-----
Kate's POV
Nakaready na ako para sa pagpunta namin ng bar nang biglang may kumatok nasa kwarto kasi ako, tumayo ako at binuksan ang pintuan.
"Anak nandyan na ang gwapong mong sundo." Si mama, napangiti na lang ako sa sinabi niya.
"Sige po ma, susunod na po ako." Bumaba na si mama at ako naman ay kinuha ang maliit kong bag at nilagay sa right shoulder ko at bumaba na. Paglabas ko ng gate ay nandun ang kotse ni gian nakasandal siya sa kotse at medyo nakayuko, kasama niya si cris na nasa loob ng kotse sa likod at nakabukas ang bintana.
"Gian!." Napatingin naman siya saken, infairness ang gwapo ng boyfriend ko. Medyo natulala rin siya saken kaya naman tinawag siya ni cris.
"Pst, oy gian!." Napatingin naman si gian kay cris na nasa loob pa rin ng kotse.
"Ano? magtititigan na lang ba kayo diyan? anong oras na oh! Late na tayo." Iritang sabi ni cris kaya naman natawa ako sa kanya, mukha namang natauhan na si gian.
"A-ah sorry, tara na babe." Tumango na lang ako at binuksan niya yung kabilang pintuan ng kotse para makapasok ako ang gentlemen talaga ng boyfriend ko, medyo kinikilig na ako. (haha landi)
....
"Sa tingin ko babangga tayo?" Saad ni cris habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe. Agad naman akong napatingin sa kanya, at nagtaka kung bakit niya nasabi yun.
"Huh? Baket naman?" Nakakunot mukha kong tanong sa kanya.
"Panay kasi ang tingin ni kuya sayo eh." Sabay tawa pa nito.
"Sira ka talaga." Sabay batok ni gian kay cris gamit ang isa niyang kamay. Infairness kinikilig na naman ako ano ba to araw ng kiligan? Lalo kasi akong pinapakilig nitong boyfriend ko eh. tumingin ako kay gian at nakita ko mukhang namumula siya. Ano ba, huwag mo naman akong pakiligin ng ganito gian.
.....
"Tara na at pumasok na tayo, excited na ko i'm sure maraming magagandang babae sa loob." ngiting ngiting sabi ni cris nang makarating kami sa bar, natawa naman kami ni gian.
Sumunod na kami kay cris na medyo nauna na, pagpasok namin hindi namin inaasahan ang aming nakita. Natulala kaming tatlo dahil sa mga nakatingin samen ang expect lang na naghihintay samen ay anim, pero ano to ang dami nila at mukhang close na sila sa isa't-isa. Masaya to may mga madadagdag sa barkada.
-------
Gian's POV
Pagpasok namin sa bar ayun natutula kami sa dami ng nakatingin samen imbis na ang mga barkada ko lang na sila, marky, rachelle, rica, monique, allison at jonas ang ine-expect kong naghihintay sa amin, pero hindi eh, hindi lang sila dahil nadagdagan pa sila at bakit parang close na sila agad? May bago silang kaibigan? parang hindi ko yata alam. Nakihalubilo na kami sa kanila at nakilala ko na kung sino ang mga bago nilang kasama.
Pinagmasdan ko silang lahat, si rica na kausap ang pinsan niya na alice daw ang name may pagka nerd siya pero bagay naman sa kanya. Si rachelle naman ay nakikipagharutan dun sa boyfriend niyang jed ang name, mabuti at napa-ibig nito si rachelle mapili kasi si rachelle sa mga lalaki eh, kaya't nakakapagtaka at nagkaboyfriend pero ayos na rin yun atlis hindi lang ako yung taken sa grupo namin.
Napatingin naman ako dun sa bestfriend ni monique na kenneth ang pangalan, sa tingin ko hindi na bestfriend ang tingin nito kay monique eh mga titig niya palang kay monique halatang gusto niya ito eh. Si jonas naman na katabi ko lang ay mukhang may pinag uusapan sila ng pinsan niyang si jhonny, may narinig akong name na rica kaya naman napatingin ako kay jhonny na nakatingin kay rica. Si marky naman ayun nakaakbay na dun kay elle na friend ni allison at parehas silang nakangiti, mukhang may susunod na samen ni rachelle ah. Si cris naman nakikipag kuwentuhan dun sa friend ni marky na jake ang pangalan. At si allison ayun tahimik parang ang lalim ng iniisip kaya naman tinawag ko siya.
"May problema ba, allison?" Napatingin naman saken si kate na katabi ko lang at kausap si rachelle.
"Ah wala naman, guys cr lang ako ah." Napatingin naman ang lahat at tumango mukhang may problema to si allison ah, bumulong ako kay kate na mag ccr lang tumango naman siya.
Tinawag ko si allison bago pa man siya makapasok ng cr, tumingin naman siya saken at huminto kaya lumapit ako sa kanya.
"Anong problema?" Tumingin siya saken.
"Gian paano?" Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Paanong ano?"
"Paano kung malaman nila ang sikreto natin? Baka kamuhian nila tayo." Tumulo ang mga luha galing sa mata niya at agad naman niya itong pinunasan, naalala ko na naman ang araw na yun.
"Huminahon ka allison, hindi nila malalaman ang sikreto natin kung walang magsasalita isa man sa atin." Paliwanag ko sa kanya habang hawak ko ang dalawang braso niya.
"Paa-" magsasalita palang siya nang pigilan ko siya.
"Hindi mo pa ba nakakalimutan yun? matagal na yun high school pa lang tayo nun allison, college na tayo sa pasukan kaya puwede ba kalimutan mo na kung ano man ang nangyari sa atin nung high school tayo." Sabay bitaw ko sa dalawang braso niya.
"At isa pa nandito tayo para magsaya dahil kumpleto parin tayo sa kabila ng mga nangyari sa atin hindi lang basta-basta kumpleto dahil nadagdagan pa tayo, nandito tayo at nagdadamayan sa mga problema natin kaya sana lang kalimutan mo na huh?"Tumango naman siya at hindi nagsalita, dumiretsona lang siya sa cr.
Napaisip tuloy ako, paano na lang kaya kung tama nga si allison na malaman ng mga bago naming kaibigan ang sikreto namin baka kamuhian nila kami hindi lang kamuhian, baka mawala ang tiwala nila sa amin sa isang kasalanang hindi naman namin sinasadya. Ang kinakatakot kong makaalam ng sikreto na ito ay walang iba kundi si kate, ang girlfriend ko. Sana mapatawad niya ako dahil hindi ko kayang sabihin sa kanya ang sikreto namin. Dahil ayokong lumayo siya sa akin kasi mahal na mahal ko siya....
-----
3rd Person's POV
"At isa pa nandito tayo para magsaya dahil kumpleto parin tayo sa kabila ng mga nangyari sa atin hindi lang basta-basta kumpleto dahil nadagdagan pa tayo, nandito tayo at nagdadamayan sa mga problema natin kaya sana lang kalimutan mo na huh?" Saktong sakto ang dating ko at narinig ko ang pinag-uusapan nila, hmm. Tumango naman si allison at pumasok na ng cr.
"Hmm... Kumpleto pala ah, Tignan na lang natin kung makumpleto pa kayo sa gagawin ko sa inyo.... Magsaya na kayo hangga't gusto niyo dahil sinisiguro kong huling pagsasaya niyo na ito..." Pagkasabi kong yun ay umalis na ako at bumalik sa nagsasaya kong mga kaibigan, hmm.
~~~~
(A/N)
Yan muna sa ngayon guys !
Please VOTE , COMMENT , SHARE and SUPPORT guys !
-Neis
BINABASA MO ANG
A Friend's Secret (FINISHED) [EDITING]
Misterio / SuspensoA Friend's Secret....Paano na lang kung ang magkakaibigan ay may tinatagong sikreto na hindi kayang sabihin sa iba? Sasabihin ba o itatago na lang ito habang buhay. Paano kung dahil sa sikretong ito ay unti-unting maubos o mamatay ang magkakaibigan...