-----
Gian's POV
Mahigit isang buwan na rin simula nang makapagtapos kami nung highschool at nakapag-exam na rin kami sa mga universities na papasukan namin, nakapasa naman kami kaya wala na kaming problema sa pagpasok namin sa kolehiyo.
Isang buwan na rin na hindi kami nagkikita-kita ng mga tropa dahil busy sa kani-kanilang mga bakasyon sa kung saan mang bansa. Mga sosyal kasi eh, ako lang ata ang nandito sa maynila tsaka si marky isa sa mga tropa ko isama mo na ang kapatid ko.
Balita ko may ginagawang bar sila marky dito sa maynila. Matagal na yung ginagawa lagi niya kasing binabanggit yun. Siguro ngayon matatapos na, sana nga para makumpleto na ulit ang tropa namimiss ko na sila sobra.
Namimiss ko na yung kaartehan ni rica, kasungitan ni allison, pagka sosyalera ni rachelle at ang pagkamoody ni monique, isama mo pa ang mga trip nila jonas, cris, marky at syempre ako. Yung mga tawanan namin, kulitan, asaran na kung minsan ay nauuwi sa pikunan hayyy! Nakakamiss, dahil kasi di rin namin matiis ang isat isa nagkakabati rin kami.
*BLAG*
Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto ng pagkalakas-lakas nasa loob kasi ako ng kwarto ko. Halos mabitawan ko ang ang hawak kong cellphone, naglalaro pa naman ako.
"Tol!." T*ng Ama! Si cris lang pala, kapatid ko.
Mas matanda ako sa kanya ng isang taon, pero gwapo pa din ako kahit mas bata siya. Ayoko ngang tinatawag niya akong kuya eh. Mas gusto ko sa pangalan niya ako tawagin. Isang taon lang naman kasi ang agwat namin sa isa't-isa.
"Bakit ba? Puwedeng kumatok! Namatay tuloy ako sa nilalaro ko! Kabadtrip ka talaga, Bakit ba?" Tuloy tuloy kong sabi sa kanya nakakaasar kasi.
"A-aa sorry naexcite lang kasi." nauutal niyang sabi sabay ngiti.
"Naeexcite saan?."
"Hindi mo ba nabasa?." Ngiting ngiti ang loko.
"Ang alin?." Nagtataka na ako.
"Aaay! Tignan mo kaya yung cellphone mo, laro ka kasi ng laro eh."
Pagtingin ko sa cellphone ko ay may isang message mula kay marky, kaya naman agad ko itong binuksan.
To : Marky
Message : Guys! Pwede na tayo sa bar dahil gawa na ito at kaunting gamit na lang ang kulang next week ang opening asahan ko kayong lahat dun ah. Alam niyo rin naman na kaarawan ko yun kaya bilang regalo ni daddy tayo ang bibinyag sa bar namin hahaha. See you guys!
Tumingin ako kay cris titig na titig sakin kung makangiti wagas, mukhang tinitignan niya kung nabasa ko na yung text. Batukan ko nga.
"Aray! Ba't ka ba nambabatok?" tumingin siya saken ng nakasimangot habang hinihimas niya ang ulo niyang binatukan ko.
"Ngiting ngitI ka kasi, daig mo pa nanalo sa lotto ee."
Si cris kasi kabisado ko na yan, kaya yan sumasama samen ay para sa mga lakad namin lalo na't kapag bar ang pupuntahan naku po juice ko! Hindi magpapahuli yan. Alam niyo na, marami kasing mga babae dun.
Ewan ko ba diyan, hindi na lang maghanap ng seseryosohing babae. Buti pa ako kuntento na kay kate, girlfriend ko skl! Nakilala ko siya nung mga panahong practice ng graduation namin, lagi kasi kami magkatabi sa pagmamartsa ewan ko ba kung bakit siya ang lagi kong nakakasabay sa pagmamartsa. Siguro yun ang tinatawag na tadhana.
Sa totoo lang nung araw na nagkasabay kami sa pagmamartsa dun ko lang siya unang nakita. Ang ganda niya kasi makinis ang balat, maputi, mahaba ang buhok na nakatali at may korte ang katawan. kung nakita ko siya nung una palang edi sana matagal ko na siyang niligawan.
So ayun! niligawan ko nga siya hindi naman ako nahirapan sa panliligaw dahil sinagot din niya ako agad sa mismong graduation namin. Yun ang pinakamasayang araw ko kaya naman kung todo kantyaw ang mga tropa ko. Inggit lang sila, ako pa lang kasi ang unang nagka gf sa grupo. Nagising ako sa realidad ng batukan din ako ni cris, aba gumanti.
"Ano ba huy! Bigla ka na lang natulala diyan, Pangiti ngiti ka pa." Napangiti lang ako habang himas-himas ang ulo ko teka-
"Ba't mo ko binatukan? bumabawi ka na ngayon?" Sabay tulak ko sa kanya.
"Sorry naman nabigla lang kasi ako ngumingiti ka ng walang dahilan kala ko nababaliw kana kaya ayun binatukan kita para bumalik ka sa katinuan, hindi naman ako nagkamali at bumalik ka nga sa katinuan." sabay tawa pa ng napakalakas.
"Oh siya sige umalis ka na at baka kung ano pa ang magawa ko sayo."
"Lalabas na po, eto na nga po oh."
Tinawagan ko si kate syempre kasama na rin siya sa amin lagi dahil gf ko siya.
"Hello kate?."
"Bakit babe napatawag ka?"
"Next week birthday ni marky kasabay ng pagbukas ng bagong bar nila sasama lahat ng tropa, sama ka?"
"Oo naman babe matagal tagal ko na ding hindi nakikita ang mga kaibigan mo eh."
"A-ah oh sige babe mukhang naistorbo pa yata kita eh, goodnight mwah!."
"Ay naku hindi babe patulog palang naman ako eh, goodnight din babe Mwah! Mwah! Mwah!"
"Bye babe i love you..."
"I love yoo too babe, bye!"
....
BINABASA MO ANG
A Friend's Secret (FINISHED) [EDITING]
Misterio / SuspensoA Friend's Secret....Paano na lang kung ang magkakaibigan ay may tinatagong sikreto na hindi kayang sabihin sa iba? Sasabihin ba o itatago na lang ito habang buhay. Paano kung dahil sa sikretong ito ay unti-unting maubos o mamatay ang magkakaibigan...