AFS-8 ( Spin The Bottle )

407 28 4
                                    

-----

3rd Person's POV

Kinabukasan maaga nagising ang mga magkakaibigan dahil excited sa view na makikita nila sa beach kapag umaga, nasa kusina sila ngayon upang mag-almusal.

"Grabe ang ganda talaga dito noh?" Sabi ni jonas sabay higup sa mainit na kape na kanyang hawak.

"Maganda talaga dito kaya nga dito ko kayo dinala eh. Maswerte sina mama at papa dahil sila ang nakabili nitong beach house na to." Sagot naman ni gian.

"Bilisan niyong kumain diyan nang makapag swimming na tayo." Ngiting ngiting sabi ni cris. Tinanguan lang siya ng kanyang mga kasama at dali -dali itong lumabas.

.....

"Ang saya noh?" Sabi ni cris na nakaupo sa white sand na kausap ang isang dalaga.

"Yup! Hindi lang masaya, masayang-masaya. Sana dito na lang tayo forever.... Joke!" Natawa naman ang binata sa sinabi ni alice. Dumating naman ang isang binata na kakaahon lang sa tubig.

"Grabe pare ang sarap maligo ang linis ng tubig, malawak at malayang kang makakapag-swimming ganitong lugar ang matagal ko ng gustong puntahan yun bang may napakagandang bahay ka sa tabi ng isang dagat na may white sand pa grabe ang saya lang." Ngiting-ngiting sabi ni jake.

"Talagang maganda rito pare, magaling pumili ang mama at papa ko eh." Pagmamayabang ni cris.

"Kaya nga pare ee ang galing nilang mamili. Teka nasaan ang iba?" Biglang tanong ni jake.

"Diba kayo magkakasama? Magkakasama pa nga kayong lumangoy eh." Sagot ni alice.

"Nagkahiwa-hiwalay kami eh."

"Baka nasa bahay na yung mga yun tara uwi muna tayo." Sabay tayo ni cris at sumunod naman ang dalawa sa kanya.

.....

Sa kabilang banda nanunuod ng dvd ang iba at nagtatawanan, may bumabang isang binata at tinawag sila nito.

"Guys! Ano manunood nalang ba kayo diyan? Hindi pa ba kayo sawa tara dun tayo sa labas para masaya. Nandito tayo para magsaya hindi para lang manuod ng dvd, sa bahay natin meron naman niyan diba."

"Ok sige susunod na kami, magpapalit lang kami ng damit." Sagot ng isa sa kanila.

.....

"Oh guys nasan na sila jhonny at jonas?" Tanong ni gian nang magkita-kita silang lahat ngunit wala ang dalawa nilang kasama.

"Nandyan lang yun paikot-ikot lang siguro."

"Guys nakita niyo ba si jhonny?" Biglang pagsingit ni jonas na ikinagulat ng iba.

"Hindi eh bakit anong nangyari?" -gian

"Magkasama lang kami kanina eh  sabi niya may titignan daw siya , kasi parang may nakita siyang tao na tumakbo papunta sa loob ng gubat kaya sinundan niya yun sumunod naman ako sa kanya tapos hindi ko na siya nakita." Tarantang bigkas ng binata

"Ano?" Sabi naman ng lahat.

"Tulungan niyo ko guys hanapin natin ang pinsan ko."

"Ano ba kayo wag nga kayong over acting nandyan lang yun sa tabi-tabi imposible naman mawala yun tayu-tayo lang nandito oh, uuwi rin yun pag napagod." Pagpapakalma ni marky.

"Oo nga naman hindi naman mawawala yun eh wag kayong mag alala." Pagsang-ayon ni cris sa sinabi ni marky.

"Mabuti pa ay dun na lang tayo sa tabi ng dagat. Palubog na ang araw gumawa na lang tayo ng campfire at doon na lang din natin hintayin si jhonny." Tumango naman ang lahat at hindi na inisip ang nawawalang kaibigan dahil alam naman nila na babalik yun medyo naginhawaan din si jonas sa sinabi ng mga kaibigan kaya sumunod na rin siya.

A Friend's Secret (FINISHED) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon