~~~~~
Monique's POV
Natanggal na ni jonas ang tali sa akin at agad niya akong inalalayan tumayo, napansin kong tumayo rin si cris at tinutok niya sa akin ang baril bago niya kalabitin ang baril ay humarang sa harap ko si jonas. Si jonas ang nabaril... bumagsak si jonas na agad ko namang siyang sinapo.
"Anong ginawa mo jonas! Dapat hinayaan mo na lang ako!" May dugo ng lumalabas sa bibig niya
"u-umalis k-kana! m-mahal k-kita m-monique..." at bigla na lang siyang pumikit
"Ang sweet naman!" Sabi ni kate na kakatayo lang, tumingin naman ako kay cris at nakangiti siya sa akin
"Huwag kang mag-alala monique magkakasama na kayo ni kenneth at ni jonas na matagal ng may gusto sayo! Hmm" ano? Si jonas matagal ng may gusto sa akin bakit ngayon ko lang nalaman hindi ko tuloy nasuklian ang mga ginawa niyang kabutihan sa akin. Patawarin mo ko jonas sorry...
"Napakasama mo cris! Wala kang kasing sama! Kayong dalawa ni kate! Paano niyo nagawa sa amin ito? Sa tagal nating naging magkakaibigan sa tagal ng pagsasama natin paano niyo nagawa sa amin ito.?" Wala na akong nagawa kundi ang ilapag si jonas na wala ng buhay, masakit man para sa akin ay tinanggap ko na lang at hinarap ko si cris na nakatutok na sa akin ang baril
"Alam mo naman diba? Gusto mo ulitin pa namin sayo ang lahat-lahat?" Sabi ni kate na lumapit na kay cris "sige na cris tapusin mo na yang babaeng yan!" Kinasa naman ni cris ang baril
"Paalam monique..." sabi ni cris ng biglang bumukas ang pinto... sila gian bumalik sila
"Oh kuya! Bumalik kayo! Sakto makikita niyo kung paano ko patayin ang kaibigan niyo!" Akmang kakalabitin na niya ang baril ng biglang nagsalita si gian
"Cris!" Sigaw ni gian sa kanya, agad naman napatingin si cris kay gian at binaba ang baril "kung may kasalanan ako sayo.. ako na lang ang patayin mo huwag mo na silang idamay!"
"Hindi! Ang gusto ko ay lahat kayo ay mamatay!" Sigaw ni kate, parang hindi na siya yung kate na nakilala ko
Tumakbo si marky papunta kay cris upang agawin ang baril agad naman kaming nagsisisigaw at inaawat silang dalawa pero hindi naman namin magawa. Hanggang sa biglang pumutok ang baril. Tinignan namin silang dalawa kung sino ang natamaan, nagulat na lang kami at si marky ang bumagsak. Wala ng buhay si marky! Kaya wala na kaming nagawa kundi ang tumakbo pababa kahit masakit man sa amin iwanan ang mga kaibigan namin.
Nang makalabas kami ng pinto ay hindi pa ako nakakababa ng hagdan ng may humatak sa buhok ko... si kate...
"Ooops! Saan ka pupunta!, sige na cris ako ng bahala dito ikaw ng bahala sa iba.." agad naman na bumaba si cris. Tinulak ako ni kate sa pader kaya naman napaupo ako nanlaki na lang ang mata ko ng maglabas siya ng patalim..
"Kung kanina hindi natuloy ang pagpatay sayo pwes ngayon tuluy na tuloy na" lumapit na siya sa akin at akmang isasaksak sa akin ang kutsilyo ng hawakan ko ang kamay niya
"w-walanghiya ka talaga kate!" Sabi ko habang pinipilit kong labanan ang mga kamay niya
"Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin! mamatay ka na rin gaya ng ginawa niyo sa kapatid ko mga hayop!" inangat niya ulit ang kutsilyo kaya nabitawan ko at agad niya akong hinataw sa tagiliran ko namilipit na lang ako sa sakit at napaupo ulit
![](https://img.wattpad.com/cover/24842220-288-k936462.jpg)
BINABASA MO ANG
A Friend's Secret (FINISHED) [EDITING]
Mistério / SuspenseA Friend's Secret....Paano na lang kung ang magkakaibigan ay may tinatagong sikreto na hindi kayang sabihin sa iba? Sasabihin ba o itatago na lang ito habang buhay. Paano kung dahil sa sikretong ito ay unti-unting maubos o mamatay ang magkakaibigan...