ng muling maisip ang mga sinabi ko. Simula sa masama ang ugali nito gaya ng kwento ni Ate Ysa hanggang sa bakla ito at may lover. Shit!

"What's your name?" maya maya'y tanong niya pagkatapos ng nakakabaliw na katahimikan.

Kahit na parang nagka-stiff neck ako ay nagawa kong bumaling sa kanya. Nilunok ko ang lahat ng mga bara sa aking lalamunan bago sinubukang magsalita ulit.

"I'm Kina... Kinslett Eleana Zuniga and I'm–"

"I don't care." he cut me off.

Muli akong napalunok sa pagpuputol niya sa akin. Nananatiling magkasalubong ang makakapal niyang kilay habang nakikipagtitigan sa daan na animo'y niyayaya ang kalsada ng suntukan.

"B-But you're asking me–"

"Your name and that's it. Kung anong tanong ko 'yon lang ang sasagutin mo." masungit niyang pagbara muli sa mga sasabihin ko.

"O-Okay."

"Who sent you?"

"No one!" agaran kong sagot.

"Liar," he commented. "Look, I hate being lied to kaya ngayon palang simulan mo ng maging totoo kung gusto mong matanggap sa posisyon–"

"I'm being honest!" giit ko kahit na totoo ring nagsisinungaling ako.

"Wrong answer."

"Totoo!"

Pumihit ako sa gawi niya para harapin siya ng mas maayos pero pakiramdam ko'y para akong pusang binuhusan ng malamig na tubig ng lumipad ang matatalim niyang mata sa akin.

"I don't believe you."

"Anong gusto mong gawin ko para maniwala ka? I'm just here for the job, 'yon lang." walang arte kong iginalaw ang katawan ko para abutin ang mga gamit kong naiwan sa back seat.

Nagmamadali kong kinuha doon ang aking resume. Sakto namang huminto ang sasakyan sa tapat ng nakapulang traffic light kaya inabot ko sa kanya 'yon.

Bumaba ang madilim niyang titig sa papel na nakalahad sa kanyang harapan.

"This is my resume. You can read it para makita mo kung qualified ako–"

Naputol ako ng kunin niya iyon sa akin pero bago pa ako nakapag-salitang muli para magpabida't magkaroon siya ng dahilan na ako nga ang kunin ay napa-nganga na ako dahil sa mabilis na pagdalo ng isa niya pang kamay sa papel at walang ano-ano'y pinunit 'yon!

"I. Don't. Fucking. Care." madiin at malinaw niyang sabi pagkatapos ay binuksan ang bintana at itinapon doon ang resume ko bago muling iharurot ang kanyang sasakyan!

Napakapit ako ng mahigpit sa aking kinauupuan hindi lang dahil sa kaba dahil sa bilis ng takbo namin kung hindi sa kaba dahil sa huling ginawa niya! God! Tama nga ang lahat ng mga sinabi ni Ate Ysa sa akin! He's really cruel pero kahit na parang gusto ko nalang itigil ang kabaliwang ito ay mas nanaig ang determinasyon ko.

The Next Night (Masked Gentlemen Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon