AFS-2 ( Elle Meet's Marky )

787 36 5
                                    

-----

Gian's POV

Nagising na lang ako sa paulit ulit na katok sa aking pintuan, tumayo ako at binuksan ito.

"Kuy- Ay! Gian pala, tawag ka na nina mama't papa at mag aalmusal na." Tumango na lang ako. Pagbaba ni cris agad akong pumunta ng banyo, naghilamos at nagtoothbrush lang ako at bumaba na. Nakita ko sina mama at papa na nagsisimula na, kaya sumabay na ako sa kanila.

"Ah anak pupunta ka ba mamaya sa bar nila marky?."

"Opo pupunta po kami." Singit ni cris na namumuhalan pa dahil sa sobrang dami ng laman sa bunganga nito, patay gutom talaga. Oo nga pala ngayon nga pala ang araw ng birthday ni marky at ang pagbukas ng bagong bar nila.

"Opo pa bakit po?." Tanong ko.

"Hindi po ba kayo pupunta pa?." Tanong ko ulit sabay subo ng fried rice, magkaibigan kasi si papa at ang daddy ni marky.

"Ah baka hindi muna anak." sabay higup niya sa kape niya.

"Baka magalit si misis ee." sabay tingin niya kay mama, ganun din kami.

"Ano ka ba hon ayos lang pumapayag ako, minsan lang naman kayo magkita kita ng mga kaibigan mo eh." sabay hawak niya sa kamay ni papa.

"Sigurado ka hon? Sino naman makakasama mo dito?." Naku kunwari pa to si papa.

"Ayun oh!." Sabay turo niya kay manang na naglilinis ng mga pinaglutuan.

"Anong silbi ni manang?." Nagtawanan naman kami.

"Basta bumalik agad ah, hayaan mo na yang mga anak mo matatanda na yan." sabay tingin samen ni mama.

"Grabe naman kayo samen ma." sabi ni cris sabay pout pa.

"Syempre biro lang yun mga anak alam niyo namang mahal na mahal ko kayo ee." Napangiti na lang ako sa sinabi ni mama.

Pagtapos naming mag almusal ay dumiretso ako sa kwarto ko habang sina mama at papa nandun sa living room, si cris naman ewan ko baka nasa kwarto din niya. Pagpasok ko sa kwarto una kong hinanap ang phone ko baka may missed call galing kay kate at kay marky. Hindi naman ako nag kamali at may 4 missed call dalawa kay kate at dalawa kay marky una kong tinawagan si kate.

"Hello babe? Tinatawagan kita kanina aa, bat di mo sinasagot? Nag aalala tuloy ako."

"Ah Nagbreak fast kasi ako kanina ee, heheh sorry babe love you bakit napatawag ka?."

"Love you too, Ah wala lang namimiss lang kita."

"Haha i miss you too, by the way babe susunduin kita mamaya ah, sabay tayong pumunta ng bar."

"Sure babe. bye na babe maya kana lang tumawag, may gagawin pa kasi ako eh."

"Ah oh sige babe bye!." Agad kong tinawagan si marky.

"Hello marky? Hindi ko nasagot kanina ee Bakit?."

"Ah wala naman, sasabihen ko lang sana na mga 7 pm nandito na sa bar o kaya bago mag 7 para naman matagal tagal ang bonding naten."

"Ah ok sige." Yun na lang ang sinabi ko at binaba ko na ang phone. Finally makukumpleto na ulit ang barkada...

-----

Marky's POV

Ang tagal naman nung mga yun, tumingin ako sa relo ko 6:10 na hindi pa din sila dumadating sabi ko bago mag 7 nandito na sila ee. Nakita kong may nag park ng kotse, pagbaba nung nasa kotse ay ang papa ni gian agad naman akong lumapit. Kinamayan niya ako at binati, ganun din ang ginawa ko sa kanya.

"Ah nasan na po sila gian?."

"Ah sinundo pa yung girlfriend niya, andun na rin si cris. Huwag kang mag alala papunta na yun baka na traffic lang."

"Ah sige po salamat, nga pala kanina pa po kayo hinihintay ni daddy nandun po siya sa loob." tumango na lang siya at pumasok na sa loob. Pagtingin ko roon sa tabi ng kots ng papa ni gian ay may nag park ulit ng kotse parang pamilyar? Bumaba ang nasa kotse tama kay allison. May bumaba pang isang babae, parang hindi ko siya kilala hindi naman siya si rachelle, hindi rin siya si rica, at lalong hindi rin siya si monique. Sino siya?. Agad akong lumapit sa kanila.

"Allison!." Agad naman na tumingin silang dalawa.

"Marky!." Sabay yakap niya saken at beso, ganyan talaga yan si allison kahit sa mga lalake kapag kilala niya lang. Bumitaw na siya sa pagkakayakap.

"a-aa sino siya allison new friend mo?." Nauutal kong sabi sabay tingin sa magandang babae na nasa harap ko. Tumingin si allison sa babae.

"Ah elle meet my friend marky reyes. Siya yung sinasabi ko sayong friend ko na may ari ng bagong bar." Tumango naman siya kay allison at ngumiti, ang ganda niya lalo pag nakangiti. Tumingin siya sa akin, ang ganda niya talaga.

"Hi! I'm elle francisco." sabay lahad ng kanyang kamay, sinalo ko naman ito gamit ang kamay ko.

"Marky Reyes." Grabe ang lambot ng kamay niya ang sarap hawakan parang ayaw ko ng bitawan. Napatingin naman ako kay allison na nakanguso sa kamay naming dalawa, kaya naman napabitaw ako bigla.

"a-ah sorry medyo napatagal ang hawak ko sa kamay mo."

"Ah ok lang." sabay ngiti pa nito at tumingin sa mga mata kaya naman tinitigan ko rin siya sa mata.

"Ooops! Baka matunaw yung friend ko sa kakatitig mo marky." Napahawak na lang ako sa ulo ko sabay ngiti.

"Oh siya sige pasok na tayo sa loob at dun na lang natin hintayin ang iba." Tumango na lang sila at sabay sabay kaming pumasok.

I like elle she's beautiful girl i've ever seen...

-----

(A/N)

Yan muna sa ngayon mga tropa!.

Please VOTE, COMMENT, SHARE and SUPPORT guys!

-Neis

A Friend's Secret (FINISHED) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon