AFS-14 ( Secret... )

313 27 2
                                    

-----

Elle's POV

Nandito na kami ngayon sa bahay infairness ah nakakapagod wala naman kaming nakitang jhonny. Hay! Ewan ko ba dun kay jhonny kung san na napunta. Ilang sandali pa ay dumating na sila jonas nauna kasi kami dito eh, napansin kong parang kulang sila.

"Teka lang guys!" Napatingin naman sila sa akin.

"Nasaan si rica?"

"Hindi niyo ba nakita, nauna ng umuwi ah!" Sabi naman ni alice.

"Anong umuwi? Kami palang ang naunang umuwi dito." Sabi naman ni monique.

"Baka bago pa kayo makauwe ay nauna na siya." Saad naman ni jake.

"Teka nga! Para makasigurado ay titignan ko na sa kwarto!" Sabi naman nitong si alice, agad naman na dumiretso sa taas si alice.

......

"Oh nandoon ba si rica?" Tanong ko agad ng makababa si alice galing sa kwarto nila.

"Oo, nandoon ginaw na ginaw yata nakatakip ang buong katawan ng kumot!" Paliwanag niya.

"Ah buti naman, guys puwede na bang kumain?" Sabi ko, gutom na  kasi ako eh.

"Tara na at dun na tayo sa kusina, kanina pa nakahanda ang pagkain." Sabi naman ni kate na agad naman kaming sumunod, napansin kong malungkot na naman ang mukha ni jonas, dumiretso na lang ito sa taas at mukhang hindi na naman kakain.

-----

3rd Person's POV

Matapos kumain ng magkakaibigan ay dumiretso na sila sa kani-kanilang kwarto upang magpahinga. Dahil sa pagod,  agad naman nakatulog ang mga ito.

Subalit ng mapansin ng misteryosong tao na mahimbing ng natutulog ang mga kasama niya ay dahan-dahan itong tumayo at lumabas. Pagbaba nito ay dumiretso muna ito sa kusina upang kumuha ng mga pagkain, matapos niyang gawin ay inilagay niya ang lahat ng pagkain sa isang tray at kanya itong binitbit papalabas.

Paglabas ng misteryosong taong ito ay dumiretso agad siya sa gubat na kung saan ay mayroong lumang bahay, sinuot na niya ang kanyang maskara at ang hoodie jacket upang hindi siya makilala ng pupuntahan niya...

-----

Rica's POV

Pagdilat ko ng aking mga mata ay naramdaman ko agad ang pananakit ng ulo ko at pangangalay ng kamay ko. Doon ko lang napansin na nakatali pala ang dalawang kamay ko pataas kaya nakataas ang kamay ko at nangangalay na ito, nakatayo pa ako at nakatakip ng panyo ang bibig ko.

Napatingin naman ako sa paligid ko, anong ginagawa ko dito? Nakakadiri dito lumang-luma ang bahay na ito, meron pa palang lumang bahay dito. Ang baho at bakit parang ngayon ko lang nakita ito, napayuko na lang ako sa aking mga nakikita.

Sa aking pagyuko ay doon ko lang napansin na nakatapak pala ako sa dugo na medyo natuyo na kaya pala mabaho kaninong dugo ito? Tinignan ko ang buo kong katawan wala naman akong nararamdaman na masakit sa akin kaya imposibleng sa akin ang dugo na yan.

Ang huli kong naaalala ay nasa gubat kami tapos may yumakap sa akin tapos...

Biglang bumukas ang pintuan na medyo katapat ko lang...

Tumambad sa akin ang isang taong, ano ito bakit nakamaskara siya? At nakahoodie jacket pa hindi ko tuloy makilala kung sino siya, nakakatakot ang maskara niya at may dala pa siyang tray hindi ko alam kung ano ang laman nun.


"Oh gising kana pala rica, masarap ba ang tulog?" Sabi niya, nakakatakot naman ang boses niya lumapit siya sa akin at tinanggal ang panyo sa bibig ko.

"Hoy! Kung sino ka man tigil-tigilan mo na ang larong ito hindi nakakatuwa." Sabi ko sa kanya na parang nanginginig na ang boses ko.

"Ah sa tingin mo laro lang ito? Huwag ka ngang tanga tignan mo yang inaapakan mo." Sabay turo niya sa inaapakan ko.

"Oh anong meron diyan sa inaapakan kong dugo na nilagay mo pa para matakot ako, akala mo matatakot mo ko ? Pakawalan mo na ako dito, sino kaba?" Sabi ko habang nagpupumiglas sa kinatatayuan ko.

"Sa tingin mo pala laro lang talaga ito noh? Gusto mo bang malaman kung kaninong dugo yan na medyo natuyo na sa sobrang tagal?" Napatingin naman ako dun sa dugo, oo nga medyo natuyo na ang dugo ibig sabihin matagal niya na itong nilagay dito o may iba talaga ang nagmamay-ari nito.

"Kanino?" Sabay tingin ko sa kanya, parang hindi na maganda ang nangyayari ah.

"Kay jhonny, dahil sa mga katangahan natin ay hanap parin tayo ng hanap sa kanya kahit na alam kong matagal na siyang patay...oo patay na si jhonny at ako ang may gawa, pinatay ko siya diyan mismo sa kinatatayuan mo..." Sabay tawa niya, bigla naman akong napatigil sa mga sinabi niya si jhonny patay na? Ibig sabihin patay na pala ang hinahanap namin pero bakit niya pinatay si jhonny at sabi niya kasama siya sa paghahanap ibig sabihin isa lang sa mga kaibigan ko itong taong nasa harap ko na pumatay kay jhonny pero bakit? Ang daming tanong ang gustong kong malaman ang sagot.

"Walang hiya ka, ang sama mo bakit mo ginawa sa kanya yun huwag mong sabihing ikaw rin ang naglagay ng lason nun sa beer ni kenneth kaya siya namatay." Malamang siya rin ang naglason kay kenneth kung totoo man ang mga sinasabi niya.

"Inasahan ko ng itatanong mo sa akin yan..." Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang buhok ko kaya napatingala ako.

"Oo ako ang may gawa at lahat kayo ay papatayin ko!" Sabay bitaw niya sa buhok ko, kailangang malaman ng iba ito na wala na si jhonny at isa lang sa kanila ang pumatay, pero paano? Nakatali ako dito at malamang patayin na rin niya ako.

"Bakit? Bakit mo ginagawa sa amin ito? Anong kasalanan namin sayo?" Sunud-sunod kong tanong sa kanya na agad namang pumatak ang luha sa aking mga mata.

"Kasalanan? Malaki ang kasalanan niyo eh, sa mga kaibigan nating may sikreto. Diba kasama ka dun?" Sabi niya at lumapit ulit sa akin.

"Oh ano namang kinalaman mo sa sikreto namin?" Pagsigaw ko sa kanya.

"Secret...kung kayo may sikreto, puwes ako rin..." Sabay tawa ulit niya.

"Napakasama mo talaga! Sige na, anong pang hinihintay mo? Patayin mo na ako diba yun din naman ang gagawin mo? Pinapatagal mo pa eh. Ano pahihirapan mo muna ako bago patayin gaya ng ginawa mo kay kenneth at kay jhonny?" Nagpupumiglas pa rin ako sa kinatatayuan ko.

"Ssshhh... Easy ka lang, wag masyadong matapang. Hindi pa naman kita papatayin eh sa katunayan nga eh dinalhan pa kita ng makakain alam kong gutom kana..." Sabay lapit niya sa akin at yumuko upang ikadena ang mga paa ko, nang makadena niya ang paa ko ay tinanggal niya ang tali sa kamay ko at hinatak ako sa sulok na may bakal at kinadena ang kaliwang kamay ko dun sa bakal...

"Siguro naman makakakain ka na niyan ng hindi makakatakas." Nilapag niya ang tray sa harap ko na may pagkain at tubig.

"Kung iniisip mong may lason yan nagkakamali ka, sabi ko nga sayo diba na hindi ka muna mamatay..." Sabay talikod niya at lumabas.

-----

A Friend's Secret (FINISHED) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon