AFS-9 ( Knife )

357 29 2
                                    

-----

3rd Person's POV

"Sa tingin mo bakit hindi pa dumarating si jhonny? Sa tingin mo nasaan na siya?" Nagulat naman ang binata sa tanong ng kaibigan.

"Tama na to guys! Itigil na natin ito." Tumayo ang binata.

"Tulungan niyo akong hanapin ang pinsan ko, pero kung ayaw niyo ako na lang." Tumalikod ang binata at naglakad palayo. Walang nagawa ang iba kundi sundan si jonas tutal tama naman ang sinabi nito. Maghihiwa-hiwalay na lang sila nang sa ganun ay mas mapadali ang paghahanap sa nawawalang kaibigan.

.....

"Pasensya ka na jonas ah, paano kaya kung bukas na lang natin siya hanapin delikado na kasi sa gubat ee gabi pa naman." -marky

"Sinabi ko na kasi sa inyo kanina eh nung may araw pa na hanapin natin si jhonny pero anong sabi niyo? Babalik din yun, oh nasaan? Mga Nagmamarunong kasi kayo eh." Galit na banggit ng binata sa kanyang mga kaibigan kaya't pumanik na lang ito at dumiretso sa kanyang kwarto. Wala ng nasabi ang magkakaibigan dahil alam nilang tama si jonas. Nag-aalala na rin s ang magkakaibigan kung ano na ang nangyari kay jhonny.

.....

"Nasan na ba kasi yung jhonny na yun eh, wala na tuloy tumitingin-tingin sa akin, nakakapanibago." Pagbibiro ni rica, nasa kusina silang lahat upang maghapunan habang si jonas ay mahimbing na natutulog dahil na rin siguro sa kapaguran.

"Nakuha mo pa talaga magbiro ah nawawala na nga yung tao eh, to talaga." Sabi ni alice sabay inum ng juice na hawak niya.

"Oh jake, tinawag mo na sana si jonas nang makakain." -gian

"Tatawagin ko na nga sana eh ayun tulog na tulog, napagod yata kakahanap sa pinsan niya."

"Ah ganun ba oh siya sige bilisan na nating kumain nang makatulog na at hahanapin pa natin si jhonny bukas."

.....

Natapos ng kumain ang magkakaibigan, pumuntana sila sa kani-kanilamg kwarto upang magpahinga. Nang napansin nang isang tao na mahimbing nang natutulog ang mga kasama niya sa kwarto ay dahan-dahan siyang tumayo at lumabas.

Papunta ang misteryosong taong ito sa gubat, sa di kalayuan ay may isang lumang bahay pala roon at hindi mo mapapansin ang lumang bahay na ito kung hindi mo lalapitan.

Nakahoodie jacket ang misteryosong taong ito at nang papalapit na siya sa lumang bahay ay may sinuot siya.


May sinuot siyang isang maskara...

-----

Jhonny's POV

Pagdilat ko ng aking mga mata naramdaman ko kaagad ang pangangalay ng kamay ko hindi ko maigalaw. Nakatali pala ako sa upuan, nakatakip sa bunganga ko ay panyo na suksok na suksok hanggang lalamunan ko kaya hindi ko siya mailabas dahil yung kamay ko ay nasa likod ko kaya pala nangangalay ito.

Tumingin ako sa paligid ko, nasaan ako? At bakit nandito ako lumang-luma na ang bahay na ito ah may mga sapot ng gagamba sa gilid at may mga dagang naghahabulan, bakit ba ako nandito? Ang daming tanong ang pumapasok sa isipan ko kung bakit ako napunta dito at nasa ganitong posisyon pa ako.

Ang huli kong naaalala ay magkasama kami ng pinsan kong si jonas sinabi ko sa kanya na may titignan lang ako sa gubat napansin ko kasing may parang tao. Habang naglalakad ako sa gubat ay parang may sumusunod sa akin pagtingin ko sa likod ay may tao hindi ko siya nakita kasi bigla na lang niya akong hinampas ng isang mabigat na bagay na agad naman akong nawalan ng malay, paggising ko nandito na ako.

Napansin kong parang may papalapit sa kinaroroonan ko kaya naman nakiramdam ako, naghalong kaba at takot ang nararamadaman ko baka kasi kung anong gawin niya sa akin natatakot ako. Hindi naman ako nagkamali at biglang bumukas ang pintuan na katapat ko lang.

"Oh gising kana pala." Ano to? Bakit naka maskara siya yung maskara niya ay nakangiti at matambok ang mga pisngi yung parang sa "the furge" nakakatakot pero bakit nakamaskara pa siya at nakahoodie jacket pa, hindi ko tuloy mawari kung sino siya pati ang boses niya iba dahil siguro nakamaskara siya ay nakukulob ang boses niya. Lumapit siya sa akin at agad niyang tinanggal ang panyo sa bibig ko agad naman akong nagsalita.

"Hoy sino ka nagpapatawa ka ba? Bakit nandito ako? Ibalik mo ako sa mga kaibigan ko." tuloy tuloy kong tanong sa kanya habang nagpupumiglas ako sa kinauupuan ko.

"Oh relax ka lang, kaibigan mo rin naman ako eh..." Natulala naman ako sa sinabi niya kaibigan ko siya ibig sabihin isa lang siya sa kaibigan ko? Pero sino siya? At bakit niya ginagawa ito? Naguguluhan na ako gusto ko ng matapos to at malaman ang mga katanungang gumugulo sa isipan ko.

"Huwag mong sabihin sa aking ikaw ang naglagay ng lason sa beer ni kenneth kaya siya namatay?" Tanong ko sa kanya, alam kong isa lang sa mga maibigan ko ang may gawa nun pero bakit? Sino ba siya?

"Uhm...Oo, ako nga at ganun din ang mangyayari sayo, kaya nga lang hindi lason yung iyo eh kundi ito." Nanlaki naman ang mata ko sa nilabas niyang isang mahaba at matalim na kutsilyo.

"Walang hiya ka? Bakit mo ginagawa ito? Anong kasalanan ko sayo? Namin?" Galit na galit kong sabi habang nagpupumiglas parin ako sa kinauupuan ko.

"Actually wala eh, wala ka namang kasalanan nadamay ka lang ganun din naman si kenneth ee bakit pa kasi kayo sumama sa barkada eh nadagdagan pa tuloy ang papatayin ko..." Paliwanag niya na agad naman niya akong hinataw ng saksak sa kanang balikat.

"Aaahhh!" Tinanggal niya ang kutsilyo at napasigaw na naman ako. Anong pinagsasasabi niyang sumama pa kami sa barkada kaya nadagdagan na naman ang papatayin niya, hindi kaya isa lang ito sa kaibigan ng pinsan ko? Kailangan ko silang mabalaan.

"Napakawalanghiya mo!" Sigaw ko sa kanya na agad na naman niya akong hinataw ulit ng saksak sa kabilang balikat, napasigaw ulit ako sa sobrang sakit.

"Huwag kang mag-alala hindi lang ikaw ang makakaranas niyan, lahat sila..." Tinutok niya ang kutsilyo sa leeg ko habang ang dalawang balikat ko ay patuloy pa rin sa pag agos ng dugo yung damit ko ay kulay pula na sa dami ng dugong nawala sa akin.

"Paalam jhonny..." Bulong niya sa akin sabay tusok ng kutsilyo sa lalamunan ko lumalabas na ang dugo sa bunganga ko inikot niya pa ang kutsilyo, hindi ko na kinaya kaya pumikit na lang ako...

-----

Murderer's POV

Matapos kong itusok sa leeg ni jhonny ang kutsilyo at pinaikot-ikot ito ay wala na siyang buhay ngayon hmm. Tinanggal ko siya sa pagkakatali at hinila papalabas ng lumang bahay, nang medyo malayu-layo na kami mula sa lumang bahay ay nilabas ko ang lubid na dinala ko at tinali ko sa leeg niya.

Hinagis ko naman ang karugtong na lubid sa kahoy ng puno at agad na hinila para umangat ang bangkay ni jhonny nang nakaangat na ito ay itinali ko naman ang karugtong na lubid sa kabilang sanga ng puno. Pagtapos kong gawin yun ay umalis na ako para makapaglinis dahil sa mga dugong tumalsik sa akin kanina.

Pagtapos kong maglinis ay dumiretso na ako sa aking kwarto at sinimulang matulog, dahil bukas hahanapin pa namin si jhonny.


Haha, hindi nila alam na malamig na bangkay na si jhonny.


Nag-uumpisa palang ako.....

-----

(A/N)

Si jhonny po yung nasa multimedia...

Please VOTE, COMMENT, SHARE and SUPPORT guys!

-Neis

A Friend's Secret (FINISHED) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon