-----
Allison's POV
Isang linggo na rin simula nang dumating ako dito sa pilipinas. Nag-aya kasi ang mga friends ko ee birthday kasi ni marky. Grabe ang init not like in korea. But it's ok, because makikita ko ng muli ang mga kaibigan ko. excited much.
"Uhm.. Allison mga anong oras tayo pupunta ng bar? I'm so excited na kasi, ano kaya magandang suotin?." Tanong ni elle friend ko, nakilala ko siya last month on my vacation in korea. She's pinay like me, she's beautiful.
"Tumawag saken yung friend ko mga 7 pm."
"I'm so excited talaga, paano kasi magiging friend ko na rin ang mga friend mo. I'm sure mababait sila like you." tumango na lang ako at ngumiti.
"If you only knew..." Mahina kong sabi. Napatingin naman siya saken.
"Huh? May sinasabi ka?." Buti na lang at hindi niya narinig.
"Ah wala naman..." Tumango na lang siya at ngumiti sa akin.
.....
"Allison!."Agad na may tumawag sa akin pagbaba ko pa lang ng kotse. Nandito na kasi kami sa bar. Napatingin kaming dalawa ni elle sa tumawag saken, si marky pala papalapit samen.
"Marky!." Sabay yakap ko sa kanya at beso. Bumitaw na ako sa pagkakayakap, napatingin naman siya kay elle.
"A-aa sino siya allison new friend mo?." Tanong niya kaya naman tumingin ako kay elle upang ipakilala siya.
"Ah elle meet my friend marky reyes, siya yung sinasabi ko sayo'ng friend ko na may-ari ng bagong bar." Tumango naman si elle saken at ngumiti, nagpakilala din siya kay marky.
"Hi! I'm elle francisco." Nilahad niya ang kamay niya at sinapo naman ito ni marky.
"Marky Reyes." Napansin kong medyo matagal na ang paghawak nila ng kamay, kaya naman nung napatiningin saken si marky nginusuan ko yung kamay nila agad naman niyang tinanggal ito at nagsorry. Napatingin ulit ako kay marky na titig na titig kay elle.
"Oops, baka matunaw yung friend ko sa kakatitig mo." Napahawak na lang si marky sa ulo at ngumiti.
"Oh siya sige pasok na tayo sa loob at dun na lang natin hintayin ang iba." Tumango na lang kami at sumunod sa kanya. Sa tingin ko may gusto to kay elle panay ang titig eh, hihih. Infairness bagay naman sila.
Pagpasok namin sa loob nakita ko agad si rica na may kausap na babae, mukhang hindi ko siya kilala. Sa tabi naman ni rica ay nandun si rachelle na may kausap na lalaki at mukhang ang sweet nila.
"Rica, rachelle nandito na pala kayo? Bat di ko kayo nakitang pumasok?." Sabi ni marky, Nagpakita ako kay rica at rachelle nasa likod kasi ako ni marky eh kaya di nila ako makita siya na matangkad. Kinalabit ko si elle senyas na sumunod siya saken.
"Hi Girls!." Napatingin naman saken ang dalawa at nanlaki ang mga mata nila, naglakad papunta saken at niyakap ako.
"Allison! i miss you, kamusta naman ang vacation mo in korea?." -rachelle
"Mabuti naman, hihih."
"Kanina pa namin kayo hinihintay ah, sino siya?." Tanong ni rica sabay tingin kay elle.
"Si-" Magsasalita pa lang sana ako ng biglang nagsalita si marky.
"Elle francisco, friend siya ni allison in short friend na rin natin siya." sabay kindat kay elle, kilig naman to si elle. Infairness dito aa hindi halatang kinikilig.
"By the way guys. I'd like you to meet my boyfriend, Jed. Simula ngayon sa atin na siya sasama." At pinakilala niya kami isa-isa, infairness gwapo siya. Bagay sila.
"Ikaw aa gumaya kana rin kay gian ah. Hindi ka na rin single, hehe." -ako
"To kasi ee ninakaw ang puso ko." Sabay hampas niya ng mahina sa braso ni jed, natawa naman kami sa inasal nila.
"Guys! alice. Cousin ko, nagpupumilit sumama ee kaya pinagbigyan ko na gusto niya raw kasi maging kaibigan tayo." Tumingin ako dun sa alice maganda siya maikli ang buhok at nerd pero bagay naman sa kanya.
"Wala namang problema yun eh, na gusto niyong sumama samen basta ba na huwag kayong magsisi na naging friend niyo kami." Napatingin ako kay rica, rachelle at marky. Mukhang alam na nila ang ibig kong sabihin nagtaka tuloy sina alice, elle at jed.
"A-aa wala yun nag bibiro lang si allison, diba allison?." Pinandilatan ako ng mata ni rachelle.
"a-aa o-oo sorry." sabay ngiti ko sa kanila. Umupo na lang kami sa mga upuan katapat namin ay mahabang lamesa, may nagseserve na rin ng mga alak samen mga lalake lang umiinom kaming mga girls ay juice lang nagkwentuhan na rin kami. Habang nagkukuwentuhan kami ay nakita kong paparating na sila monique at jonas na may kasamang dalawang lalaki. Paglapit nila ay agad pinakilala ni monique yung guy.
"Guys! Kenneth best friend ko." -monique
"Hanggang best friend na lang ba talaga." Singit ni marky na naging dahilan ng pagtawa namin. Napatingin ako kay marky na may kasama ng lalaki hindi ko yata kilala kung sino yun.
"Grabe naman ang pagbungad niyo samen guys, diba best friend lang talaga tayo?." Tumingin siya dun sa kenneth at tumango na lang ito at ngumiti.
"Ehem..." Agad kaming napatingin kay jonas.
"Jhonny guys, cousin ko. Gusto niya raw maki-join sa atin eh." Nagpakilala naman yung jhonny, ganun din kami. Nagsi-upo na rin sila sa table namin, nang biglang nag salita si marky.
"Hep! Hep! Hep! Kala niyo kayo lang may new friends aa ako rin, jake guys anak ng kaibigan ng daddy ko." sabay tingin kay elle at ngumiti, napansin ko naman yung alice na katabi lang ni elle na nakatingin sa kasama ni marky at napangiti rin. Hindi pa man nakakaupo ang iba napansin kong papalapit na sila gian.
"Nandiyan na pala sila gian eh." Agad naman silang napatingin kala gian as in lahat, kaya naman natulala ang tatlo sa dami ng nakatingin sa kanila. Oo nga noh? ngayon ko lang napansin na marami na pala kami kaya pala ganun na lang ang reaksyon nung tatlo nabigla siguro sila kung bakit bigla kaming nagdagdagan.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot?
Una, natutuwa ako dahil may mga bago kaming friends mas marami mas masaya.
At ang pangalawa, nalulungkot ako dahil paano na lang kung malaman nila ang sikreto ng barkada.....
~~~~~
(A/N)
Ano kaya ang sikreto ng barkada? Kayo alam niyo? Ako hindi eh...
Please VOTE, COMMENT, SHARE and SUPPORT guys!
-Neis
BINABASA MO ANG
A Friend's Secret (FINISHED) [EDITING]
Misterio / SuspensoA Friend's Secret....Paano na lang kung ang magkakaibigan ay may tinatagong sikreto na hindi kayang sabihin sa iba? Sasabihin ba o itatago na lang ito habang buhay. Paano kung dahil sa sikretong ito ay unti-unting maubos o mamatay ang magkakaibigan...