~~~~~
Gian's POV
Bigla akong nagising ng may naramdaman akong may nagbuhos ng tubig sa akin, Kaya naman idinilat ko ang aking mga mata. Sa pagdilat ko naman ay wala akong makita, bulag na ba ako? Bakit ang dilim? Doon ko lang naramdaman na nakaupo ako at nakatali ang kamay ko patalikod bali natakatali ako sa inuupuan ko.
"Huwag kayong mag-alala hindi pa kayo bulag! Pinatay ko lang ang ilaw para hindi kayo magkita-kita" napalingon-lingon ako kung sino yung nagsasalita, pero wala talaga akong makita parang medyo malaki yung boses niya
"Sino ka? Nasaan kami? At bakit nakatali kami?" Parang boses ni kate yun ah
"Kate! Nasaan ka? Sinaktan ka ba niya?" Sigaw ko, mukhang nasa kulob na kwarto kami kasi ang lakas ng boses ko
"Nandito ako gian! Ikaw ayos ka lang ba diyan?" Tanong niya sa akin
"Sigurado akong si jonas ang may gawa nito! Hoy! Jonas pakawalan mo na kami dito ! Ano papatayin mo rin ba kami gaya ng ginawa mo sa iba! Napakawalanghiya mo talaga!" parang boses naman ni allison yung narinig ko
"Sshh! Wag kayong maingay! Magpapakilala ako puwede?" Sabi nung misteryosong tao na alam ko ay nasa harap lang namin siya, parang hindi si jonas to ah
BINABASA MO ANG
A Friend's Secret (FINISHED) [EDITING]
Misteri / ThrillerA Friend's Secret....Paano na lang kung ang magkakaibigan ay may tinatagong sikreto na hindi kayang sabihin sa iba? Sasabihin ba o itatago na lang ito habang buhay. Paano kung dahil sa sikretong ito ay unti-unting maubos o mamatay ang magkakaibigan...