-----
Monique's POV
Isang linggo ang nakalipas magmula nang mamatay ang bestfriend ko, hanggang ngayon hindi ko pa rin siya makalimutan. Sino ba namang makakalimot sa napakabait kong kaibigan? Ang sabi may naglagay daw ng lason sa beer niya nung nag bar kami, hindi naman nila matiyak kung sino dahil walang ibedensya.
Iniisip ko sino kaya naglagay nun? Alangan namang isa sa amin? Pero hindi eh marami ring tao sa bar nila marky nun, hindi ko rin masabi na isa sa amin dahil mahirap ang magbintang, pero bakit? at isa pa napakabait ng bestfriend ko, wala naman siyang kaaway pero bakit nangyari sa kanya ito. Ang daming tanong ang gusto kong hanapin ang kasagutan kung bakit nangyari ito sa kanya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito matanggap-tanggap.
I'm sorry bestfriend hindi ko man lang matukoy kung sino ang naglagay ng lason, don't worry hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikita kahit pa...
...isa ito sa barkada.
.....
Naalala ko nga pala na may outing ang barkada ngayon, naka-set na yun after sana nang bar ay mag o-outing kami kaya lang ay may nangyaring hindi ko matanggap-tanggap ang iwan ako ng bestfriend ko, kaya pinalipas muna nila ang isang linggo para makapag set ulit. Naiintindihan naman nila ako eh, nung nalulungkot ako sa pagkawala ni kenneth ay dinamayan nila ako kaya napag-isip-isip ko nun na mga tunay talaga silang kaibigan, pero hindi dun natatapos kahit na ano pang ipakita nilang magandang pakikitungo sa akin ay nawala na ang mga tiwala ko sa kanila matapos mangyari ang isang hindi katanggap-tanggap ng pangyayari.
Naisipang ituloy ang outing ay para magsaya, nung namatay kasi si kenneth ay nalungkot din sila ng sobra, kahit na nung gabing yun lang sila nagkakila-kilala, naisipan nilang magsaya naman puro kasi kalungkutan ang nangyari samen nung nakaraang linggo eh. Pero hindi naman nila ako pinipilit na isama kasi nga baka lang daw lalo ko pang maalala si kenneth.
Pero syempre sasama ako alang- alang sa bestfriend ko na namatay sa walang kakwenta-kwentang pangyayari. Alam ko naman na isa lang sa kanila ang naglagay ng lason ee, kaya humanda sila, kahit na kaibigan ko pa sila hindi ako papayag na walang hustisya ang pagkamatay ng bestfriend ko. Kung ang mga magulang ni kenneth ay tumigil na sa pag-iimbestiga, puwes ako hindi.
Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang pumatay sa bestfriend ko, kung kinakailangang gumawa ng hindi maganda ay gagawin ko para lang malaman nila kung gaano kahalaga sa akin ang buhay ng bestfriend ko.
-----
3rd Person's POV
Nag-iimpake na ng mga gamit sina gian at cris. Ang van kasi nila ang gagamitin sa kanilang pag-alis. May isa pa silang gagamiting van dahil hindi naman sila kakasya sa isa lang kaya naman nag-volunteer si marky na gamitin din ang kanilang van nang sa gayon ay doon pumuwesto ang iba.
"Ang tagal naman ng iba alas tres na oh bakit wala pa sila? Gagabihin tayo niyan eh." Saad ng binata Sabay lagay ng bag niya sa loob ng sasakyan
"Huwag kang mag alala kuya parating na sila, nagtext na si allison eh." Sagot ng kapatid nito na bitbit ang napalaking bag.
"Ano ba yang dala mo tol? Isang taon ba tayo dun sa pupuntahan natin, two weeks lang tayo baka nakakalimutan mo." Sabi nito sa nakababata niyang kapatid sabay tawa pa.
"Masama ba magdala ng sobra? always ready lang talaga ako kuya." sabay akbay sa nakakatanda niyang kapatid.
.....
"Oh nandyan na pala sila eh." Napatingin naman si gian sa biglang pagsalita ni cris, nakita niya ang ibang paparating.
"Nakikita ko hindi ako bulag." Pamimilosopo ng binata.
"Aba aba, marunong kana rin mamilosopo ah." nakangiting banggit ng binata sa nakatatandang kapatid.
"Kanino pa ba ako mahahawa? Eh di sayo! diba?" Nagtawanan naman sila.
"Babe!" Pagsigaw ni kate na papalapit kay gian.
"Ang tagal niyo babe kanina pa namin kayo hinhintay." Lungkut-lungkutang sabi ng binata.
"Medyo natraffic lang kasi ee sorry babe?" Sabay halik nito sa cheeks ng binata.
"Asan ang iba?" Tanong ni cris na mukhang walang alam sa mundo.
"Gunggong!" Sabay batok ni gian.
"Sira ka talaga eh noh? napag-usapan na natin diba. Diba yung isang van kala marky kaya nga hinati natin ang grupo, pito sa isang van kasi katorse tayo." tuloy tuloy ang pagbanggit ng binata
"Ay! Oo nga pala nakalimutan ko, sorry naman." habang himas ang ulo niya.
"Yan ba ang van na gagamiten?" Sabi ng isang dalaga
"Oo allison, akin na yang gamit mo at ilalagay ko na." kinuha ni cris ang gamit ng dalaga at dali-daling inilagay sa loob.
"Oh nasan yung friend mong si elle, allison?" Tanong ni gian.
"Ah yun ba? Eh nandun sa kabilang van, sa van nila marky."
"I think sila na noh?" - kate
"Guys!" Napatingin naman silang lahat sa dalagang nagsalita.
"Bakit rachelle?" Tanong ng isa sa kanila.
"Mukhang hindi nga sasama si monique, hindi pa kasi siya nagrereply eh."
"Hayaan na lang natin siya naiintindihan naman natin ang kalagayan niya eh."
"Guys!" Napatingin naman silang lahat sa pamilyar na boses na kanilang narinig, nanlaki ang mga mata nila nang malamang ang dalagang hindi nila inaakalang sumama ay dumating upang samahan sila.
"Monique, akala namin hindi ka na sasama eh." Sabay ang paglapit ni allison kay monique.
"Napag-isip-isip kong sumama kasi kesa nandoon ako sa loob ng kwarto ko mag-isip ng mag-isip ay baka mamaya ay maloka ako sa kakaisip na hindi ko naman alam kung may kasagutan." May hugot ang pagkakasabi ng dalaga waring may pinapatamaan.
"Anong ibig mong sabihing iniisip mo na walang kasagutan? Tungkol ba ito doon sa sa nangyari kay kenneth?" Tanong ni rachelle.
"A-aa h-hindi guys, ano ba kayo? Kung anu-ano iniisip niyo. Ang iniisip ko lang ay si kenneth kasi lalo ko lang siyang maaalala lalo na't kapag nasa loob ako ng kwarto, madalas kasi kaming nandoon ng bestfriend ko. Harutan kung minsan ay nagmomovie marathon yung mga ganung moment." Pagpapaliwanag ng dalaga.
"Ah ganun ba? Oh ano pa hinihintay natin? Halika na't ilagay mo na yang mga gamit mo sa loob ng van at ng makasakay na rin tayo." Bago pa man silang makasakay ng tuluyan ay may nagbusina sa tapat ng kanilang gate at bumaba ang isang binata rito.
"Guys, ano walang balak umalis?" Sabi ng binata nang makalapit siya sa kanyang mga kaibigan.
"Kumpleto na ba kayo dyan, marky?" -gian
"Actually hindi pa, dadaanan pa namin si jake eh, malapit lang naman yun, kayo ba?" Pagbalik ng tanong ng binata.
"Oo kumpleto na kami, tara na at nang makarating ng maaga." Sabi ng binata at nag pasukan na sila ng sasakyan. Habang si marky naman ay bumalik na rin sa kanilang gagamiting sasakyan.
-----
Murderer's POV
Hmm, mukhang masaya ito. Ang saya-saya nila hindi nila alam na impyerno ang pupuntahan nila, hahaha.
Sisiguraduhin kong walang makakauwi ng buhay....
Kundi ako....
Pagsisisihan nila na nag outing pa sila...
Mas lalo nilang pinadali ang gagawin ko sa kanila....
-----
(A/N)
Si monique po yung nasa multimedia :)
Please VOTE, COMMENT, SHARE and SUPPORT guys!
-Neis
![](https://img.wattpad.com/cover/24842220-288-k936462.jpg)
BINABASA MO ANG
A Friend's Secret (FINISHED) [EDITING]
Misteri / ThrillerA Friend's Secret....Paano na lang kung ang magkakaibigan ay may tinatagong sikreto na hindi kayang sabihin sa iba? Sasabihin ba o itatago na lang ito habang buhay. Paano kung dahil sa sikretong ito ay unti-unting maubos o mamatay ang magkakaibigan...