AFS-22 ( Jonas Reason )

314 26 0
                                    

~~~~~

Jonas's POV

Narinig kong sumigaw si alice kaya naman ay binilisan ko pa ang takbo ko , napahinto ako sa pagtakbo ng may nakita akong nakabulagta sa damuhan kaya naman ay mas lumapit pa ako...

Si alice ito ah anong nangyari sa kanya ? Sino ang may gawa nito..? Makikita na nabiyak ang ulo niya at ang dugo at utak niya ay nagkalat mukhang palakol ang ginamit sa kanya...

Agad akong umalis at dumiretso sa bahay , tumakbo na ako para mabilis akong makarating...

nang makarating ako sa bahay ay tumingin muna ako sa likod baka sakaling nasa loob sila , nang makita kong walang tao ay hindi na ako nagdalawang isip pa at pumasok na ako

Kailangan kong makakuha ng pamprokteksyon sa akin , pumunta ako ng kusina at kinuha ko yung pinakamatalim na kutsilyo nalaglag kasi yung kutsilyo ko nung hinabol ko si alice

Matapos kong gawin yun ay pumanik ako sa taas baka sakaling may gamit pa roon na panangga ko kung sino man yung killer na yun , napasok ko na ang tatlong kwarto pero wala naman akong ibang nakita may isa pa akong hindi napapasukan ang huling kwarto..

Pagpasok ko roon ay agad kong binuksan ang kabinet at hinalukay iyon... may nakapa akong parang matigas... pag angat ko ng damit ay napangiti na lang ako sa aking nakita..

A Friend's Secret (FINISHED) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon