AFS-10 ( The Letter )

365 26 2
                                    

-----

Jonas's POV

Paggising namin kinaumagahan ay hindi na kami nagsayang pa ng oras matapos naming mag-almusal ay agad na naming hinanap ang nawawalang pinsan ko. Naghiwa-hiwalay kami para mas lalong mapadali ang paghanap sa kanya.

"Nasan na kaya si jhonny? Hindi ko lang mainitindihan kung bakit pa siya pumasok dito sa gubat na to eh." Sabi ni jake na katabi ko lang.

"Oo nga eh kanina pa kaya tayo hanap ng hanap dito wala naman tayong nakikitang jhonny." Sabi naman nitong si rica na katabi ko lang din nasa kaliwa siya nasa kanan naman ai jake.

"Kung napapagod na kayong maghanap umuwi na kayo at ako na lang ang maghahanap sa pinsan ko." Binilisan ko na ang lakad ko nang sa ganun ay hindi na nila ako sundan, alam kong naiinip na sila kakahanap sa pinsan ko pero hindi ako titigil hangga'y hindi ko siya nakikita.

Mahahanap rin kita jhonny sana naman ay walang nangyaring masama sayo.

-----

Jake's POV

Hindi na namin sinundan si jonas dahil nakalayu-layo na siya bumalik na lang kami ni rica sa bahay. Pagdating namin sa bahay ay nandun na rin silang lahat mukhang wala rin silang nakita at mukhang pagof na rin sila.

"Oh nasan si jonas?" Tanong ni allison.

"Ano kasi eh, humiwalay siya sa amin." Sabi naman nitong si rica, sabay upo sa tabi ng kanyang pinsan at ako naman ay dumiretso sa taas nang makapagpahinga muna.

Pagpasok ko sa kwarto, Ang gulo-gulo ng mga unan at lumot sa kama nina jhonny at jonas. Dalawa kasi ang kama dito isang pangdalawang tao at yung isa single lang. Inayos ko na lang yung mga nagkalat na unan nang sa gayon ay matuwa naman sa akin yun si jonas kahit papaano, pag angat ko ng huling unan ay may nakita akong isang...


Papel galing sa ilalim ng unan ni jhonny...

-----

Murderer's POV

Siguro ngayon binabasa na ni jake ang nilagay kong sulat sa ilalim ng unan ni jhonny. Nilagay ko yun bago magsidatingan ang iba sinulat ko yun paggising ko, para isipin nilang buhay pa si jhonny kasi napag-isip-isip kong patagalin pa ang mga buhay nila tutal matagal-tagal pa naman bago kami umuwi wala pa nga kaming isang linggo eh.

Sa tingin ko naman hindi naman agad-agad makikita ni jonas yung bangkay ni jhonny eh , medyo malayu-layo din yun at maraming pasikot-sikot mabuti na lang at dun ko nilagay ang bangkay niya.

Napansin kong nandito na pala si jonas, tinanong siya ng iba kung nahanap na niya hindi siya sumagot at yumuko na lang.


Haay! Nakakaawang jonas...

-----

Jonas's POV

Nandito na ako sa bahay hindi ko pa rin siya nahanap tinanong ako ng mga kaibigan ko kung nahanap ko na si jhonny hindi na lang ako sumagot at yumuko na lang siguro alam na nila ang ibig kong sabihin. Nakita kong pababa ng hagdan si jake at nagmamadali pa.

"Jonas!" Pagtawag niya saken nang makababa siya.

"May sulat si jhonny oh." May inabot siya sa aking papel, kinuha ko naman yun at binasa.

'Tol, kailangan ko munang umuwi si daddy kasi eh ang tito mo, inatake na naman lakas kasing uminom ng alak. Sabi ni mommy hinahanap daw ako ni daddy kaya kailangan ko munang lumuwas, hindi na ako makakapag paalam sa inyo ng personal kasi tulog pa kayo eh kaya nag-iwan na lang ako ng sulat, hindi na rin ako nagdala ng mga gamit ko kasi babalik din naman ako diyan. Yun lang salamat tol, pakisabi mo na rin sa iba.'


Matapos kong basahin ang sulat ay nakahinga ako ng maluwag, siraulo talaga tong pinsan ko pinag-alala ba naman ako. Nakakahiya tuloy sa mga kaibigan ko nagalit pa ako sa kanila, binigay ko sa kanila ang papel at isa-isa nilang binasa.

"Hindi naman pala nawawala si jhonny ee todo hanap pa tayo!" Sabi ni cris na kakabasa lang ng sulat.

"Oo nga eh, pasensya na kayo kung medyo napagod kayo sa kakahanap sa wala at nagalit pa ako sa inyo sorry."

"Naku ayos lang yun, para saan pa at magkakaibigan tayo!" Sabi naman ni kate na nakahawak pa kay gian.

"Oh siguro naman puwede na natin ituloy ang kasiyahan na walang iniintinding problema." Singit naman ni marky na nakaakbay pa kay elle.

"Syempre naman!" Sabi ko sabay ngiti.

"Kung gayon LET'S PARTY!" Sabi ni cris na tinaas pa ang isang kamay sabay takbo sa labas para magswimming na naman sumunod naman ang iba sa kanya habang ako ay pumunta muna sa kusina upang kumain medyo nagutom ulit ako eh kakahanap kay jhonny.

Sumunod naman sa akin sina jake alice, rica, at monique dahil sila lang yung hindi sumunod kala cris. Umupo naman kami sa lamesa habang ako ay kumakain si jake ay umiinom ng kape habang ang mga babae naman ay umiinom ng gatas.

"Pare sa tingin mo umuwi talaga si jhonny?" Sabi naman nitong si jake

"Oo naman pare nakita mo naman yung sulat eh." Sabi ko sa kanya sabay subo ng kinakain ko.

"Eh kung tawagan mo kaya para makasigurado ka?" Tanong naman nitong si rica, oo nga noh bat di ko naisip yun, kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko lang tinawagan ko agad si jhonny. Bigla kong naalala na wala nga palang signal dito, kaya hindi ko na siya tinawagan.

"Oh bakit di mo na tinawagan?" Tanong ni alice na katabi lang ni monique.

"Naalala niyo ba guys walang signal dito, hahanap pa tayo sa labas."

"Ay oo nga pala!" Sabi ni alice na napakamot pa sa ulo niya.

"Teka nga, maiba tayo." Napatingin naman kami kay rica.

"Oh ano?" Sabi naman ni jake sabay higup sa kape niya.

"Hindi ikaw tanga." Muntik pang maibuga ni jake ang kape niya sa sinabi ni rica, agad naman kaming nagtawanan.

"Aray ko naman ang sakit mo namang magsalita, alice oh inaaway ako." Sabay paawa effect pa nito kay alice, kilig naman tong si alice.

"Ano ba kasi ang sasabihin mo rica?" Singit ko na, mukhang importante kasi ang sasabihin nito eh.

"Hindi naman tungkol sa inyo to eh , tungkol kay monique?" Sabay tingin ni rica kay monique ganun din kami.

"Huh? Ako? Bakit? Ano naman yun?" Tuloy-tuloy na tanong ni monique mukhang nagulat siya sa tanong ni rica.

"Na curious lang kasi ako eh kung bakit kaninang madaling araw ay lumabas ka ng kwarto dapat nga tatanungin pa kita eh kaya lang inaantok pa ako nun kaya hinayaan na lang kita so, bakit nga?"

-----

(A/N)

Bakit naman kaya bumaba ng ganun oras si monique? Ano kayang ginawa niya? Hala! Haha :D

Please VOTE, COMMENT, SHARE and SUPPORT guys!

-Neis

A Friend's Secret (FINISHED) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon