AFS-21 ( Start the Game )

305 23 0
                                    

~~~~


Rachelle's POV

Nagkahiwa hiwalay na naman kami dahil nung nililigtas namin si marky ay may biglang nagpukol ng palakol , mabuti na lang at nakayuko si marky kaya hindi siya natamaan kaya naman nahiwalay sila sa amin ako si jed , gian at kate lang ang magkakasama sila kaya ligtas... sana naman ay ligtas sila...?

Malayu layo na rin ang natakbo namin kaya naman nagpahinga muna kami..

"Gian ano ng plano? Nagkahiwa hiwalay na namam tayo.." sabi ko at agad naman napatingin ang tatlo

"Kailangan nating makauwi.. baka sakaling doon napunta sila elle..." sabi niya

"Baka nandyaan pa siya hinahanap tayo nung taong nagpukol ng palakol natatakot ako gian.." sabi ni kate sabay hawak sa kamay ni gian

"Huwag kang mag alala kate makakauwi tayo... jed kumuha ka ng mga kahoy bilang protekta sa atin kung sakaling sugurin tayo nung taong yun..." -gian

"Sige... pero samahan niyo na ako para sigurado.." sabi naman ni jed

"Sige.. tara na !" Sabi ni gian sabay tayo at nagsimula na kaming maghanap ng kahoy

Ilang sandali pa ay nakahanap na kami ng kahoy lahat kami ay meron bilang protekta sa amin kaya naman nagsimula na kaming maglakad pauwi...

Habang kami ay naglalakad ay napansin naming parang may papalapit sa amin kaya naman naghanda kami

"Ayan na papalapit na siya humanda kayo..." sabi ni gian , habang hawak naming mahigpit ang mga kahoy namin

A Friend's Secret (FINISHED) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon