Prologue

2K 66 11
                                    

~~~~~

Alam naman natin na ang magkakaibigan ay may iba't ibang uri ng personalidad sa buhay.

Nariyan ang JOKER, yung palaging nagpapasaya sa barkada kapag alam niyang malungkot ang mga ito.

Merong ding mga KJ, yung napakaarteng nilalang ( hahah nilalang talaga! ) yung tipong aayain mo ng kasiyahan tatanggihan ka lang. Tapos nakasimangot pa tinatanong lang.

Kung merong KJ syempre meron ding KIND, yung bang isusubo na lang niya ay ibibigay pa sa iyo diba napakabait niya sana kunin na siya ni lord. Jk lang!

MOODY naman ay yung biglang hindi mamamansin ng walang dahilan, pupunta sa sulok tatahimik at tutulala.

At ang huli, NINJA MOVES. Hindi yung ninja moves na alam niyo na. Yung ninja moves na bigla na lang mawawala ng parang bula tapos pagdating magtatanong kung anong nangyari.

Sa magkakaibigan, hindi maiiwasan ang asaran na nauuwi sa pikunan.

Pikunang nauuwi rin naman sa batian.

Kahit saang anggulo mo tignan makikita mo na napakasaya ng may kaibigan.

Yun bang kapag magkakasama ang lahat ay walang iniintinding kahit anong problema dahil alam nilang SAFE sila sa isa't isa.

Diyan kayo nagkakamali, dahil ang totoo lahat ng tao ay may kani-kanilang sikreto.

Paano na lang kung ang pinakaiingatang sikreto ng magkakaibigan ay may taong nakakaalam na pala at di nila matiyak kung sino ito?

Sa huli....

...siya pala ang papatay sa lahat!

At kung bakit?

...yan ang dapat ninyong abangan!

Lalaban ka ba para mabuhay? O susuko ka na lang at handang mamatay...


A Friend's Secret (FINISHED) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon