AFS-24 ( Time to Argue )

260 23 4
                                    

~~~~~

Jonas's POV

Hindi ko pa rin lubos maisip na kung sino ang nag pana kay jake , tumingin naman ako nun sa paligid wala talaga akong nakita , napansin ko lang, lahat ng papatayin ko ay lagi akong nauunahan una si alice , pangalawa kay jed babarilin ko na sana si jed ng nagulat na lang ako ay may nagpaputok din sa kanya samantalang hindi ko pa kinakalabit ang baril na hawak ko, at ngayon naman si jake. Hay! Naguguluhan na talaga ako sino ba kasi ang may gawa ng mga ito?

Napansin kong parang may paparating kaya naman nagtago ako sa likod ng puno... Nakita ko yung taong naka hoodie jacket at nakamaskara. Siya ang pumatay sa mga kaibigan ko. Lalapit na sana ako sa kanya ng mapansin kong may hinahatak siyang tao. Hindi ko makita kung sino ang hinahatak niya dahil madilim siguro ay ang mga kaibigan ko... Hindi ako puwedeng lumapit kailangan makakuha ako ng tiyempo.

Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko hanggang mag isang oras alam kong hindi lang yun ang bibitbitin nung killer. Hanggang sa napansin kong dumaan ulit siya isa na lang ang hinahatak niya ang ibig sabihin ay huli na ito. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa at sinundan ko ito mukhang patungo siya sa beach house ah..

Doon ko palang napansin ang hinahatak niya si monique yun ah. Napakawalanghiya niya talaga anong gagawin niya kay monique at sa iba ko pang mga kasama. Bakit ko pa kasi ginawa ang mga ito eh alam kong wala ng tiwala sa akin ang mga kaibigan ko kung tutulungan ko sila sana lang ay mapatawad pa nila ako.

A Friend's Secret (FINISHED) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon