(A/N)
Dedicated to her ♥ yan ah gumawa pa ako ng paraan para lang madedicate sayo! Nakamobile lang kasi ako heheh
Sa mga nagtatanong na kung ano ang sikreto ng barkada.... excited na ba kayong malaman? Pwes eto na ang pinakahihintay niyo ! Enjoy!
-----
Murderer's POV
Kasama ko ngayon tong si marky ang pinagkaiba nga lang ay wala siyang malay kaya eto buhat-buhat ko siya sa aking kanang balikat na parang isang baboy. Hinampas ko ba naman ng kahoy sa ulo hindi siya mawawalan ng malay ang lakas pa naman ng paghampas ko hmm. Malamang kung hindi nakatakbo si elle kasama na siya ngayon dito kay marky to naman kasing si marky nagpakabayani kaya eto siya ngayon.
Napahinto ako ng nandito na ako sa tapat ng lumang bahay, pagbukas ko ng pinto ay nanlaki na lang ang mga mata ko, nasaan si rica? Sa pagkakaalam ko ay dito ko lang siya iniwan. Nakita ko yung susi na nakakalat, paano naman nakatakas yun? Hindi kaya may nakaalam na ng lumang bahay na ito na isa sa kanila? Sinasabi ko na nga ba eh, kaya kailangan ay hindi ko dapat ilagay itong si marky dito dahil paniguradong babalik sila dito upang tignan kung nandito si marky. Puwes! Ang tanga-tanga nila matalino yata ako kaya hindi nila ako basta-basta mauutakan hmm...
Binuhat ko ulit si marky upang ilayo sa lumang bahay na yun na alam na ng isa sa mga tangang kaibigan ko. Nang malayu-layo na kami ay napansin ko pa nga yung bangkay ni jhonny na nakabigti sa puno. Kaawa-awang jhonny? Teka, hindi kaya nakita na rin nila ang bangkay nitong si jhonny? Di bale wala namang may alam kung sino ang may gawa nun.
Nang medyo malayu-layo na rin kami sa bangkay ni jhonny ay itinali ko si marky sa isang puno gamit ang lubid na dinala ko. Hanggang ngayon wala pa ring malay ang ugok. Itinali ko siya patayo kaya nga lang wala pa rin siyang malay kaya paupo siya nakatali at nakayuko pa hmm, matapos kong gawin ang lahat sa kanya ay umalis na ako at iniwan siya roon.
-----
Elle's POV
"Ano ba talaga ang sikreto niyo huh guys? Sabihin niyo na ng hindi kami nagmumukhang tanga dito oh sa kakaisip." Sabi ko na agad naman silang napatingin, naguguluhan na talaga ako sa mga pinagsasasabi nila.
"Sabihin niyo na ng makabalik na tayo doon sa lumang bahay at maligtas si marky baka kung ano na nangyari sa kanya." Dugtong ko pa.
"Walang babalik doon sa lumang bahay na sinasabi niyo." Seryosong sabi ni gian na agad kong nilingon siya.
"Anong sabi mo?"
"Mag isip nga kayo, siguradong alam na ng killer na yan na nakatakas na si rica at may nakaalam ng pinagtataguan niya, kaya naman ililipat niya si marky sa hindi natin alam o sa mas malayo pa." Napaisip naman ako, tama naman siya pero paano namin maililigtas si marky?
"Paano natin maliligtas si marky?" Tanong ko.
"Kumuha tayo ng tiyempo, hahanapin natin si marky ng magkakasama tayong lahat, kung sino ang mawala may pagdududahan na tayo kung sino ang gumagawa ng lahat ng ito." Sabi pa ni gian.
"Talaga bang isa lang sa atin ang may gawa nito? " tanong naman ni alice na mukhang natatakot na.
"Hindi natin alam, malay niyo may ibang tao rito hindi lang natin alam kasi ngayon pa lang tayo nakapunta rito." Sabi naman ni jake.
"Paano kung patayin nila tayong lahat? Natatakot ako, ayokong mamatay sa ganitong paraan." Saad ni allison na makikita sa kanyang sarili ang panginginig ng kanyang mga kamay sa kaba.
BINABASA MO ANG
A Friend's Secret (FINISHED) [EDITING]
Misterio / SuspensoA Friend's Secret....Paano na lang kung ang magkakaibigan ay may tinatagong sikreto na hindi kayang sabihin sa iba? Sasabihin ba o itatago na lang ito habang buhay. Paano kung dahil sa sikretong ito ay unti-unting maubos o mamatay ang magkakaibigan...